Chapter 32- Invitation

1.5K 49 57
                                    

Chapter 32

 

 

 

Invitation?!?

 

 

 

LEN’S POV:

Mahigit one week na rin simula ng iniiwasan ko si Felicity. I know, maraming dapat gawin para mapunan ang mahigit one week na hindi pagkakaintindihan at pag iiwasan naming dalawa. But for now, hindi muna yun ang priority ko. Ngayon ay papunta ako sa kompanya nina Felicity para mag present sa Board of Directors at investors nila. Dahil mayroon na akong katibayan at solusyon sa problemang ginawa n gaming kompanya, panahon na para ayusin ko to at para maayos na rin ang KALAHATI sa problema naming ni Felicity.

Mahigit tatlong oras ang ginugol ko para I present sa kanila ang presentation ko at ang mga solutions at strategy para manumbalik ang financial assets ng kompanya nila. Pati na rin sa mga issues na kinakaharap ng kompanya ay naiayos na rin. Nakuha ko ang tiwala nilang lahat. Finally!!! Tapos na ang problema ko.

<A/N: hindi ko na ide detail ang business achuchu since hindi ko course o field yun at wala akong masyadong alam ^_^. Yung mga kumuha ng Business Ad or any course related sa business alam niyo na kung ano yun ^__^ >

Nung matapos ang meeting, inanyayahan ako ng parents ni Fel na mag lunch. Awkward man, kailangan ko silang harapin at aminin sa kanila ang lahat. Kung ano ang puno’t dulo ng gulong ito. Hindi ko man kayang aminin kay Fel, siguro ay matutulungan ako ng parents ni Felicity.

“Maraming salamat Len sa nagawa mo. Hindi mo lang alam kung paano mo naisalaba ang kumpanya naming. Maraming salamat talaga at okay na ang lahat.” Sabi ni Tita.

“Walang anuman po Tita. Huwag na po kayong magpasalamat, kasalanan ko naman po kung bakit kayo nasangkot sa isang gulo na hindi naman po dapat nangyari. Again, patawad po sa gulong naidulot ng pamilya naming sa inyo.”

“Pero Len, hindi pa rin naming naintindihan. The last time we cheked, our family have a good relationship. Kahit kay Emerald walang problema eh, gusto pa nga niyang makipag partner sa kumpanya naming. Then suddenly this, nagback out kayo then your company back stabbed us. Can you tell us what really is the score here?!?” tanong ng Papa ni Fel.

Napabuntung- hininga ako sa sinabi niya. Kailangan ko nang aminin ang lahat. Pero sana, maiintindihan nila ako.

The Otaku Girl and The Playboy Prince - - Completed.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon