CHAPTER 27

207 30 4
                                    

LOURAIN 'S POV

I'm Kim Lourain, 15 years of age. I'm the one only pretty sister of Kim Namjoon. 9 years old lang ako nang umalis ako ng South Korea para mag-aral sa New Zealand, kasama ang kuya Namjoon ko.

Mas gusto kasi ng parents namin na doon kami mag-aral. But after three years, bumalik ng South Korea si kuya Namjoon para maging trainee as BTS member, kahit gustong-gusto ko na sumama pabalik sa South Korea ay hindi ako pinayagan ng mga magulang namin. Kaya naiwan ako sa New Zealand.

Sobrang nalungkot talaga ako don, ang hirap kayang maiwan mag-isa. Kung ako lang ang papipiliin, ayaw ko talagang mag-aral sa New Zealand. Mga magulang ko lang naman ang may gusto non eh.

Finally! After almost six years, nakabalik na din ako sa Korea! Ang tagal kong hinintay ang pagkakataon na 'to.

Makikita ko na din ang napaka-special na tao para sa'kin. Ang lalaking laging nagpapasaya sakin nung mga bata pa kami, my sunshine, my hope, walang iba kundi ang Hobi ko. 😍

Pagdating ko palang sa airport ay dumiretso na ako agad sa Bluestone Academy, nang mapag-alaman ko na nandun daw sila ngayon.

Nagtaka nga ako dahil Linggo na linggo pero nasa school sila. Kunsabagay, sa pagkakaalam ko kasi ay nasa Bluestone Academy din ang rehearsal room/ dorm ng BTS.

Excited na din akong makilala ang iba pang members. Bukod sa kuya ko, tatlo lang ang nakilala ko ng personal, sila Jin, Suga, at Hoseok oppa dahil kababata sila ng kuya Namjoon ko.

Hindi ako nagpasabi na dadating, dahil gusto ko silang i-surprise.

Mukhang na-surprise naman sila sa biglaan kong pagdating. Lalo na si Jin oppa, isa kasi sya sa pinaka-close ko nung mga bata pa kami.

Si Suga oppa naman ang madalas kong kaaway.
Masaya akong nakilala ang tatlo pang members ng BTS, sila Jimin oppa, Taehyung oppa, at ang maknae nila na si Jungkook. Pero speechless talaga ako nang makaharap ko ang future hubby ko, my Hobi.😍

Lalo syang naging gwapo sa paningin ko. Hindi ko mapigilan ang kilig, habang kausap ko sya, halos mahimatay na nga ako nang sabihin nyang na-miss nya ko, at nang yakapin nya ko.

Omo!Ang bilis ng heartbeat ko habang magkayakap kami. Ayaw ko na nga sanang bumitiw sa pagkakayakap sa kanya.
Perfect na sana ang lahat kung wala lang paepal.
That Yuri, she's very irritating! I don't like her presence.

Masyado syang madikit sa Hobi ko. May pagka-possessive pa naman ako, when it comes to my Hobi.

Napaka-feeling close pa. She just wasted her time and effort to introduce herself to me, as if I am interested to her.

Ok, fine! Ako na ang maldita, ayoko lang naman na may umaagaw sa Hobi ko. Imagine, ang tagal kong naghintay na makabalik dito sa Korea para sa lalaking gusto ko, tapos at the end...bigla namang may extra.

Bakit ba lagi na lang unfair sa'kin ang tadhana.
Sobrang selos talaga ang naramdaman ko nang magkatabi sila sa upuan sa dining area, tapos nilagyan pa sya ni Hobi ng pagkain sa plato nya.

Omo! Iyak na me!!! 😭

Sa halip na panghinaan ng loob ay kinapalan ko na din ang mukha ko. Hindi ako basta-basta magpapatalo.

" Oppa, paabot naman ng kanin."

Malambing kong sabi kay Hobi oppa. Kinilig ako nang ngumiti sya sa'kin. Sabay abot ng mangkok na may kanin.

" Kumain ka ng madami, ang laki ng ipinayat mo eh."

" Really? Ayaw mo ba na ganito yung katawan ko?"

Dati akong chubby nung bata pa ako, pero nung tumira ako sa New Zealand ay nag-start na 'kong mag-diet at mag-exercise para maging maganda at sexy ako sa paningin ng Hobi ko, para hindi na sya titingin sa iba pang babae.

Finally Found My Miss RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon