CHAPTER 30

184 24 6
                                    

JIMIN'S POV

Nag-atubili akong sumakay ng kotse nang sa wakas ay pinayagan ako ni mommy na puntahan si Ji Eun sa dorm.

Sobra akong nag-aalala sa kanya ni hindi nga ako nakatulog ng maayos kagabi sa kaiisip sa kalagayan nya.

Ayos lang kaya si Ji Eun?

Napangisi na lang ako sa aking naisip.

Sya nga pala si Ji Eun...so for sure she's fine.

Pinaandar ko na ang kotse ko. Hindi ako mapakali habang nag,mamaneho, si Ji Eun lang kasi ang iniisip ko at matatahimik lang ako kapag nakita ko na ulit sya.

Medyo malakas pa din ang buhos ng ulan pero hindi na katulad kagabi. Malapit na ako sa Bluestone Academy nang mapansin ko ang isang asul na kotse na nakaharang sa gitna ng kalsada.

Tsk! Kung kelan naman nagmamadali tsaka naman may nakaharang!

Inis kong sabi.

Mukhang iniwan na lang ng basta ang kotse na yan. Siguro ay bigla na lang 'yang tumirik sa gitna ng ulan kaya iniwan na lang basta dyan ng may-ari.

Iniwasan ko na lang ang kotse at nagpatuloy sa pagmamaneho.Ilang saglit lang ay nakarating na din ako sa wakas sa Bluestone Academy.

"Naku! Pagpasensyahan nyo na ho sir Jimin at hindi ko ho kayo napagbuksan kaagad ng gate."

Paghingi sa akin ng paumanhin ng security guard.

"Ayos lang ho yon."

Nakangiti kong sabi sa kanya. Mas mabilis pa sa alas kwatro nang mai-park ko ang kotse ko. May kalakasan ang hangin kaya muntikan nang masira ang payong ko. Patakbo akong nagtungo ng Senior High Building kung nasaan ang rehearsal room at ang secret dorm namin.

"Sir Jimin?! Ano hong ginagawa nyo dito sa gantong klaseng panahon?!"

Mababakas ang gulat sa mukha ng securtiy guard ng Senior High building nang makita ako sa lobby.

"May naiwan lang ako sa rehearsal room kaya babalikan ko."

"Mukhang napakaimportante ng naiwan mo sir kaya hindi mo na nagawang ipagpabukas na lang ang pagpunta dito kahit masama ang panahon."

Napangiti ako sa sinabi ni manong guard.

"Tama po kayo manong totoong napakaimportante nga non sa buhay ko."

Makahulugan kong sabi sa kanya. Totoo naman kasing napakaimportante nga ng babalikan ko walang iba kundi ang miss right ko... si Ji Eun.

"Sige po manong una na po ako."

Pagkasabi ko nun ay kumaripas na agad ako ng takbo. Excited na kasi akong makita ang miss right ko.

"Saglit lang ho sir Jimin!"

Narinig kong sigaw ni manong guard pero hindi ko na sya pinagkaabalahang lingunin pa dahil nagmamadali na ako. Sa hagdan ako dumaan dahil hanggang ngayon ay wala pa ding kuryente.

WHAT...THE...HELL!!!

Napahinto ako sa paghakbang sa hagdan at parang napako ang paa ko sa aking kinatatayuan nang makita ko kung gaano kadilim ang paligid. Makulimlim pa din kasi ang langit. Napalunok ako. Sa totoo lang kasi ay medyo takot ako sa dilim.

Tsk! Oo na! Takot nga ako sa dilim... pero nawawala naman yun kapag may kasama naman ako...kaso pag minamalas nga naman kasi mag-isa lang ako ngayon.

Wala akong nakapang cellphone sa bulsa ko.

"How stupid you are Jimin!"

Parang gusto kong saktan ang sarili ko ngayon dahil sa katangahan ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 05 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Finally Found My Miss RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon