BORED.

6.3K 142 5
                                    

JOANNA'S POV

unti unti kong minulat mata ko, grabe.. ang sakit ng ulo ko. di ko alam na nakatulog pala ako.. kinuha ko ang phone ko sa ilalim ng unan para tingnan kung nagtext si Danica. haaay. yung bruha nayun, di manlang nagreply! dumako mata ko sa digital clock ng phone.. Shocks! 8pm na???  ang haba pala ng tulog ko.. bumangon ako para mag ayos sandali para makababa na, mababaog ako dito kung wala akong makakausap.  nagbakasyon ako dito para mag enjoy Hindi para maburyong dito.. pinony ko lang ang buhok ko saka nag pulbos ng kaunti sa muka, lumabas na ako ng kwarto at nagtungo papunta sa hagdan para makihalubilo kila manang Elvie.. Hindi pa ako nakakatatlong baitang pababa ng hagdan na may tumawag sakin mula sa likod ko, napalingon ako sa nagsalita..yung babaeng driver pala.Seryoso ang muka nito na nakatitig sakin..

"Kumain ka na ng dinner, pagkatapos mo maligo ka. Sasama ka sakin." sabi nito kabod tumalikod na sakin pero hindi ko siya hinayaan makalayo agad kaya nagsalita na ako.

"Hindi mo kailangan gawin to. kaya ko naman libangin sarili ko kahit wala ang tulong mo." sabi ko ng diretcho dito. pumihit naman paharap sakin ang babaeng driver at tumitig sa mata ko. "Kung ako tatanungin, ayaw kitang makasama." sabi ulit nito at tumalikod na sakin at nagpatuloy maglakad sa bukas na pinto ng kwarto nito. naiwan akong nakanganga sa sinabi niya. Shit? sya pa may ayaw na kasama ako? samantalang sa America nagpapakamatay mga lalaki makadate lang ako? letse ah. ansama ng ugali! haaay nako! buti nalang nagbago nako!.pero bahala siya, di ako sasama .. kung kasing sama lang din ng ugali niya makakasama ko, di bale na. naglakad na ko pababa para makausap sila manang Elvie.. Kumain muna ko bago ako makipagchikahan sakanila.

"Salamat po manang Elvie. ang sarap po ng beef steak niyo nabusog po ako." sabi ko habang hinihimas himas pa ang tyan .." nakuuu salamat iha, naging paborito na nga din to ni Danica e.. " sabi ni manang Elvie na nangingiti pa dahil sa papuri ko sa luto niya.

Ohh by the way. speaking of that sexy devil. tiningnan ko ang phone ko,wala pa din tong reply. anong oras na Hindi pa din umuuwi si danica kaya tinawagan ko na. mga ilang Segundo pa bago pa nito nasagot ang tawag ko.

"hello Bes. ano balak mo ? nasan kana ba??"

"Nakuu I'm sorry bes,  madami pa akong tatapusin, pero binilin naman kita kay Cass, sumama ka muna sakanya sa bar. maraming hot guys don bes. I swear.." suhol pa ni danica sakin pero imbes na matuwa ako lalo lang kumulo dugo ko matapos marinig pangalan nung babaeng driver.

"Di bale na, ansama sama ng ugali niya. pano mo ba naging asawa yun??"

Ms. lalakero meets Ms. babaera (Part2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon