JAGS [11] "KELLYBEANS and JOHANNSTER"

19.9K 280 10
                                    

JAGS (Just Another Gangster's Story)

------------------------------------------------------------------------------------------------------

 "...sometimes, even the smallest things can take up the most room in your heart.."

-----------------------------------------------------------------------------------------------------


[11] "KELLYBEANS and JOHANNSTER"

 ¤KELLY's POV¤


"Ssshh. Wag ka nga." bulong ko kay Johann. Pano ba naman kasi, kanina pa siya sundot ng sundot sa braso ko.


"I'm hungry." bulong niya sakin.

And for the nth time since this morning, I rolled my eyes again and gave him a glare. Kanina pa yan ganyan ng ganyan. My gosh! Second subject pa lang naman, gutom na agad siya? Akala ko ba, ubod ng yaman nito? Eh bakit kung makahingi ng pagkain sa akin, dinaig pa ang dead hungry!


"Pwes! Maghintay ka! 30 minutes na lang naman eh." I hissed at him.


Nag-focus na lang ako sa lecture namin. May exams na kasi kami the day after tomorrow. Kung ayaw makinig ni Johann, pwes wag niya akong idamay! I need to get high grades. Not that I am failing, gusto ko lang talagang maging proud sa akin ang parents ko. Spoiled kasi ako sa kanila and I don't want to give them any disappointments.

"Finally." sabi ni Johann.


Nag-buzz na kasi for breaktime. Hindi naman siya halatang gutom dahil siya ang kauna-unahang tumayo at siya na ang kumuha at nagdala ng bag ko. And without any words, he left me. Jeez, nauna pa siyang magpunta sa rooftop! Naiiling na lang akong sumunod sa kanya..

Pagdating ko sa rooftop, nilalantakan na niya yung mga sandwich na dala ko.

"Grabe, Johann. Ang takaw mo! May monster ka ba sa tiyan?" tanong ko sa kanya as I sit beside him sa bench.


"Kelly, di ako nag-dinner at breakfast."


"So, kasalanan ko ba yun? Iyo na nga lahat yan. Di naman ako gutom. Eto na lang Knick Knacks ang sa akin."


"You sure?"


"Yeah." sagot ko.

"Good." sabi lang niya sa akin.

Duh! Di ba dapat 'thank you' yung sasabihin niya? Amp. Sama ng ugali. (>......<)


While he is busy munching on our snacks, naisipan kong kunin at ipakita sa kanya yung voo doo doll na ibinigay niya sa akin last week. Impakto! Bigyan daw ba ako ng manika ng witch!

JAGS (Just Another Gangster Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon