CHAPTER 29

845 58 29
                                    

JI EUN'S POV

Tulog pa din si Jungkook nang magising ako. Napasulyap ako sa wall clock. Mag-aalas singko na pala ng madaling araw.

Naririnig ko pa din ang malakas na buhos ng ulan.

Kailan naman kaya hihinto ang ulan na yan?

Natuon muli ang pansin ko kay Jungkook.  Mahimbing pa din ang tulog nya. Marahan 'kong hinawakan ang noo nya para alamin kung bumaba na ang kanyang lagnat.

Hindi na sya ganon kainit. Mukhang bumaba na nga ang lagnat nya.

Dahan-dahan akong umalis sa pagkakayakap sa kanya. Umayos ako ng pagkakaupo sa sofa. Ingat na ingat ako sa kilos ko para hindi sya magising.

Inayos ko ang pagkakalagay ng kumot sa ibabaw ng kanyang katawan.

Sinubukan kong tumayo, ramdam ko pa din ang sakit sa mga paa ko.

Aray!!!

Nakagat ko ang ibaba ng labi ko upang hindi ako makagawa ng anumang ingay.

Naisipan kong ipagluto ng lugaw si Jungkook, para makakain na sya kapag nagising na sya, nang sa ganon ay makainom din sya ng gamot.

Lalong tumitindi ang kirot sa tuwing ihahakbang ko ang aking mga paa.

Kung hindi lang talaga ako marunong tumanaw ng utang na loob, hindi ko 'to gagawin.

Nagsimula na kong magluto. Hindi ako makakilos ng mabilis dahil sa sitwasyon ko.

Siguro naman wala kaming pasok sa lakas ng ulan ngayon.

Muling bumalik sa alaala ko ang huli kong ginawa bago mawalan ng kuryente kagabi.

Nag-iimpake na ko ng mga gamit ko non para umalis na dito sa dorm nila, pero dahil sa mga nangyari ay naudlot nga ang plano ko.

Hindi ko maintindihan kung bakit parang bigla akong nagkaroon ng pag-aalinlangan, kagabi kasi ay buo na ang desisyon ko na umalis dito, pero ngayon... Hindi ko na alam.

Hindi kaya, may kinalaman dito yung mga mabuting bagay na ginawa ni Jungkook sa'kin kagabi?

Bigla ko na lang nahampas ang ulo ko dahil sa naisip ko.

'Wag mo ring kalimutan Ji Eun na may ginawa ding masama sa'yo ang lalaking 'yon! At hindi 'yon basta-basta mabubura, kaya habang mas maaga pa ay umalis ka na.

Seryoso kong sabi sa sarili ko.

Tama, mas mabuti nga kung aalis na ko dito, pero.... hindi ko pwedeng basta na lang iwan si Jungkook sa ganitong sitwasyon, lalo na at may sakit sya.

Naisip ko din si manager Bang at ang iba pang member ng BTS, hindi rin naman tama kung aalis na lang ako bigla nang hindi man lang nagpapaalam sa kanila. Tinanggap nila ako dito sa dorm, kaya nararapat lamang na mag-resign ako ng maayos.

Tulog pa din si Jungkook nang makabalik ako sa living room.

Dahan-dahan kong inilapag ang tray sa center table.

Gigisingin ko ba sya, o hihintayin ko na lang syang magising?...

Nagdadalawang-isip pa ako kung ano ang dapat 'kong gawin.

Kasalukuyan akong nakatayo sa harapan nya.

Hihintayin ko na lang syang magising, kaso... kailangang magkalaman ang sikmura nya para naman makainom na din sya ng gamot.

Marahan ko syang tinapik sa kanyang balikat.

"Jungkook..."

Tawag ko sa pangalan nya.

Finally Found My Miss RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon