CHAPTER 3

286 38 6
                                    

Ji Eun's POV

Sinamahan ko si Cheska papuntang clinic kahit late na talaga ako. Hindi naman ako ganun kasama para pabayaan na lang sya, lalo pa at nasa ganito syang kalagayan.
Marunong naman akong makonsensya, hindi kagaya ng boyfriend nyang walang kwenta.

Naku! naiinis na naman ako kapag naaalala ko yung pagmumukha ng lalaking yon. Kumukulo talaga ang dugo ko. 😡😤

Pagdating namin sa clinic ay agad inasikaso ng nurse si Cheska.

"Aalis na ko."

Paalam ko sa kanya, pero pinigilan nya ko.

" Can you please stay here with me."

Makikita sa mukha nya ang pagmamakaawa.

"Bakit ko naman kailangan gawin yun? At isa pa, late na ko sa klase ko."

" Please? I just want to talk to you, and to thank you as well for helping me."

" Ano namang dapat pag-usapan natin?"

Seryoso kong tanong sa kanya.

"Ouch!"

Daing ni Cheska habang ginagamot ng nurse ang sugat nya sa siko.

" S-sorry po ma'am..."

"Ayusin mo nga yang trabaho mo!"

Masungit na sabi nito sa nurse. Noon ko lang napagmasdan na may mga galos din pala sya sa binti at braso.
Malakas talaga ang pagkakatulak sa kanya ng mokong na 'yon. Pero okay lang, dahil nakabawi naman ako sa lakas ng pagkakasuntok ko sa kanya kanina.

"Oh by the way, what's your name?"

"Hindi ko na kailangan pang sabihin ang pangalan ko sa'yo."

Hindi ko alam kung bakit biglang natawa si Cheska sa sinabi ko. Hindi naman joke 'yon.

"You know what, I like your personality. I want you to be my friend."

"Hindi ako interesadong makipagkaibigan, nandito ako sa school para mag-aral. Hindi para maghanap ng kaibigan."

Muling natawa si Cheska sa sinabi ko, but this time mas malakas na ang tawa nya.

"Napaka-straight to the point mo naman. I like it."

Actually, I have a lot of friends, but I think... They are just pretending to be my friends. They are only good to me when they are in front of me, but the truth is...they are all back stabbers."

Hindi ko inaasahan ang mga sinabi ni Cheska. Kunsabagay, sa school na 'to.. Mabibilang mo lang yata talaga ang mga totoong tao.

"What grade are you in?... Based on your uniform, you are still in Junior high."

"Grade 10."

"Oh I see... Magka-year pala kayo."

"Ha?..."

Nakakunot noo kong tanong sa kanya.

"Nevermind. After this, let's have some coffee. Don't you worry... It's my treat."

" 'Wag ka nang mag-abala pa."

"Why? Don't you drink coffee? Ok, what do you want?"

"Ang gusto ko lang naman... pumasok sa klase ko."

Seryoso kong sagot sa kanya. Wala kasi sa bokabolaryo ko ang magpaligoy-ligoy pa. Prangka kasi talaga akong tao. Sinasabi ko kung ano ang nasa isip ko.

"Oh. How sad 😞. I really want to have some conversation with you, but since you refused my invitation. Fine."😃

Finally Found My Miss RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon