Joanna's POV
biglang nanlamig ang buong katawan ko matapos marinig ang sinabi ni Danica.. Hindi ko alam ang sasabihin pero kailangan kong umarteng normal.. Shit! bakit ba hindi ko naisip agad na posibleng sa hotel ko nahulog yung bracelet? >_<
unti unti kong tinaas ang kamay ko at hinagod sa likuran ni Danica..
"best tandaan mo, ikaw pa din ang mahal ni Cass, baka Hindi niya sinasadya yun kung ano man yun.." sabi ko dito. napalingon naman sakin si Danica.. tinitigan niya ako sa mata habang tumutulo ang Luha nito..
ngumiti akong pilit at nagsalita.
"ikaw talaga best. wag kana nga umiyak diyan..tama na okay.?" lumapit ako sakanya at yumakap..
shit! I hate it! ngayon ko lang naranasan to. yung yumakap sa kaibigan na punong puno ng guilty sa katawan.. how can I tell her? :( unti unting nag init ang mata ko dahilan para tumulo ang luha ko..
bago ako kumalas ng pagkakayakap kay danica . sinigurado ko munang hindi niya mapapansin ang pagluha ko,..
kinagabihan.
Asan kanaba Cass? bulong ko ng mahina habang palingon lingon ako .. kanina ko pa kasi siya Hindi makita.. kailangan kong masabi kay Cass to hanggat maaga.. bago pa mahuli ang lahat...
habang nasa lobby ako ng hotel at nakaupo sa paghihintay kay cass, nakarinig ako ng grupong nagtatawanan.. napalingon ako sa gawi nayun. kasama ni Cass si Lucio at kendra pati na din si nico.. may dala itong mga plastic bag.. kasalukuyang nasa entrance sila ng hotel.
agad akong tumayo para kunin ang atensyon nila.. nakatitig lang ako kay Cass habang papalapit ito. tila nailang naman si Cass sa ginawa ko kaya napakunot ang nuo nito, oo awkward yung pikaramdam pero kailangan kong magpaka normal ng galaw..
"Hi saan kayo galing?! Cass Hindi kana man pagod diba?.. magpapasama lang ako sayo saglit." sabi ko habang kinuha ko ang dala nitong plastic at ipinahawak kay nico. kitang kita ko ang pagtaas ng kilay ni nico. halata dito ang pagkagulat..
oh well alam nga pala ni nico yung tungkol samin. bago ko pa man hilain si Cass palayo sakanila isang kindat ang iniwan ko kay nico. sana magets niya.. lol
habang hila hila ko si Cass ng pumiglas ito sa pagkakahawak ko at nagsalita.
"Ano ba!! Hindi kaba nakakaintindi ? gusto ko lumayo ka muna sakin!!" nagulat ako sa pagbulyaw sakin ni cass pero kailangan kong maging matapang sa harap niya...
"Si-si Danica.. Naghihinala na siya.." ramdam Kong nag iinit na ang mata ko, parang ano mang oras babagsak na ang luha ko.
nakita kong napatahimik si Cass. napahawak ito sa ulo habang nakatitig sakin..tila naghihintay sa susunod ko pang sasabihin..
"tumawag ang Uni hotel sa phone mo, si danica ang nakasagot. at.. at ang sabi don, may naiwan kang bracelet. yun yung bracelet ko na binigay mo sakin.... awhile ago umiiyak siya sakin dahil don..
narinig ko pa ang mahinang pagmura ni Cass bago ito magsalita.
"okay. Here's the plan. Bukas na bukas paglapag natin sa manila pumunta ka sa Uni hotel. ikaw mag claim ng bracelet.. itatawag nalang kita sa hotel for approval.. Kailangan maunahan mo si Danica. I am sure nagbabalak na siyang pumunta don.."
ako naman ang natahimik sa sinabi niya.. dang! bakit ganito kaba ko.. parang piling ko anytime mabubuking kami ni Danica. haaayy :<
"Kung naintidihan mo na ang sinabi ko. excuse me." sabi nito at nilagpasan na ako. pero bago pa man makalayo siya. pumihit na ako paharap at nagsalita ulit..
"Alam din ni nico ang tungkol satin." ilang segundo din siyang huminto matapos marinig ang sinabi ko..
ngunit walang lingon likod naglakad na ito papalayo sakin..
Cass's POV
matapos marinig ang sinabi ni Joanna daig ko pa ang tinulos na kandila na anumang oras mauubusan na ng buhay.. ayokong mawala sakin si Danica dahil lang sa pagkakamali namin ni Joanna.. Hindi ko kakayanin.. siya lang ang buhay ko..
"Dude. where's Joanna,?" si nico. Hindi ko napansin nakarating na pala ako sa lobby ng hotel habang palakad lakad . Hindi ko din namalayan na nakalapit na sakin si nico..
"Hey! I'm asking you.." sabi nito na pinaputok pa ang daliri sa harap ko.
"I don't know." maikling sabi ko.
"what?? Hindi ba nagpasama siya sayo.?"
"I'm not in the mood to answer all your questions. go find her." sabi ko dito at nilagpasan ko nalang siya..
nakita ko ang sarili kong tinutungo ang kwartong inoccupied namin ni Danica. nakita kong nakahiga ito habang nakatalikod sa gawi ko.. nagumpisang lumakad ang paa ko papunta sa hinihigaan ni Danica. natutulog pala ito.. umupo ako sa harap nito at pinagmasdan ang maamong muka nito.. hinawak hawakan ko ang ulo ni Danica..unti unting dumilat ang mata ni Danica, para akong kinurot sa dibdib matapos makitang namumugto ang mata nito halata dito ang pag iyak.
"pi-prinsesa ko.. kumain kana ba,?"
"Wala akong gana."
"May problema kaba prinsesa ko ?"
tumitig muna sa mata ko si Danica bago magsalita
"Wala naman."
itinayo ko si Danica mula sa pagkakahiga at niyakap ito ng mahigpit.. habang nakayakap ako napapikit ako.. hindi siya gumalaw para yakapin din ako...
bumitaw ako sa pagkakayakap at hinawakan ang muka niya.. mayamaya lang siniil ko ng halik ang labi niya pero hindi siya tumugon sa halik ko.. napahinto ako sa ginagawa ko at napatingin sakanya.
"Baka may sasabihin ka.?" sabi ni Danica habang nakatitig sa mata ko.
"Ano bang nangyayari sayo??at ano ang sasabihin ko???" inis na sabi ko kay Danica.
imbes na magsalita si Danica tumayo ito at nagdabog na naglakad palayo sakin..
-Pasensya na po kung Hindi nakakapag update madalas, medyo busy kakagala e saka tinatamad na din HAHA xD
may bago akong gagawin sana suportahan ulit :D
BLESS YOU .. LOVELOTS. :)
BINABASA MO ANG
Ms. lalakero meets Ms. babaera (Part2)
RomancePlease read the part 1 po para makarelate :) Salamat po! :) Kung di po kayo open sa gantong uri ng tao please stop reading nalang po.. Respeto nalang po sa ibang tao .. Salamat! :*