JAGS [32] "THE CONFRONTATION"

13.1K 139 15
                                    




JAGS (Just Another Gangster's Story)


[32] "THE CONFRONTATION"

When i heard last time na nakausap ni Kelly si Rook sa mall, naging alert at protective na ako sa kanya. Shit. I've never seen this coming.. Kaiba ding umatake si Rook. We might be rivals in power and authority. Pero wag lang niyang isasali si Kelly dito. Ibang usapan na yun.

Kelly asked me kung bakit ganun na lang ang reaction ko nung malaman kong na-meet niya si Rook. Of course i have to pretend that Rook and I are really good friends. I just told her na matagal na kaming di nagkikita ni Rook and i'm glad na nagkita na silang dalawa which is a horrible idea for me. I've been bothered since then. Ngayon, lagi ko nang chinecheck ang whereabouts ni Kelly. Now i'm demanding her to tell me kung san siya pupunta at kung sino ang kasama niya. I told her not to talk to strangers. At kung lalabas man siya kasama ni Jazz, pinipilit ko si Jarred na samahan silang dalawa..

"Dude, di ko trip ang pupuntahan nila. Spa at hot oil? Pambabae yun! Ayaw ko ngang mapagkamalang bading na chaperone.." sabi ni Jarred. Pinapakiusapan ko kasi siyang samahan ngayon sina Kelly.

"Bro, di ba dapat matuwa si Jazz dahil sasamahan mo siya?"

"Buti kung ganun nga.. Nagagalit nga sa akin si Jazz. Bakit daw ako laging nakabantay, para daw wala akong tiwala sa kanya. Baka daw iniisip na manlalalaki lang siya." natatawang sabi ni Jarred.

I sighed in desperation. Baka nga naman mag away pa silang dalawa dahil sa ipinapakiusap ko.

"Ba't nga ba hindi naman ikaw ang magsama sa kanila?" tanong niya.

"Dude, di ko sila pwedeng samahan. Delikado. Baka may makakitang kasama ko sila. Mahirap na.."

"What do you mean na delikado, bro?"

"Jarred, Kelly met Rook.." seryosong sabi ko sa kanya.

"Rook? As in Rook Chavez?" naalarmang tanong niya sa akin.

"Yes. Siya nga.." sagot ko sa kanya.

"Shit. No way, man!" napatayo pa si Jarred. Obviously that he became tensed too..

"Yes way, dude. Kaya i hope you understand now kung bakit nagkakaganito ako.."

"Damn, bro. Everything is getting more complex.. Pano yan? May nabanggit ba siya kay Kelly about sa alam mo na?"

"Mukhang wala naman.. Kaya nga iniisip ko kung anong plano ng gagong yun.." nanggigil na sabi ko kay Jarred.

"Chill man.. Sige, sasamahan ko na sila. Ako ng bahala."

I thanked Jarred before he left. I also told him na sabihin agad sa akin kung may mapapansin siyang kaiba.. It's the least that i can do. I don't want Kelly to go out in public with me. Ilalagay ko lang siya sa peligro at lalong malaki ang risk na malaman niya ang secret ko.. Great. Bakit kung kailan ayos lang ang lahat saka naman may dadating na ganito?

I stayed in my room and waited for Jarred's update. Nag-review na lang ako ng lessons. Pero wala naman sa pag-aaral ang buong atensyon ko. I really feel uncomfortable in the fact that Kelly's out there in a public place. Paano kung magkita na naman sila ni Rook? Ano na naman kayang kasinungalingan ang sasabihin ng gagong yun kay Kelly?

JAGS (Just Another Gangster Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon