CHAPTER 28

288 46 8
                                    

JI EUN'S POV

Ipinagpatuloy ko na ang pag-aaral nang makaalis si Suga.

Maya-maya ay tumunog ang phone ko.

Napabuntong hininga ako sa inis, hindi kasi ako makapag-concentrate sa pag-aaral ko, lagi na lang may istorbo.

Kinuha ko ang phone ko, nagtaka ako dahil may tumatawag na unknown number.

Sino bang nagkakalat ng number ko, at dumadami yata ang nakakaalam?

Nagulat ako nang marinig ko ang boses ng nasa kabilang linya.

" Hello Ji Eun!"

Hindi ko maalala na binigay ko ang number ko Kay Jimin.

" Pano mo nalaman ang number ko?"

Narinig ko ang tawa nya sa kabilang linya.

"Nakuha ko kay Yuri."

"Si Yuri talaga napakadaldal..."

Bulong ko, narinig ko na naman ang tawa ni Jimin.

" Don't blame Yuri, it's my fault. Kinulit ko sya para ibigay sa'kin yung number mo."

"Ano pa nga ba ang magagawa ko? Nasayo na yung number ko. Bakit ka nga ba tumawag?"

"Ahm... I just wanna check if you're okay there?"

Sa tono ng pananalita nito ay para syang nahihiya na tanungin ako.

"Oo, ayos lang ako dito."

" I'm glad to hear that, but Ji Eun... if there any problem, please... don't hesitate to call me."

Puno ng pag-aalala ang boses ni Jimin.

Nagtataka na talaga ako sa ikinikilos nya at ni Suga.

Tama nga siguro ang hinala ko na isa sa kanila ang secret admirer ko. Pero sino? Sino sa kanila?

"Ji Eun?...Are still there?"

Natauhan ako nang magsalita ulit si Jimin.

"O-oo..."

" Nag-dinner ka na ba?"

" Hindi pa."

" Tsk! Kumain ka na."

May pagka-demanding ang tono ng pananalita nito. Bagay na hindi ako sanay, ayoko kasing inuutusan ako, at yun ang reason kung bakit ako nagdalawang-isip na pumayag na maging Personal Assistant nila.

Panigurado kasing uutus-utusan lang ako ni ilong. Yung tipong pagti-tripan nya akong utusan ng kung anu-ano dahil alam nyang Personal Assistant lang nila ako.

" Mamaya na, nag-aaral pa ako."

" Mas masarap mag-aral kapag may laman nag tiyan."

" Hindi pa naman ako gutom."

Diretso kong sagot sa kanya.

" Kahit na, dapat kumain ka sa tamang oras--"

Pinutol ko na agad ang sinasabi nya.

" Tsss... Pwede ba, maghanap ka na lang girlfriend na pagsasabihan mo ng ganyan?"

Biglang tumahimik sa kabilang linya, narinig ko na lang ang pagngisi nya.

" Actually, kausap ko na nga ngayon yung babaeng gusto kong maging girlfriend."

Bigla kong pinatayan ng cellphone si Jimin dahil sa sobra kong gulat at kaba sa sinabi nya.

Finally Found My Miss RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon