CHAPTER 20

183 32 9
                                    

JI EUN'S POV

Ni-lock ko agad ang pinto ng unit ko nang makapasok ako.

Naupo ako sa sahig. Sobrang napagod ako, sumakit din binti at paa ko sa pagtakbo kanina.

Pasaway ang mga paparazzi na 'yon! KAINIS! 😤

Naalala ko na naman ang nabasa ko sa newspaper kanina.

Nakaramdam ulit ko guilt para kay Jungkook.
Ako nga yata talaga ang may kasalanan.😥
Pero kung hindi nya naman kasi nagawang saktan si Cheska, hindi ko sya masusuntok. Edi wala sana kaming video na nag-viral.

Lalo tuloy naging magulo ang buhay ko.😥
Ang gusto ko lang naman ay makapag-aral sa magandang school, pero kabaliktaran yata ang mga nangyayari sa gusto ko.

Natuon ang pansin ko sa bag na ibinigay sa akin ni Suga.

Ano kayang mga gamot ang laman nyan?

Binuksan ko ang bag at tumambad sa akin ang napakaraming gamot, bulak, at vitamins.
Kulang na lang ibigay nya sa akin ang laman ng buong drug store.
Kaya pala ganito na lang kabigat ang laman ng bag na 'to, pero mas okay na din 'to para makatipid ako sa pagbili ng gamot.
Lalo na't hindi pa din ako nakakahanap ng trabaho. Kailangan ko na talagang maghanap ng trabaho, unti-unti nang nauubos ang ipon ko.

Pambayad pa lang sa aparment na 'to, kukulangin na ang budget ko.

Sobrang dami kong problema. Nagkahalo-halo na! 😫
Nang biglang tumunog ang cellphone ko.

Mabilis kong kinuha ang cellphone. Napangiti ako nang makita na appa pala ang tumatawag.

" Anak! Ji Eun! na-miss kita sobra!"

"Ako din po appa! sobrang miss ko na po kayo ni eomma. Tinatawagan ko po kayo nung nakaraan, pero hindi ko po kayo makontak."

"Pasensya na anak, busy kasi kami ng eomma mo."

"Ayos lang po yon appa."

"Kumusta naman ang pag-aaral mo dyan?"

Sinubukan kong pasiglahin ang boses ko. Ayokong mapansin ni appa na napakadami kong problema dito sa Seoul.

" Ayos na ayos lang po ako appa! Maganda po dito!"

Kahit ayaw ko, kailangan kong magpanggap na ayos lang ako. Hindi ko naman gustong pag-alalahanin sila ni eomma.

"Masaya akong marinig yan anak! Kumain ka ng mabuti ha. 'Wag kang magpapalimpas ng gutom."

Napangiti ako, napakabait talaga ng appa ko.

"Opo."

Nararamdaman ko na ang pamumuo ng luha sa mga mata ko. Sobrang miss ko na kasi talaga sila.

"Anak, magpapadala nga pala ako ng pera dyan. Para pandagdag sa panggastos mo."

" Wag na po appa! "

"Wag ka ng kumontra anak."

"Appa, wag nyo na kong isipin dito. Ako na pong bahala sa sarili ko. At isa pa, ipunin nyo na lang po yan para matubos na natin yung lupa natin sa Daegu."

" Napakabait mo talaga anak. Napakaswerte namin ng eomma na nagkaroon kami ng anak na katulad mo."

Napangiti ako sa narinig ko mula kay appa, hindi ko na napigilan ang pagpatak ng luha sa mga mata ko.

"Anak?.. Nandyan ka pa ba? Bigla kang natahimik."

"Ahm, s-sige po appa. Mag-ingat po kayo dyan."

Finally Found My Miss RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon