CHAPTER 5

233 36 6
                                    

Jimin's POV

I can't explain my feelings since I have a little conversation with cute girl.. or should I say with Ji Eun.

Ang ganda ng pangalan nya, bagay na bagay sa kanya, kaya kahit saglit lang kami nakapag-usap kanina may something talaga akong naramdaman para sa kanya, yung feeling na... na... Shit! I don't even know what is the right term for this kind of feeling.. basta ang alam ko lang, never ko pa to naramdaman sa ibang babae.

Naputol ang iniisip ko nang biglang may pumito nang sobrang lakas.

"Time-out!"

Napahinto lahat ng players sa sigaw ni coach, napatingin ako sa mukha nya.

Sobrang galit ang itsura nya habang nakatingin sa akin. Sinenyasan nya kaming lumapit sa kanya.

"Have a break team for ten minutes."

" Yes coach!!!"

Sagot ng buong team.

" Except you Mr. Park!"

Shit! Patay ako nito. Akala ko pa naman lusot na ko pero sa mukha ni coach alam kong galit sya.

"Yes coach?"

"What's the matter Jimin? Bakit napakapangit ng laro mo ngayon?!"

Hindi ko alam ang dapat kong isagot kay coach, beast mode kasi talaga sya ngayon.

" Look!"

Tinuro nya sa akin Ang scoring board.

" Ten minutes na since nag-start yung practice game nyo pero wala ka pang score kahit two points man lang! Usually naman, hindi bumababa ng 20 points ang nagagawa mong score within ten minutes!"

Nakaramdam ako ng panlulumo sa sinabi ni coach dahil totoo naman talaga ang mga sinabi nya, hindi bumababa sa 20 points ang nagagawa kong puntos sa loob ng sampung minuto. Ganun ako kagaling mag-basketball. 😉

" How come na naging ganyan ang laro mo ngayon?! I am so disappointed. Hindi purkit practice game lang 'to ay hindi mo na seseryosohin ang paglalaro mo. I know how good you are in basketball, but that is not an excuse para hindi mo seryosohin yung mga ganitong bagay!"

Hindi ako makapagsalita dahil sa galit ni coach.

"Remember Jimin, malapit na ang inter-high, at isa ka sa inaasahan ng team natin. So please... Focus!"

" Yes coach..."

Yun lang ang naisagot ko sa kanya.

"Maupo ka muna dun, magpahinga ka."

"B-but coach..."

"I said, just sit there. Think about your mistake, tsaka ka na maglaro kapag nasa wisyo ka na."

" Y-yes coach..."

Hindi na ko nakipagtalo pa kay coach, lalo pa at badtrip sya ngayon.
Naupo na lang ako sa bench.

Disappointed din ako sa sarili ko, ganun ba ako kawalang malay sa mga nangyayari sa paligid ko kanina?

Hindi ko man lang namalayan ang pagtakbo ng oras. Hindi ko tuloy napansin na sa loob ng sampung minuto, wala man lang akong nagawang puntos.

Nakaramdam tuloy ako ng kahihiyan para sa sarili ko.

Nagulat ako nang may tumapik sa likod ko.

" Hey hyung!"

"Jk ikaw pala. Anong ginagawa mo dito? Wala ka bang klase?"

" Wala pa naman yung teacher namin eh."

" Akala ko nag-skip ka na naman sa klase mo eh."

Finally Found My Miss RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon