CHAPTER 26

181 29 2
                                    

JI EUN'S POV

Hindi pa din nagkakamalay si Hoseok nang muli syang mahimatay kanina nang makita nya si Yuri.

Sobra talaga syang natakot sa itsura ni Yuri.

Napasulyap ako kay Yuri, halata sa kanya ang pag-aalala para kay Hoseok.

Lumapit ako sa kinatatayuan nya.

"Tara na."

"Saan tayo pupunta unnie?"

Nagtataka nyang tanong sa'kin.

"Ji Eun, uuwi na ba kayo?"

Tanong ni Jimin, makalapit sya sa'min ni Yuri.

"Ihahatid ko na kayo."

Alok ni Jimin sa amin.

" Hindi mo na kami kailangan pang ihatid."

Halata sa itsura nya ang pagkadismaya.

" Pero gabi na, delikado na para sa inyo na lumabas pa."

Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi nya.

"Hindi mo na nga kami kailangan pang ihatid."

Sabi ko ulit sa kanya.

"Hayaan mo na ako Ji Eun na ihatid kayo."

" May punto si Jimin, mas mabuti pa nga kung ihatid nya kayo para ligtas kayong makauwi."

Sang-ayon ni Jin kay Jimin.

"Tama, magpahatid na kayo."

Dagdag pa ni Taehyung, pero sinang-ayunan din ako agad ni Yuri.

"Pero tama si unnie Ji Eun, 'wag nyo na kaming ihatid."

"Bakit ba ayaw nyo na ihatid ko kayo?"

Tanong ulit ni Jimin.

Mauubos na yata ang pasensya ko sa kakulitan ng mga 'to.

"Hindi naman sa ayaw."

Si Yuri na ang sumagot sa tanong ni Jimin.

"Eh bakit kayo tumatanggi--"

Hindi ko na pinatapos pa ang sinasabi ni Jimin. Sumabat na ko agad sa kanya, para matapos na ang usapan. Ang kulit eh.

"Hindi nyo na kami kailangan pang ihatid dahil dyan lang naman kami sa kabilang dorm pupunta."

Kitang-kita sa mukha nila ang labis na gulat sa sinabi ko.

Halata na nag-loading ang utak nila sa narinig, maliban kay Suga na wala man lang emosyon na makikita sa kanyang mukha.

"A-anong ibig mong sabihin Ji Eun? H-hindi ko maintindihan."

Tanging nasabi ni Jimin.

" Pwedeng paki-explain?"

" Kaya nga, nalilito ako."

Nalilitong sabi ni Taehyung at Jin.

" Sa guest room lang sila pupunta."

Lalong nadagdagan ang pagkalito sa mukha nila Jimin, Taehyung, at Jin.

"Anong sa guest room sila pupunta?"

Hindi makapaniwalang tanong ni Jimin.

"Kaya nga, anong ginagawa nyo don?"

"Tsaka pa'no kayo nakapasok dito?"

Halos kumunot na ang noo nila Jin at Taehyung.

Napabuntong hininga na lang ako. Ayoko talaga ng sobrang daming tanong.

Finally Found My Miss RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon