CHAPTER 11

145 33 8
                                    

TAEHYUNG 'S POV

Kakatapos lang ng last subject ko. Sobrang nakakapagod talaga ang araw na 'to. Buti pa si Jimin laging excuse sa klase dahil member sya ng basketball team.

Bigla ko tuloy na-miss maglaro ng football. Ako kasi ang MVP ng football nung nasa team pa ako, pero umalis ako dahil mas gusto ko munang mag-focus sa study and career ko, lalo na malapit na kaming i-debut.

Ang balak kasi ng management ay i-debut kami pag graduate na ng Senior High sila Namjoon hyung.

Magkaklase dapat kami ni Jimin, pero 3rd day pa lang ng pasukan ay pinaghiwalay na agad kami.

Nagreklamo kasi ang mga teacher namin na hindi daw kami pwedeng pagsamahin sa iisang room dahil lagi daw kaming maingay. Nakakaabala daw kasi kami sa klase.

Sino ba naman ang hindi madi-distract kung meron silang hindi lang isa ... kundi dalawang naggwagwapuhang kaklase tulad namin.😉
Nahawa na yata ako sa nag-uumapaw na confidence
ni Jin hyung at JK. 😂

Naisipan 'kong dumaan sa football field, naalala kong may PE nga pala sila JK. Gusto kong manood.

Nang bigla 'kong makita na tumatakbo si Cheska, galing sya sa football field.

Para syang umiiyak, pero hindi ako sigurado dahil medyo malayo sya sa akin.

Sinundan ko sya para malaman kung ano ba talaga ang nangyari sa kanya.

Pinipilit nyang tumakbo nang mabilis pero dahil mataas ang heels ng sapatos nya ay nahihirapan syang tumakbo, nang bigla syang mapatid.

Hindi sya makatayo, nagka-sprain siguro sya kaya hindi nya magawang tumayo.

Patakbo akong lumapit sa kanya.

" Ches?..."

Tawag ko sa kanya. Nakayuko lang sya. Rinig ko ang paghikbi nya.

"What happened?"

Dahan-dahan nyang inangat ang mukha nya sa pagkakayuko. Namamaga na ang mga mata nya sa kakaiyak.

"Taehyung?..."

Agad syang yumakap sa akin nang makilala nya kung sino ako.

Nagulat ako sa ginawa nya. Hindi ko alam ang dapat gawin. Lalo syang napahikbi habang nakayakap sa akin.

Ngayon ko lang kasi sya ulit nakitang umiyak. Matagal na din kasi simula nang huli ko syang nakitang umiyak ng ganito at dahil 'yon sa maknae namin.

Niyakap ko din sya pabalik, sa mga oras kasi na 'to ay kailangan nyang maramdaman na hindi sya nag-iisa.

"Ssshhh.... stop crying na."

Sinusubukan ko syang patahanin. Hinaplos ko ang buhok nya.

"Baka may makakita pa sa atin dito, akalain na pinaiyak pa kita."

Biro ko sa kanya, pero wala talaga sya sa mood na sakyan ang biro ko.

"Sorry Taehyung..."

Bumitaw sya agad sa pagkakayakap sa akin nang mahimasmasan na sya. Pinunasan nya ang luha na kumalat sa pisngi nya.

"That's ok, but we can't talk here. Come with me. "😏

Hindi inaasahan ni Cheska ang sinabi ko.

"But w-where?..."

"Basta... just come with me."😉

Hinawakan ko sya sa kamay para tulungan syang makatayo, nahalata ko na hirap syang tumayo ng tuwid.

Finally Found My Miss RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon