JAGS [37] "THE BREAK UP"

12.1K 148 25
                                    

JAGS (Just Another Gangster's Story)

[37] "THE BREAK-UP.."

HOW MUCH DO YOU LOVE YOUR BOYFRIEND?

I rolled  my eyes upon reading that text message. Unregistered number na naman. Talaga bang hindi ito napapagod sa katetext?

Nakatambay kami ngayon sa bahay nina Johann. Kasama ko sina Jazz, Bill, Nick at Jarred. Sari sari lang na mga katangahan lang ang pinaggagawa namin mula kanina. Para lang kaming mga batang paslit na naglaro ng card games at scrabble. Ang mga boys, umalis saglit at nag-umpukan sa library. May importanteng bagay daw silang dapat pag-usapan. Si Jazz naman, tutok ngayon sa TV at nanonood ng MYX samnatalang ako'y bored na bored na naghihintay sa pagbalik nina Johann.

Pansin ko lang, everytime na bored ako, nagtetext tong si unregistered number. Ano ba kasing pakay niya sa bukay ko at sa buhay ni Johann? Kontrabida tong nilalang na ito?

Nag-excuse ako kay Jazz at nagpunta ako sa balcony ng living room nina Johann. Tatawagan ko na tong si unregistered number ng mabawasan na ang pangungulit niya sa buhay namin.

I dialled the number pero ayaw namang sagutin. It just keeps on ringing hanggang operator na ang sasagot. I dialled the number again but this time, may sumagot na.

"Hello?"

A deep and cold voice of a boy spoke on the other line.

"He-hello? Sino ka ba? Ba't ba text ka ng text sa akin ng about kay Johann? Ano bang pakaymo?" tanong ko.

I heard the boy on the other line laughed.

"You are si innocent, Kelly.. No wonder, nagtagal ka kay Johann. Wala kang kaalam-alam sa pinaggagawa ng boyfriend mo."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Tsk. Alam mo ba ang samahan na kinabibilangan ng boyfriend mo?"

"Oo.. Alam ko. And i'm so proud of him. So ngayon, kung wala kang magandang sasabihin, wag na wag mo na akong itetext ha?" sabi ko sakung sino man ang kausap ko.

JAGS (Just Another Gangster Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon