CHAPTER 2

311 40 14
                                    

JI EUN'S POV

I' m Ji Eun, wala akong masyadong kaartihan sa katawan. Hindi rin ako mahilig makisunod sa uso. Ang mga magulang ko ay nakatira sa Daegu, hindi kami mayaman at simple lang ang pamumuhay namin, meron kaming maliit na kainan sa Daegu at doon kami kumukuha ng pinagkakakitaan, pero aaminin ko na hindi sapat 'yon para matustusan ang iba pa naming pangangailangan.

Nakatira ako ngayon sa Seoul para tuparin ang mga pangarap ko, at syempre ang makapagtapos ng pag-aaral at masuklian ang paghihirap ng mga magulang ko.
Nakakuha ako ng full scholarship sa isa sa pinakamalaki at sikat na school sa Seoul. Pa'no?... simple lang, dahil matalino ako.

Ayokong maging dependent sa mga magulang ko, kaya simula nang tumira ako sa Seoul, naghanap na ako ng trabaho para masuportahan ang sarili ko.

Nakahanap agad ako ng trabaho sa Seoul bilang server sa isang coffee shop. 
Actually, mag-iisang buwan pa lang ako dito sa Seoul pero namimiss ko na agad ang mga magulang ko. Ito kasi ang unang beses na nahiwalay ako sa kanila. Nakatira ako ngayon sa maliit na apartment, Di ko talaga maiwasan na hindi ma-home sick pero buti na lang at sanay akong mag-isa, dahil kung hindi.. malamang nabaliw na ko.

"Ji Eun, nakakatuwa ka talaga. napakasipag mong bata."

Nakangiting sabi sa'kin ni Mrs. Geum, sya ang may-ari ng coffee shop na pinagtatrabahuhan ko.

"Salamat po ma'am, ginagawa ko lang po ng maayos ang trabaho ko."

"Keep up the good work hija." 😃

"Makakaasa po kayo ma'am."

" Sige, kayo na munang bahala dito sa coffee shop. May kelangan lang akong puntahan."

"'Wag po kayong mag-alala ma'am. Mag-ingat din po kayo."

"Salamat, Ji Eun."

Napakaraming customer sa shop kaya naman napagod ako sa pagseserve. Kilala ang coffee shop namin sa Seoul sa sarap ng mga kape namin dito, at di lang kape ang ipinagmamalaki namin dahil masasarap din ang mga dessert namin, kaya di nakapagtataka na binabalik-balikan ito ng mga costumer. 

From 6pm to 11 pm ang shift ko, may pasok kasi ako ng 7am hanggang 5pm sa school. Buti na lang at wala pa kaming masyadong ginawa at wala ding assignment dahil first day of school kanina kaya di pa busy.

"Bye unnie Ji Eun! Ingat sa pag-uwi!"😃

"Sige..."

Paalam ko din kay Yuri, ni hindi man lang ako nag-abalang tingnan sya. Kasamahan ko sya sa shop at parehas din kami ng shift. Mabait naman sya pero ayaw ko lang sa pagiging maingay nya. Atsaka masyado syang feeling close.
Hindi pa naman ako mahilig makipag-socialized kaya 'wag na kayong magtaka kung bakit wala akong kaibigan. 

Napasalampak agad ako sa higaan nang makauwi ako sa apartment. Sobrang napagod kasi talaga ako.

"Hay Salamat.... makakapagpahinga na din."

Wala pang ilang segundo simula nang humiga ako ay napapikit na agad ang mata ko hanggang sa makatulog.

Jungkook's POV

 Maaga akong pumasok sa school, balak ko kasing hanapin yung babaeng nakita ko kahapon nung nag-perform kami.
Gusto kong siguraduhin kung totoo ba talaga sya at hindi isang imahinasyon. Kung saan-saan ako nagpunta. Halos nalibot ko na ang buong Bluestone Academy, pero ni anino nya ay di ko man lang nakita.
 Nakaramdam na lang ako ng pananakit ng paa. Umupo ako sa gilid ng fountain, napatingin ako sa wristwatch ko, 7: 24 am na pala. 

Nagsisimula na ang first subject namin, pero wala akong pakielam. Ang importante sa'kin ngayon ay makita ang babaeng 'yon. Tutal hindi naman ako takot na babagsak kahit hindi ako pumasok. Takot lang nila 'no, ang pamilya ko kaya ang isa sa pinakamalaking mag-donate sa school na 'to. Baka bawiin ko lahat ng pera at bagay na na-donate ng pamilya ko sa school na 'to.😏

Finally Found My Miss RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon