CHAPTER 3

6.2K 128 0
                                    

Cass's POV

napasarap ang tulog ko grabe,habang nakapikit kinapa ko ang gilid ko kung nasa tabi ko pa si Danica.. nakapa ko naman siya sa gilid ko, dinilat ko ang mata ko. napangiti ako dahil sa tinagal tagal ngayon lang ulit ako nagmulat ng mata na siya ang mabubungaran ko sa umaga. nakita ko pa ang pagkibot ni Danica at unti unting dinilat ang mata nito at ngumiti sakin at nagsalita.

"Goodmorning mahal ko." sabi ni Danica habang inaabot nito sa gilid ang alarm clock. . namilog ang mata nito ng marealize kung anong oras na. dali dali itong tumayo at nagpunta agad sa shower room para maligo.

kinatok ko ang pintuan ng shower room at nagsalita.

"prinsesa ko kumain ka muna bago ka umalis ha??" ngunit sumagot naman ito na ilagay ko nalang daw sa box, sa office na daw siya kakain. napabuntong hininga ako at bumaba nalang ako para ihain dadalin ni Danica ..

mayamaya lang bumaba na din si Danica hawak hawak nito ang bag . di na nito nakuhang magsuklay dahil gulo gulo pa ang buhok nito.. nilapitan ko siya para iabot ang paper bag na ang laman ay ang pagkain nito.. nagpasalamat lang ito at hinalikan lang niya ko sa labi at dali daling tumalikod sakin palabas ng bahay.. sinundan ko naman ng lakad si Danica .. nakasakay na ito sa kotse, kinawayan ko siya. binaba nito ang salamin ng kotse at nagsalita

"Mahal ikaw na bahala kay Joanna ha. I love you..". sabi ni Danica sakin .. napangiti naman ako. maganda na yung araw nato para sakin. Hindi katulad ng nakaraang araw na halos hindi na kami nagtatagpo ni danica sa bahay.

"Sige Prinsesa ko, ingat sa pagdadrive ha. I love you too.". sabi ko kay danica. ngumiti naman ito at saka sinarado ang bintana at saka pinatakbo na nito ang kotseng sakay..

nagtungo na ako sa kusina para kumain..

Joanna's POV

bigla akong nagising... bumangon ako para maghilamos ng kumirot ang ulo ko.. napahawak ako sa ulo ko at hinimas himas ito. napainom nga pala ako kagabi. pero hindi ko na alam ang sumunod na nangyare, kung bakit napunta na ulit ako sa bahay nila Cass. tumayo ako at nagtungo sa shower room para maligo baka sakaling mawala sakit ng ulo ko. .

makalipas ang kalahating oras lumabas na ako ng cr at nagbihis. nag ayos ako saglit ng muka at bumaba na .. hinanap agad ng mata ko si Cass nakita ko ito sa kusina na tila papatapos ng kumain. .

"Hi good morning. salamat nga pala kagabi.." nakangiting sabi ko, ngumiti naman si Cass sakin bilang ganti. . aba mukang maganda gising ng babaeng masungit nato ah? taliwas sa kasungitan niya sakin kagabi. nagtanong pa ulit ako dahil bigla ko naisip si Bessy ko.

"Asan nga pala si Danica?"

"Kakaalis lang niya, kumain ka muna. gusto mo sumama ka sakin? dalawin natin siya mamya..?" sabi pa ulit ni Cass. talagang nagtataka na ako , bakit biglang bait sakin nato? samantalang nung una kulang nalang palayasin niya ko sa harap niya xD

"Great idea.." naka ngiting sabi ko, excited nakong makita si Bessy kasi. :D

"okay. maliligo muna ko, kumain ka muna dyan." sabi pa ulit ni Cass habang nakangiti.. tumalikod na sakin si Cass habang pinapanuod ko ang paglayo nito sakin. ng mawala na siya sa paningin ko, nagsandok na ako ng makakain ko at inumpisahan ko ng kumain.

makalipas ang ilang minutong pagkain, tumayo na ko at niligpit ang kinainan ko at tumungo na sa kwarto para magpalit ng damit..

isang skirt at white long sleeve na fitted ang napili kong suotin... nag powder lang ako at nag lipstick, Hindi naman kasi ako nag me'make up..para sakin mas maganda pa din ang simple..  ng makuntento na ako sa ayos ko, bumaba na ako ng hagdan..  don ko nalang hintayin si Cass sa sala.

Ms. lalakero meets Ms. babaera (Part2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon