CHAPTER 16

130 32 6
                                    

JI EUN'S POV

Hindi ako makatulog kahit mag-aalas onse na ng gabi, iniisip ko pa din yung huling sinabi ni Suga sa'kin bago sya lumabas sa kwarto na 'to.

Bakit nya kaya sinabi 'yon? Ano namang nagawa ko para mapahanga sya?

Hindi lang kasi ako makapaniwala na ang isang savage na tulad nya ay sasabihing napahanga ng isang tulad ko.

Hindi ako mapakali sa kinahihigaan ko, hindi talaga ako komportable na matulog sa ganitong kalambot na kama.

Bigla tuloy akong napaisip kung saan kaya natutulog si Suga, gayong ako ang nandito ngayon sa kwarto nya.

Hindi kaya sa sala sya natutulog ngayon?...

Para akong nakonsensya sa isiping iyon, dahil ako ngayon ang nakahiga sa malambot nyang kama sa halip na sya, pero kung tutuusin ay kulang pa nga 'yon para makabawi sa ginawa nya sa 'kin.
Sumakit ang buo 'kong katawan nang dahil sa kanya at sa mga alipores nyang kumag.

Nakaramdam ako ng inis nang maalala ko na naman ang mga nangyari kanina, idagdag pa na naiwan ko ang phone ko sa apartment. Balak ko sanang tawagan sila appa para kumustahin man lang.

Effective pala ang gamot na ininom ko kanina dahil mabilis na nawala ang sakit ng ulo ko.

Sobrang daming nangyaring bagay na hindi ko inaasahan ngayong araw na 'to. Biglaan na lang umalis si Cheska papuntang Paris, ipinadukot ako at napalaban sa mga alipores ni Suga, tapos ngayon ay nandito ako sa condo nya.

May sayad din ang savage na lalaking 'yon, biruin nyo... pagkatapos nya akong ipabugbog ay bigla nya na lang gagamutin ang sugat at mga galos ko. 😩
Pero sana talaga ay sincere sya sa sinabi nyang titigilan na nya ako, para naman mabawasan na ang peste sa buhay ko.

Bigla 'kong naisip na simula nang pumasok ako sa Bluestone Academy ay sobrang laki na ng naging pagbabago sa buhay ko. Para kasing lalo pang gumulo ang lahat .

Gusto ko tuloy magsisisi sa desisyon ko na pumunta dito sa Seoul. Sana, nakinig na lang ako kay eomma. Tama nga siguro sya, na hindi ako bagay dito. Pero wala na 'kong magagawa, kailangan 'kong panindigan ang naging desisyon ko.

Nararamdaman ko na ang pagiging maayos ng pakiramdam ko. Mukhang nakabawi na nga ako ng lakas na nawala sa akin kahit papano, pero masakit pa din talaga ang katawan ko.

Muli akong bumangon at lumabas ng kwarto. Laking gulat ko nang makita si Suga na nakaupo sa sofa.

Pagkalabas kasi ng kwarto ay bubungad na kaagad sayo ang living room.

Nakayuko sya kaya hindi ko alam kung gising ba sya o tulog.

Dahan-dahan akong lumapit sa kanya para masiguro ko kung tulog nga ba talaga sya, pero masyado syang nakayuko kaya di ko maaninag ang mukha nya.

Lumapit pa ako ng bahagya sa kanya, nakapikit nga sya, pero kinabahan ako bigla nang magsalita sya.

"Tapos ka na bang titigan ako?"

Pinanlakihan ako ng mata sa sinabi nya. Lalo na nang inangat nya ang mukha nya mula sa pagkakayuko kaya nagtama ang mga mata namin. Inilayo ko kaagad ang mukha ko sa kanya.

Sinubukan 'kong itago ang kaba na naramdaman ko. Hindi ko kasi inakala na gising pala sya.

"Tsss... nanaginip ka yata. Hindi naman kita tinitigan."

Napangisi sya sa sinabi ko.

"Stop denying. I caught you."

Nabigla ako sa sinabi nya.

Finally Found My Miss RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon