CHAPTER 6

200 37 10
                                    

Ji Eun's POV

Wala na ang teacher namin sa physics nang bumalik ako sa room.

Agad akong pinagtinginan at pinagbulungan ng mga kaklase kong chismosa at chismoso, kakaiba pala talaga ang school na 'to, kahit lalaki makati din ang dila.

Natuon ang mata ko sa lalaking katabi ng desk ko. Prente lang ang pagkakaupo nya na para bang walang ginawang di maganda sa akin kanina.

Naiinis pa rin ako sa kanya dahil sya ang rason kung bakit ako napalabas ng classroom nang wala sa oras.

Inirapan ko sya bago ako naupo sa upuan ko, habang ang loko ay ngiting aso lang na nakatingin sa akin.

Nagsimula na ang klase nang dumating ang teacher namin sa English.

Focus ako sa pakikinig sa discussion ni Mrs. Smith nang may marinig akong kakaibang tunog.

💤.....💤.....💤......💤....

Ano yun?..

Parang nanggagaling ang ingay sa bandang gilid ko.

Dahan-dahan akong lumingon kung saan ko naririnig ang ingay, at nagulat ako nang makitang tulog na tulog si mokong.😨

😴😴😴😴

Tsss! Akala ko talaga tunog ng motor yun, hilik lang pala ni mokong! Kunsabagay, para namang tambutso yung ilong nya sa laki.😂

Natawa ako sa sarili ko habang iniisip ko 'yon. Nang bigla akong tawagin ng teacher namin.

"What's funny Ms. Lee?"

" P-po?!..."😨

Hindi ko alam ang dapat isagot sa teacher namin.

"Can you share it to us?"

"Ahm, t-that's nothing Mrs. Smith."

"Are you sure?"

May pagkaistrikta din si Mrs. Smith, half-american at half-Korean sya.

"Yes ma'am."

" Ok, but next time...I don't want any distraction here in my class. Do you understand?"

" I understand ma'am."

Napansin ko na naman ang mga mata ng kaklase ko na nakatingin sa akin at halatang tuwang-tuwa sila dahil napagalitan na naman ako.

Nagpatuloy ulit sa discussion si Mrs. Smith, habang si mokong ay tuloy din naman sa paghilik.

Ayaw nya daw ng distraction sa klase nya, pero bakit tong ilong na 'to hindi nya sinisita? Eh nakaka-distract din naman ang malatambutso nitong hilik.

Reklamo ko sa isip ko, totoo naman kasi. Kanina ko pa napapansin ang pagiging bias nila. Kahit itong ilong naman talaga na ito ang may kasalanan o ginagawang mali. Hindi nila pinapakielaman, pero ako halos ipahiya na nila sa buong klase.

Ganun talaga siguro dito 'pag hindi ka nila kasing yaman at isa ka lamang hamak na iskolar sa school na 'to.

Tulog na tulog si ilong, ano naman kaya ang dahilan at mukhang puyat na puyat sya?

" Omo! Ang pogi nyang matulog!"😍

Narinig kong bulong ni Mimi, na sinapawan pa ni Kylie.

"Yeah, grabe as in he is so hot! I will take him some pictures while he is sleeping."

"Me too, para naman may titignan ako bago matulog!"

" Good idea girls. Para meron akong pwedeng i-kiss before going to bed. "

Finally Found My Miss RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon