CHAPTER 4

228 38 5
                                    

Ji Eun's POV

Napakaraming bagay ang nangyari sa'kin sa school na nakasira sa buong araw ko.

Nasa coffee shop ako ngayon. 8 pm na pala kaya nakakaramdam na ko ng gutom. Pagkagaling ko kasi sa school ay dumiretso na ko agad dito sa coffee shop, muntikan na nga ko malate. Buti na lang at mabilis akong tumakbo.
Wala pa din akong kain simula lunch hanggang ngayon.

Mas marami kaming costumer ngayon kumpara kagabi, karamihan sa mga costumer namin ay mga estudyante.

Marami school na malapit sa coffee shop kaya hindi na nakakapagtaka kung nagiging tambayan na ng mga estudyante ang coffee shop namin.

Napapansin ko na parang kanina pa nila ako pinag-uusapan, hindi naman sa pagiging assuming, pero ganun talaga ang pakiramdam ko.

Iseserve na sana ni Yuri ang order ng tatlong babae na nakapwesto sa table 3, nang pigilan ko sya.

" Bakit unnie?"

" Ako na lang ang magseserve nyan."

" Wag na unnie, ako na lang."

"Ako na nga sabi eh."

Di na nakatanggi si Yuri nang kunin ko sa kanya ang tray.

" Sure ka ba?"

"Oo"

Seryoso kong sagot sa kanya.

May pinag-uusapan ang tatlong babae, Di ko masyadong marinig ang pag-uusap nila pero nakapagtataka dahil bigla silang tumahimik nang makalapit ako sa lamesa nila.

"Ma'am, here's your order."

Maingat kong inilapag ang mga order nila, pakiramdam ko na awkward sila sa presensya ko.

"Enjoy your order ma'am."

Ningitian ko pa sila kahit plastic na ngiti lang bago ako tuluyang tumalikod sa kanila.

Hindi pa ako nakakalayo nang marinig kong nagsalita yung isang babae.

"Oh diba sabi ko naman sayo sya yun eh."

" Oo nga, akala ko kasi kamukha lang."

"Grabe yung ginawa nya, parang hindi babae."

Napakunot ang noo ko sa aking narinig, malakas ang pakiramdam ko na ako ang tinutukoy nila.

"Oh Bakit ganyan ang itsura mo?"

Tanong sa'kin ni Yuri pagbalik ko sa counter.

"Ha?.. w-wala."

Napatingin ulit ako sa pwesto ng tatlong babae sa table 3. Agad Silang umiwas ng tingin sa akin nang mapansin siguro nila na nakatingin din ako sa kanila.

Ano na naman kayang pinag-uusapan ng mga 'to?

Napatingin ako sa iba pang costumer na nasa coffee shop.

Napansin ko na umiiwas din sila agad ng tingin sa akin kapag mapapatingin ako sa kanila.

Ano ba talagang nangyayari?!

Inis kong Tanong sa sarili ko.

"May dumi ba ko sa mukha?"

Nagulat si Yuri sa tanong ko sa kanya, pinagmasdan nya ang mukha ko.

" Wala naman unnie eh. Bakit?"

"Wala..."

Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ganun na lang sila makatingin sakin? At kung bakit parang naging center of attention na lang ako bigla? Sa school ganyan din sila sakin, pati ba naman dito?

Finally Found My Miss RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon