CHAPTER 10

182 32 7
                                    

JI EUN'S POV

Pagdating namin sa coffee shop ay agad kaming nagpalit ng uniform sa trabaho ni Yuri.

Maraming costumer kaya nagmadali kami ni Yuri na tumulong sa pagse-serve at pagkuha ng mga order nila.

Tulad pa din nung mga nakaraang araw ay ako pa din ang pinag-uusapan nila.

Kailan ba mamamatay ang issue na yan ha?!

Patay malisya na lang ako sa mga naririnig ko. Bingi-bingihan mode lang ako.

Maya-maya ay may mga dumating na costumer na nakasuot ng uniform ng Bluestone Academy, mga Junior high din sila.

Sigurado ako na kilala din ako ng mga estudyante na taga Bluestone Academy. Nagulat kasi sila nang makita ako.

Ngayon naman ay mukhang pinagchichismisan nila ang buhay ko.

Maya-maya ay napansin namin ni Yuri na parang dumarami ang tao sa labas, may mga dala silang camera at mic, sa tingin ko ay mga reporter sila.

Pati ang mga costumer namin na kasalukuyang nasa loob ng coffee shop ay napansin din iyon.

Lumabas si Yuri para malaman kung ano ang nangyayari, pero nagulat kami nang biglang pumasok ang mga reporter sa loob ng coffee shop. Ang dami nilang tinatanong kay Yuri.

Agad akong lumapit para alamin ang nangyayari, nagpapanic na kasi ang mga costumer namin dahil sa ginagawa nila, pero lalo lang yata silang naging agresibo nang makita nila ako. Lahat ng camera ay nakatapat sa akin, pati na din ang mga mic.

"Ikaw yung babaeng nasa video? Yung sumuntok kay Jeon Jungkook?"

Nagulat ako sa narinig kong tanong ng babaeng reporter.

"Bakit mo ginawa 'yon?"

Tanong pa ng isang lalaking reporter.

Hindi ko alam ang dapat isagot sa mga tanong nila. Napaatras ako sa kinatatayuan ko.

"Ikaw din yung babae don sa isa pang video diba?"

Tanong pa ng pangatlong reporter.

Hindi ako makapagsalita, halos sabay-sabay silang nagtatanong sa akin. Hindi ako sanay na may mga camera na nakatapat sa mukha ko.

" May galit ka ba sa kanya kaya nagawa mo 'yon?"

" Anong masasabi mo tungkol sa isyu na to?"

Sinusubukan silang patigilin ni Yuri at ng iba ko pang kasamahan sa coffee shop, pero ayaw nilang magpaawat.

Determinado talaga silang makasagap ng balita mula sa akin.

" Magsitigil na po kayo!"

Sigaw ni Yuri sa kanila.

Natigil lamang ang mga reporter nang biglang dumating si Mrs. Geum, ang may-ari ng coffee shop.

"Pag hindi kayo umalis sa coffee shop ko, tatawag ako ng pulis, at kakasuhan ko kayo ng harassment!"

Mukhang natakot ang mga reporter dahil sa sinabi ni Mrs. Geum, at mabilis nilang nilisan ang coffee shop.

"Asikasuhin nyo muna ang mga costumer."

Sabi nya kay Yuri, sabay tingin sa akin.

" Ji Eun, come to my office."

Bigla akong kinabahan sa sinabi ni Mrs. Geum, dahil may ideya na ko kung bakit nya ako pinapapunta sa opisina nya.

Sumunod nga ako sa office ni ma'am.

" Please take your seat, Ji Eun."

Umupo ako sa upuan na kaharap ng table ni Mrs. Geum.

Finally Found My Miss RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon