CHAPTER 8

148 32 9
                                    


Parang kusang nagbalik sa alaala ko ang nangyari nung first day of School.

---FLASHBACK---

6: 30 nagsimula ang flag ceremony. Isang karaniwang flag ceremony na nangyayari sa first day of school.

Nag-speech ang head teacher at pagkatapos nun ay may binanggit syang grupo na magpe-perform daw.

Sobrang lakas ng tilian ng mga estudyante, ang sakit sa tenga.

"BTS! We love you! Woohhh!!!"

"OMG! Ang popogi nila!!! Ahhhh!"

"BTS! BTS! BTS!!!!"

Sigaw ng lahat ng tao sa quadrangle. Halos magwala na sila sa sobrang ingay.

" Taehyung asawa ko!"

"Ang hot ni Jimin!"

" Hobi anakan mo ko!"😂

" Jungkook magpakasal na tayo!"

" Suga akin ka na lang!"

"Jin my love!"

"RM umuwi ka na di na ko galit!"😂

May isinisigaw silang mga pangalan pero hindi ko naman kilala kung sino ang mga 'yon. Sa inis ko ay nagsuot ako ng earphone para hindi ko marinig ang ingay nila. Halos itodo ko na ang volume, wag lang marinig ang mga nakakairitang sigawan ng mga babae, maging mga lalaki ay sumisigaw din.

Napasulyap ako sa stage, may mga lalaki nang naroon, hindi ko sila mga kilala. Natuon ang pansin ko sa cellphone ko. Hinihintay ko kasi ang tawag o text man lang ni appa. Nangako kasi sya sa akin na tatawag sya. Tsaka gusto ko ding makausap si eomma.

"Aray!!! "

Daing ko nang banggain ako ng mga nasa likod ko. Tinutulak nila ako. Hindi na sila maawat sa pagsigaw at halos magwala na sila. Sa inis ko ay umalis ako sa pila.

"Ang sarap pagsisikuhin sa mukha ng mga nasa pila! Makatulak wagas!"😤

Hindi ko na hinintay pa na matapos ang performance ng mga 'yon, at agad na kong bumalik sa classroom. Hindi ko naman kasi sila kilala at wala akong pakielam sa kanila.

---END OF FLASBACK---

"Ji Eun?... May problema ba?"

Nanumbalik ang ulirat ko sa kasalukuyan nang tanungin ako ni Suran.

"W-wala."

Ngayon alam ko na kung bakit parang pamilyar sa akin yung Suga, Jimin, at Taehyung nung una ko silang makita at makausap.
Ganun din ang iba pang member ng BTS na pinakita sa akin ni Yuri sa picture nung nasa coffee shop kami, yun naman pala ay nakita ko na sila nung first day of school, hindi ko lang natandaan dahil pasulyap ko lamang silang tiningnan nung nasa stage sila. Si Ilong lang yata ang hindi ko mamukhaan sa kanilang pito.

Nang matapos kaming kumain ay nagpaalam na si Cheska na babalik na sa building ng mga Senior High, si Suran naman ay nagpaalam na may pupuntahan pa daw sya kaya ako na lang mag-isa ang babalik sa building ng Junior High. Wala namang kaso yun sa akin dahil sanay akong mag-isa. Hindi ako humuhugot, okay?

Ang weird na naman ng pakiramdam ko, parang may sumusunod sa akin at binabantayan ang bawat kilos ko. Pero 'pag lumilingon naman ako o tumitingin sa paligid ay wala namang ibang tao, o di kaya'y may kanya-kanyang ginagawa ang mga tao sa paligid ko.

Pagkapasok ko pa lang ng first floor ng Building namin ay iba na agad ang ihip ng hangin.

Naghihintay ako ng elevator, apat ang elevator sa building namin. Papasok na sana ako sa pangalawang elevator pero hinarang ako ng limang lalaki.

Finally Found My Miss RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon