JAGS Part II: For the Love of Johann Ch. 23

6.8K 109 33
                                    

Just Another Gangster Story (JAGS) Part II

For the Love of Johann

©iAmJulie, 2014.

Chapter Twenty-three


The wedding will take place four days from now. Two weeks ago, lahat sila ay nagulat ng malaman nilang ia-advance na ang wedding dahil ang alam nila, one month ang preparation na ilalaan nina Johann sa kasal nila. According to Jarred, si Samantha daw ang humiling na mas mapadali na ang kasal. Hindi naman yun problema kay Johann because he has all the resources and connections. Sa sarili niya, alam na niya ang dahilan ni Samantha. Maybe got threathened when she saw Kurt again. Hindi na niya ipinaalam sa ibang kaibigan niya na may past si Samantha at Kurt. Ayaw naman niyang sa kanya manggaling yun.

At sa two weeks na dumaan, wala na siyang ginawa kundi mag-self pity. Ni wala siyang nagawa para makausap man lang si Johann at aminin dito ang nararamdaman niya. Oo, siya na ang duwag. Hindi man lang niya maipaglaban ang pagmamahal niya dito.

She's so hopeless. She barely goes out of her house. Buti na lang at reliable si Phoebe at naaasahan niya ito sa business niya. Kumakain lang siya pag humahapdi na ang tiyan niya sa gutom. Maghapon na lang siyang nagmumukmok sa bahay niya. Paulit ulit niyang tinitingan ang mga pictures nila nung highschool pa sila. She kept all their pictures and stuffs. Pati na din yung mga gamit na ibinalik sa kanya ni Johann bago siya pumuntang States.

Miss na miss na niya si Johann. Ilang beses na niya itong binalak puntahan sa condo nito pero natatakot siyang madatnan dun si Samantha.

Kakakain lang niya ng cereal kahit 4:30pm na at paakyat na sana ulit sa kwarto niya ng may kumatok sa pintuan. Para siyang zombie na naglakad papunta sa pintuan. Ni wala siya sa huwisyo ng buksan ang pintuan. Bumilis ang kabog ng dibdib niya ng makita niya si Johann na nakangiti sa kanya. Pakiramdam niya, nabuhay ulit siya.

"Johann?"

"Yes? May ine-expect ka pa bang iba?"

"Uhm, wala naman. Halika, pasok ka." taranta niyang sabi at niluwagan ang pagkakabukas ng pinto para makapasok si Johann.

"I'll just take a quick shower.. Naglinis kasi ako kanina.. Feel free to roam around the house. Promise, mabilis lang to."

Nagmadali siyang maka-akyat sa kwarto niya. It's been three days since she last took a proper bath at bigla siyang na-concious sa hitsura niya. Nahihiya siya kay Johann.

She bathe as fast as she could. Pero sinugurado din niyang hindi naman siya mapapahiya kay Johann pag nagkaharap ulit sila. She brushed her teeth twice and gargle with her mouthwash just to make sure her breath is fresh. She put on a little spray of her favorite perfume before she put on her clothes.

Nagulat siya paglabas ng banyo niya ng madatnan niya si Johann sa loob ng kwarto niya. Tinitingnan nito ang photo album nila nung highschool pa sila.

"Johann.. andito ka pala." a stupid statement. Of course, it's obvious that he's inside her room.

"You still have these things.." nangingiting saai ni Johann.

"Of course.. Itinago ko talaga ang mga yan. Bakit?"

"Wala. I'm just happy to see these photos again. It reminded me of us.."

Ngumiti na lang siya dito at umupo sa tabi nito. Ipinakita din niya kay Johann ang ginawa niya dating scrap book para sa kanilang dalawa. Sa scrap book nakalagay ang mga pictures nilang dalawa. 

"Tingnan mo ang picture nato. Gangster na gangster ang dating niyo nina Bill oh."

Natawa naman si Johann sa picture nila ng barkada.

JAGS (Just Another Gangster Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon