JAGS Part II: For the Love of Johann Ch.3

6.5K 85 0
                                    

JAGS (Just Another Gangster Story) Part II

 

 

 

 

For The Love of Johann

©iAmJulie, 2013

 

 

 

Chapter Three

It was another typical Monday morning kung saan nagmamaneho na naman siya papunta sa Capture, ang kanyang studio. At dahil na-late siya ng gising, mukhang maiipit na naman siya sa traffic dahil sa rush hour. Napuyat kasi siya sa pakikipag-telebabad kay Jazz. They seem to cope up with the years they’ve been far from each other. Kung pwede nga lang na kagaya ng dati na maaring mag-sleep over sa bahay ng isa’t isa, eh di mas madalisana. Kaso, pamilyado na ang bestfriend niya.. May mga obligasyon na ito sa asawa nito at masagwa namang tingnan kung makikihati pa siya sa atensyon ng kaibigan.

But she must admit, may mga oras na bigla na lang siyang mapapaisip na sana hindi na lang siya lumayo sa mga ito para hindi siya gaya ngayon na naghahabol sa mga panahong nasayang niya. But every time she thinks of that, naiisip din niya na may purpose sa lahat ng bagay. Maybe, her decision wasn’t bad at all. Alam niyang may benefits yun sa kanya at sa mga taong nasa paligid niya.

“Oh, shit!” hindi niya mapigilang sabi. May isang sports car kasi na biglang nag-overtake sa lane niya.

Eto ang isa sa mga rason kung bakit ayaw niyang naiipit sa traffic eh. Hindi maiwasang makatagpo ng balasubas na drivers. Yung tipong sumusunod ka naman sa tamang batas trapiko tapos may isang walang modo lang ang manglalamang sa iyo.

She pressed her horn redundantly. Gusto niyang iparating sa driver ng kotse na nag-overtake sa kanya na may na-agrabyado itong tao. Pero imbes na mag-menor ito ay nilakasan pa nito lalo ang sounds sa loob ng kotse. Like, hello? Nasa gitna sila ng traffic, pero bakit feeling ng driver eh nasa bar ito at nagpa-party?

Sa sobrang yamot niya, lumipat siya sa kabilang lane upang makapantay ang sports car. She wanted to reprimand its driver for driving insensitively. Sakto namang nag-red ang stoplight kaya kahit yamot na eh napilitan pa din siyang tumigil. She was ahead of the sports car. She looked at the car to see its driver.

“Shit na naman.”

She can’t believe it! Hindi naman pala nag-iisa sa sasakyan ang driver nito dahil may kasama itong babae. And what’s worse is, nagme-make out ang mga ito sa loob! Hindi na siguro makatiis kaya sinamantala na lang ang red light. She wanted to puke. Hindi na nahiya ang mga ito eh kitang kita naman sila sa labas dahil hindi naman heavily tinted ang salamin nito sa unahan.

Just, what on earth is happening to people nowadays? May tamang lugar naman para sa mga ganoong bagay.. May tamang oras din. Eh alas syete y medya pa lang ng umaga ah!

JAGS (Just Another Gangster Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon