CHAPTER 22

171 32 6
                                    

JI EUN'S POV

Nagliligpit na ako ng pinagkainan ko nang may biglang kumatok sa pintuan ng unit ko.

Sino naman kaya 'yon?

Bigla akong kinabahan nang pumasok agad sa isip ko si ilong.

Hindi kaya sya yung kumakatok?

Wala naman kasing ibang nakakaalam ng apartment ko kundi sya lang, may isa pa pala... si Suga.

Nakailang katok din sa pintuan bago ko 'yon napagbuksan.

Pinanlakihan ako ng mata nang makita ang nasa harap ng pinto ng unit ko.

" Hi unnie!" 😀

Masiglang bati sa akin ni Yuri.

" A-anong ginagawa mo dito?"

Hindi ako makapaniwala na si Yuri pala ang kumakatok sa pinto. Akala ko kasi si ilong.
Biglang sumimangot ang mukha ni Yuri.

" Bakit unnie? Ayaw mo bang nandito ako?"

"H-hindi naman. N-nagulat lang kasi ako."

"Unnie, pwede bang papasukin mo muna ako sa apartment mo? Ang bigat kasi ng dala ko eh."

Tsaka ko lang napansin ang dala-dala n'yang paper bag.

" Sige, tuloy ka."

Pinapasok ko sya sa loob ng unit ko.

"Dito ka pala nakatira unnie."

Sabi nya habang palinga-linga sa loob ng unit ko.

"Ilapag mo na lang dyan sa mesa yung dala mo."

Ganon nga ang ginawa nya.

"Unnie! Sobrang na-miss talaga kita! "😘

Yayakapin nya sana ako pero umiwas agad ako sa kanya,dahilan para sumimangot sya.

"Unnie naman eh! Hindi mo ba ako na-miss?!"

" Bakit naman kita ma-mimiss?"

Seryoso kong tanong sa kanya.

"Waahh!!! Unnie naman eh! Katampo ka talaga!"

" Pano mo nga pala nalaman na dito ako nakatira?"

Abot hanggang tenga ang ngiti ni Yuri.

"Ako pa ba?! Syempre, tiningnan ko dun sa resume mo yung address mo."

Bigla ko na namang naalala yung coffee shop dahil sa sinabi nya.

Nakaka-miss pala talagang magtrabaho don.

" Kumusta na nga pala ang coffee shop?"

"Maayos naman unnie, wala kang dapat ipag-alala."

Natuwa ako sa nalaman ko, atleast wala na yung mga nanggugulo sa coffee shop.

Naputol ang iniisip ko nang biglang sumigaw si Yuri.

"Waaahhh!!! Unnie anong nangyari sayo?! "😨

"Wala lang 'to."

"Anong wala?! Eh may pasa pa nga dyan sa mukha mo, tapos may mga galos ka pa, tsaka may benda ka pa dyan sa siko at tuhod mo!"

Gusto ko nang magtakip ng tenga sa lakas ng boses nitong si Yuri.

"Pwede bang pakihinaan mo nga yang boses mo?...
Baka mabulahaw ang mga tao dito sa apartment building namin dahil sa boses mo."

Napakagat ng labi nya si Yuri.

"Sorry naman unnie. Nag-alala lang kasi ako sayo."

"Tsss... Wala ka namang dapat pang ipag-alala. Ayos na ko.

Finally Found My Miss RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon