CHAPTER 17

150 34 7
                                    

JIMIN'S POV

Maaga akong pumasok sa school, hindi nga ako nakatulog kagabi sa sobrang excitement na nararamdaman ko.

Iniisip ko kung saan kami maglulunch ni Ji Eun, ayaw kong mag-lunch sa cafeteria dahil paniguradong hindi naman kami magkakaroon ng privacy doon.

Balak ko syang dalhin sa favorite restaurant ko na pagmamay-ari ng pamilya ni Jin hyung. Masasarap kasi talaga ang mga pagkain don.

Gustong-gusto ko na agad matapos ang klase namin para mapuntahan ko na ang miss right ko. Ayoko pa naman syang paghintayin, nang biglang tumunog ang bell, hudyat na lunch break na.

"Yes!..." 😀

Nagulat ang mga kaklase at teacher ko sa biglaan 'kong pagsigaw at pagtayo sa upuan ko.

" Mr. Park, anong nangyari at bigla ka na lang sumisigaw?"

Takang tanong ng teacher ko sa'kin. Napakamot ako sa ulo ko dahil sa kahihiyan.

" W-wala po ma'am. Sorry po."

Agad akong lumabas ng classroom pagkalabas pa lang ng teacher namin.

Para na nga akong si Flash sa sobrang bilis ng takbo ko. Sobrang miss ko na si Ji Eun. Isang araw ko lang syang hindi nakita pero feeling ko ay isang buwan na ang lumipas.

Ang daming pumapasok sa isip ko habang papalapit na ako sa building ng Junior High.

Naisip kong yayain si Ji Eun na manood ng basketball practice namin, para mas lalo akong ganahan.

Hindi ko mapigilan ang mapangiti, kinikilig kasi talaga ako.😳

Pagkapasok ko ng Junior High building ay hinarang na agad ako ng mga Junior high girls.

Hindi ko alam kung pano ba ako makakatakas sa kanila.

Wahhh!!! Save me! 😭😭😭

Buti na lang at lumapit agad sa akin ang mga security guard ng building na 'to kaya nagawa ko silang takasan.

Nakahinga na ko ng maluwag nang makasakay ako sa elevator.

Kailangan ko na yatang magkaroon ng budy guard. Woohhh! Muntikan na 'kong dumugin don.😩

Nakarating na ko sa floor nila Ji Eun, mabilis akong tumakbo papunta sa classroom nila, baka kasi harangin na naman ako.

Hay naku! Hirap maging gwapo.😂

Habang papalapit ako sa classroom nila Ji Eun ay pabilis din ng pabilis ang heartbeat ko.

Si Jungkook agad ang nabugaran ko, papalabas na sya ng classroom nila.

"Oh hyung! A-anong ginagawa mo dito?"

"Si Ji Eun?"

Mukhang nagulat sya sa tanong ko sa kanya.

" Bakit mo sya hinahanap hyung?"

Medyo nakaramdam ako ng hiya dahil sa tanong ng maknae namin.

Napahawak ako sa batok ko,bago nagsalita, pero di ko alam ang isasagot sa kanya.

" Actually..." 😄

Nahihiya talaga ako na sabihin kay Jungkook ang rason kung bakit ko hinahanap si Ji Eun, baka tuksuhin na naman kasi ako nito. Bully pa naman 'tong maknae namin.

" Hyung?... You are blushing! "

Nagulat ako sa sinabi ni Jungkook.

" H-ha?! N-nope!"

Finally Found My Miss RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon