JAGS Part II: For the Love of Johann Ch. 19

6.1K 95 20
                                    

Just Another Gangster Story (JAGS) Part II




For the Love of Johann

©iAmJulie, 2014.



Chapter Nineteen



She put her headphones on and listen to her favorite songs in her playlist. She decided to sleep during the whole trip going to Jarred's beach resort sa Batangas. Puyat kasi siya ng nagdaang gabi dahil may tinapos siyang trabaho. Pinilit talaga niyang tapusin yun para wala na siyang iintindihin ngayong weekend. Alam naman yun nina Jazz kaya nga pinasabay na lang siya ng mga ito sa family van kesa sa mag-drive pa siya e puyat nga siya.




Mabuti na din yung tulog siya para hindi siya nakakakita ng kung ano-ano. Things like Johann holding Samantha's hand, Samantha giving Johann a kiss in his cheeks, or Johann holding Samantha's waist like he's showing the world that Samantha is his alone.



She really can't hate Samantha. She's really nice and she wants to be friend with her. She can't hold a grudge against her. Wala namang kinalalaman si Samantha sa ka-bitteran niya kaya wala siyang karapatang magalit or mag-maldita dito.



Ngayon pa lang, iniisip na niya kung paano siya sa buong weekend na yun na makakasama ang dalawa. Si Kurt lang naman ang nakakaintindi sa pinagdadaanan niya. Kaso si Kurt naman, biglang ipinadala ng lolo nito sa China. Kaya no choice si Kurt kundi sumunod na lang kahit gustong gusto nitong sumama sa kanya papuntang Batangas.


She opened her eyes because she needs to get her shades from her bag. She looked outside the window. Nakakita na naman siya ng kung ano ano. Johann and Samantha riding in his top down sports car, Samantha's head on Johann's shoulder, Samantha and Johann talking to each other happily which is obvious because they are both laughing.. Nakasabay ang mga ito sa van na sinasakyan nila. She hurriedly put on her shades and closed her eyes.



Lord, masakit po sa mata.




***


Para siyang batang na-excite nang makarating sa resort nina Jarred. She can smell the fresh salty sea breeze. Tinulungan muna niya si Jazz sa pag-ayos ng mga gamit ni Blue bago siya lumabas ng beach house.



Maganda ang property na yun nina Jarred. Medyo malayo sa mga commercial beach resorts. Ramdam na ramdam ang privacy. She went out to the beach. It's just 8am kaya hindi pa masakit sa balat ang init ng araw. The warm feeling of the white sand under her bare feet somehow relaxes her nerves. She took a couple of deep breaths, letting the clean sea breeze enter her lungs and exhale along her stresses in life. It somehow comforted hef insides. She love how the little waves gently rolls, kisses the sand, and rolls back to the sea. She love the sound of it crashing against rocks nearby. Nature at its best.



Bakit nga ba iniwan niya ang camera niya sa bag niya? Tumalikod na siya para bumalik sa beach house ng magulat siya dahil nasa may likuran lang niya si Johann.



"Ginulat mo naman ako, Johann. Anong ginagawa mo dito?"


"I was about to call you. Pero mukhang ine-enjoy mo din ang sceneries so I let you enjoy it first. Let's go back to the house. Breakfast is served. Mukhang masasarap ang niluto ng cook." Nakangiting sagit nito sa kanya.



Ngumiti din lang siya at tumango. Mula ng magkaroon ng girlfriend si Johann, ngayon na lang niya ulet ito nakasabay sa paglalakad. And at that moment, kontento na siya. Dahil alam niya pagbalik sa bahay, iba na ang makakatabi ni Johann.




***


Their breakfast was a blast. They all had fun. Bukod sa masarap yung mga pagkain, masaya din yun naging kwentuhan. As usual, si Bill at Nick na naman ang nagpasimuno ng katatawanan. She was really happy too beacuse Johann sit beside her. Kaso katabi din nito si Samantha. He sat in between Samantha and her. 


JAGS (Just Another Gangster Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon