JAGS [45] "THAT WORD.."

11.9K 139 10
                                    






JAGS (Just Another Gangster’s Story)

[45] “THAT WORD..”

 

 

 

 

“When something has to happen, it will happen.

It may take a little time but it is worth the wait..

But being destined is not just leaving it all in fate..

It’s how you exert so much effort proving the two of you,

Are rightfully meant to be..”

It feels like it’s the first time I’ve kissed someone. It feels like it’s my first kiss.. I don’t know what to do. Pakiramdam ko, tumigil saglit sa pag-ikot ang mundo. Pakiramdam ko, gumuho ang paligid namin at ang natira lang na nakatayo ay ang bridge na kinalulugaran namin ngayon. Parang may kuryenteng dumaloy sa patay ko ng puso at nagbigay ng panibagong buhay dito.Sanahindi matapos ang lahat ng ito.

Pero siyempre, everything has its end. Hindi naman niya pwedeng patagalin ang lahat. Baka kung ano na ang isipin ni Kelly.

Dali-dali siyang lumayo at tinulungan si Kelly na makatayo.

“I’m so sorry, Kelly. Hindi ko sinasadya. Okay ka lang ba? Wala bang masakit sa iyo?”nag-aalalang tanong niya.

Hindi ito makatingin sa kanya. Nakatungo lang si Kelly habang inaayos ang damit nito.

Parang gusto niyang kabahan. Hindi kasi ito sumasagot sa kanya. Galit kaya ito? Hindi naman niya sinasadya ang nangyari. Nadulas lang sila.

“Kelly, hindi ko talaga sinasadya—”

“It’s okay. Aksidente lang yun.” Sa wakas ay sagot nito.

Tumingin na ito sa kanya. Pero agad ding iiwas ang tingin. Kitang kita niya kung gaano kapula ang pisngi at mga tainga ni Kelly. Marahil ay sa pagkapahiya din. Naaalala niya,

Laging nagba-blush si Kelly after their every kiss. Tuwang tuwa pa nga siya pag nagba-blush ito. Lagi niyang tinutukso si Kelly at lalo pa itong mamumula at hahampasin siya ng hahampasin sa braso. Napapangiti na lang siya pag-naaalala niya ang mga ganung moments nila.

JAGS (Just Another Gangster Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon