CHAPTER 19

142 34 5
                                    

JI EUN'S POV

Agad akong gumawa ng assignment nang makabalik ako sa classroom. Ayokong matambakan ng gawain, lalo na at kailangan ko pang i-tutor si ilong mamaya.

Tapos dumagdag pa si Jimin. Kung pwede ko lang sanang hatiin ang katawan ko,ginawa ko na.

Nagsimula na ang klase pero wala pa si ilong. Saan naman kaya lupalop ng Bluestone Academy nagsuot ang taong ilong na 'yon?

Halos magkagulo na ang mga kaklase kong babae dahil hindi pa din sya bumabalik.

"Omo! where's Jungkook oppa?!"

" Why he's not yet here?!"

Wala silang pakielam kahit may teacher sa unahan. Basta ang mahalaga sa kanila yung Jungkook
oppa nila

" Oh my God! Baka na-kidnap na sya ng mga bad guy!"

"No way! Jungkook oppa is mine! No one can take him away from me!"

Kontra ni Kylie sa sinabi ni Guia.

"I think, we should call a police na!"

Gusto kong matawa sa kaartehan ng apat na 'to! Kung may award para sa mga OA, siguradong hakot award na sila.

Nag-focus na lang ako sa discussion. Hanggang sa matapos ang mga subject namin nang hapon na 'yon. Pero wala akong nakitang ilong--- wala akong nakitang Jungkook.

Nag-aayos ako ng gamit sa locker ko nang maka-receive ako ng message. Hindi naka-save ang number sa contact ko, kaya hindi ko alam kung kanino galing yon.
------------------------
FROM: Unknown number

Hoy amazona! Wag mo na muna akong i-tutor ngayon.
------------------------
Pagkabasa ko pa lang sa dalawang unang salita, alam ko na agad kung kanino nanggaling ang message na 'to.Walang iba kundi kay ilong!

Ang ipinagtataka ko kung paano nalaman ni ilong ang number ko. Wala naman akong matandaan na ibinigay ko sa kanya ang phone number ko.

Ano naman kayang inarte ng taong ilong na 'yon at hindi sya magpapa-tutor ngayon sa'kin?

Tsss! bahala sya, hindi naman ako ang mawawalan kundi sya.

Uuwi na sana ako nang maalala ko yung sinabi sa akin ni Jimin kanina.

Sa gym ako dumiretso pagkatapos kong ayusin ang mga gamit ko.

Malayo pa lang ako sa gym ay rinig ko na agad ang mga sigawan.

Akala ko ba practice game lang? Eh sa lakas ng sigawan nila, parang tunay na laban na ang nagaganap.

Nagulat ako pagkapasok ko sa gym, sobrang dami kasing tao.

Halos lahat sila isinisigaw ang pangalan ni Jimin. Parang gusto ko na agad lumabas ng gym. Hindi ako sanay sa ganito kadaming tao.

Ang sakit pa sa tenga ng sigawan nila.

Hinanap ng mata ko si Jimin, nasa bench sya kasama ang teammates nya, kasalukuyan silang kausap ng coach yata nila yon.

Sa paraan ng pakikipag-usapan ng coach nya sa kanya ay mukhang pinapagalitan sya nito.

Mahahalata na pagod na si Jimin, ganon din ang mga ka-team nya.

Napatingin ako sa score board. Taga-ibang school pala ang kalaban nila Jimin. Lamang ang mga ito ng 12 points. Kaya pala beast mode ang coach nila.
Napatingin sa direksyon ko si Jimin. Nakita ko ang pag-aliwalas ng mukha nya.

Nagstart na ang laban, mabilis na nakuha ni Jimin ang bola. Hindi ko maikakaila ang bilis nya sa pagkilos at sa pagtakbo. Walang kahirap-hirap kay Jimin na nai-shoot ang bola.

Finally Found My Miss RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon