Chapter 6

500 20 0
                                    

~*~

Kyla

Ng buksan ko ang pinto ng aming bahay ay agad na bumungad saakin ang babaeng galit na nakatingin saakin at mahahalata mo sa kanya ang pag aalala.

"Why are you late?!" Mariin nitong saad at naka pameywang.

"Sorry mom but i clean my classroom first before i go home that is my punishment to a prince of asungot" pag papaliwanag ko sabay irap.

"Are you sure?" Pag papakasigurado nito

"Yes, bye i need to rest mom" malumanay kong saad at dumertso na sa aking kuwarto

Ng makarating ako rito ay agad kong ibinagsak ang aking katawan sa malambot kong higaan at ipinikit ang aking mga mata.

Ramdam ko parin ang sakit ng aking katawan dahil sa pag pupursigi kong linisin ang aming classroom

'Eh sa hindi naman ako marunong mag linis dahil hindi naman ako ang nag lilinis dito sa bahay namin si nanay eselda ang nag lilinis rito at kahit kailan ay hindi ako inuutusan ni mom sa mga ganyang gawain'

Kumikirot ang aking balikat at ramdam ko ang pangangalay ng aking mga braso at tuhod kasabay nito ang pagkahilo ko

"Haishh!! Yari talaga sakin ang ungas na yon! Bwisit sya pinapagod nya ako!" Bigla akong tumayo sa pagkakahiga "aray!! Ang katawan ko huhuhu! Nakakainis! Sino ba sya para utusan nya ako?! At bakit ko nga pala sya sinunod?! Ang kapal talaga ng mukha ng ungas na iyon! Ano?! Papahirapan nya lang ba ako dahil sa ginawa ko sa kanya sa cafeteria? Aba! Eh kung dagdagan ko pa kaya ng mabaog na sya?!" Saad ko sa hangin itinumba ko muli ang aking katawan at tinakpan ang aking mukha gamit ang dalawang kamay

'Nakakainis!! Ang sakit tuloy ng katawan ko'

~*~

Masamang bangungot ang nagpagising saakin kaya napatayo ako sa pagkakahiga habol habol ko ang aking hininga at napahawak ako sa aking dibdib maging sa aking labi

'Ano?! Totoo ba iyon?! Yung ungas na iyon!! Pano sya nakapasok sa panaginip ko?! At ang mas nakakainis pa ron ay hinalikan nya ako sa labi at ang sweet sweet pa namin sa isa't isa! 0.0 gosh! Yakkkk!! Iwww i wish na hindi iyon magkakatotoo!! I hate him! Ayoko sa kanya at never ko syang magugustuhan!! Arghhhhhhhh!!!'

"Hey kyla! Get down here! It's time to breakfast! And please faster because your late to your school!" Sigaw ni mom mula sa baba

Agad naman akong napatingin sa orasan na katabi ko shit! It's already 8:28 am na! Juskoo!! Mabilis akong tumayo sa kama at bubuksan na sana ang pintuan ng may mapansin ako sa salamin.

Bumalik ako sa direction kung saan ang salamin at laking gulat ko ng hindi pa pala ako nakapag palit kagabi at nakapag halfbath dahil sa pagod na pagod ako kagabi

"Aishh kainis naman oh!"

Bigla kong naalala na may isa pa pala akong extrang uniform kaya nakahinga ako ng maluwag kaya agad na akong bumaba upang mag breakfast at makapag ligo na

~*~

"Hmm... your late ms. Alvarez" bungad ni ma'am saakin ng makarating na ako sa room.

"Sorry i'm late" walang gana kong pag papaumanhin rito at dumertso na ako sa pag pasok kasabay nito ang pag sunod ng tingin saakin ng mga classmates ko.

Bigla namang nahagilap ng aking mata ang lalaking nag papagod saakin kagabi kaya agad na kumulo ang aking dugo , ngumisi ito saakin ngising hindi ko gusto inirapan ko nalang ito at uupo na sana ako sa upuan ng bigla akong natumba.

"Fuck!" Sigaw ko at sabay sabay ang pagtatawanan ng buong sulok ng classroom.

"Hahahaha ang lamya mo naman girl tch! Dapat lang sayo yan hahahaha" pang aasar saakin ng leader sa 3 kind of chakadoll

Agad naman akong tumayo at tiningnan ng masama ang ungas alam kong sya ang may pakana nito kaya napahiya ako ngayon

"Ano bang problema mo?!" Galit kong saad sinira ng asungot ang panget na umaga ko ngayon kaya mag babayad sya!

Walang emosyon itong tumingin saakin at tinaas ang isang kilay "ikaw? Anong problema mo?" Walang emosyon nitong saad.

"Alam kong ikaw ang nag atras ng upuan kaya ako napahiya wag mo ng itanggi pa halata nang ikaw ang may pakana!" Saad ko rito at padabog na binagsak ang aking bag sa lupa.

Wala parin itong imosyong nakatingin saakin arghhh!! Nang iinsulto ba tong ungas na to?!

"Hoy ungas!" Tawag ko rito at hinawakan papalapit saakin ang kaniyang kuwelyo "kung gusto mo ng away sabihin mo lang sakin para aware ako hindi yung isasarili mo lang" madiin kong saad rito.

Hinampas nya ang dalawa kong kamay na nakahawa sa kanyang kuwelyo upang mapabitaw ako rito.

"So... pinapalabas mo ba na ako ang may pakana ng pag papahiya sayo? Fyi diko na kasalanan kung tanga tanga ka o mahina ka" pang aasar nito saakin at inayos ang kaniyang kuwelyo kasabay ng malakas na pag tawa muli ang bumalot sa kabuuan ng classroom.

Agad naman kumulo ang aking dugo dahil sa kaniyang sinabi wala syang karapatan na sabihan ako ng ganyang mga salita bakit? Pinapalamon ba nya ako para pagsalitaan ng ganyan?!

Hindi na ako nakapag timpi pa at agad ko itong sinampal ng malakas na ikanagulat ng buo naming classmate maging ang aming guro dahil sa aking ginawa.

Napahawak ito sa kanang pisnge nya at ninamnam ang dugo dahil sa pagputok ng kaniyang labi hindi pa ako nakuntento at sinampal ko pa ito ng mas malakas sa kaliwa nyang pisnge kaya kamuntikan na syang ma out of balance.

"You do this a lot huh?" Saad nito na para bang hindi nasasaktan sa ginawa ko

"Who you para pagsalitaan ako ng ganyan?! Ni magulang ko nga hindi ako pinag sasalitaan ng ganyan! Pinahiya mo na nga ang tao pinag salitaan mo pa ng masama! Alam mo pogi ka sanang hayop ka eh kaso yang ugali mo?! Mas masahol pa sa diablo! Porke may mataas kang position at ikaw ang anak ng may ari ng paaralan na to eh pwede mo ng abusuhin ang mga estudyante dito! Alam mo kung tutuusin ikaw ang mas tanga saten at mas mahina! Ungas!" Nanggagaraiti kong saad rito katahimikan ang bumalot sa kapaligiran ng classroom at nilapit ko ang aking mukha sa kanyang mukha.

"Watch your words ungas" bulong ko rito at pinulot ko na ang aking bag bago mag walk out.

Wala akong pake kung ano pa man ang gawin nya saken! Di ako natatakot sa kanya! Bakit ba kasi dito sa section na to pa ako nilagay ng principal na iyon?! Nakakainis! Sirang sirang sira na talaga ang umaga ko! Bahala na sila sa buhay nila mga perwisyong stupidyante!!

His Gangster Girlfriend ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon