Cass's POV
Anim na bwan na din simula ng iwan ako ni Danica.. Ni Hindi ko alam kung san ko siya hahanapin.. Hanggang kailan pa ko maghihintay sa pagbalik niya? May hinihintay pa nga ba ako?Hindi ko alam kung pano ako ulit mag uumpisa ng wala siya.. Ang sakit kasi.. Ganon nalang ba para sakanya kadali ang iwan ako? Ilang bwan o taon pa ba ako magdudusa sa pagkawala niya? :( ang sakit.. Hirap na hirap na kasi ako.. Pleaseee.. Danica... bumalik kana. :"<
"Umiinom kana naman.." Hindi na ako nag abalang lingunin kung sino ang nagsalita.. Pero ang alam ko si nico yun.
Kasalukuyan nakaupo ako may hawak ako bote ng alak habang Nakapatong ang dalawang paa sa lamesa.. Pasimple kong pinunasan ang luha ko bago pa makalapit sakin si nico. Madilim sa kwartong to. Mas pinili kong wag magbukas ng ilaw...
Maya maya lang umupo siya sa tabi ko.
"Dude ano nabang nangyayare sayo?.Pwede ba tama na! Araw araw ka nalang lasing..Pahinga mo nalang ata tulog.. Hindi ka maaayos kung puro ka ganyan.!" Mataas na tonong sabi ni nico
"Hindi ko hinihingi opinyon mo. Iwanan mo akong mag isa dito." Sabay tungga sa alak na hawak ko.
"Hindi na babalik si Danica. Kaya ayusin mo na sarili mo!"
Nabato ko bigla ang boteng hawak ko. Halatang nagulat si Nico sa ginawa ko.. Tumayo ako at tumingin dito at nagsalita.
"Babalik sakin si danica." Yun lang at dirediretcho na akong lumabas..
Ng makababa ako.. Kumuha ako ng tatlong bote ng alak sa bartender at tumungo na sa kotse ko...Bahala na kung saan mapunta.Hindi na din ako nauuwi ng bahay.. dahil mas lalo lang akong nalulungkot. Di ko kasi maiwasan umiyak dahil sa bawat sulok ng bahay nakikita ko lang ang prinsesa ko.. Namimiss ko na siya. Namimiss ko na ang ngiti niya.. :(
Sa sobrang pag iisip , Hindi ko namalayan na ang tinutungo ko na palang lugar papunta sa secret garden..
Maya maya lang narating ko na ang gate..pinagbuksan ako ng gate ni manong bumati pa siya sakin at ngumiti..
Matapos kong mailipat ang alak sa kabilang kotse pinaandar ko na ang makina nito.
Habang nagdadrive patungo sa falls.. Para akong baliw na iniimagine na katabi ko lang si danica.. Habang nagdadrive ako nakadukdok siya sakin at hawak hawak niya ang kamay ko... naiimagine ko din ang pangungulit niya.. Ang paglalambing niya.. :/
Maya maya lang narating ko na ang falls... Bumaba ako mula sa kotse at umupo sa harap nato,Dito ko unang dinate si Danica.. Bumalik sa alaala ko ang gabing unang ngumiti siya sakin.. Di ko makakalimutan yung saya sa mata niya habang tinatanaw ang ganda ng lugar .. Yung ngiti nayun ang pinakamagandang nakita ko sa buong buhay ko..
Sandaling sumilay ang ngiti sa labi ko dahil sa alalahanin nayun..unti unti din nawala at napalitan ng luha dahil sa parang panaginip nalang ang lahat...
Muli akong tumungga sa bote ng alak at wala sa loob na napahiga ako sa kotse at napatingin sa langit.. Wala na halos stars, nagtatago na sa makapal na ulap... Nung huling tingin ko sa langit. Kasama ko pa si Danica.. Nung araw nayun.. Halos kumikinang ang mata niya sa sobrang saya..bakit nga ba nasaktan kita? :<
Nasan kana ba talaga danica? :/
.
.
-
Tutut Tutut...
Naririnig ko ang tunog ng phone ko, pero wala akong balak sagutin.. Hindi na din ako nag abalang tingnan kung sino yun.. Ayoko ng kausap sa oras nato.kahit si kendra ilang bwan na din ako Hindi nagpapakita dito..Ewan ko ba.. Baka sumbatan lang niya ako sa nagawa ko kay danica..
.
.
Halos mauubos ko na ang pangatlong bote ng alak ng tumayo ako mula sa pagkakahiga sa kotse.. Naglakad lakad ako.. Bawat madaanan ko si danica nakikita ko..
Naglakad ako patungo sa tree house..habang papalapit ako naiimagine ko ang pagbaba ni Danica mula sa kubo sa taas, ang paglapit niya sakin.. Ang pagpunas niya sa pawis ko.. Ang pagyakap niya at paghalik sa labi ko... Tuluyan ng tumulo ang luha ko.. Napa luhod ako ng dahan dahan dahil sa panghihina.. Sumigaw ako ng malakas, Hindi ko na kaya ang sakit.. Nahihirapan na ako talaga..:/
"Huhuhu.. . Bumalik kana sakin Danica.." :(
Napahiga ako sa ibabaw ng mga nalagas na dahon.. Hindi ko namalayan ang pagdilim ng mata ko.. Unti unting nakatulugan ko ang pag iyak... -.-
-tandaan, Hindi lahat ng cool walang drama sa buhay . xD
-iamconfused1992
-Fml
BINABASA MO ANG
Ms. lalakero meets Ms. babaera (Part2)
RomancePlease read the part 1 po para makarelate :) Salamat po! :) Kung di po kayo open sa gantong uri ng tao please stop reading nalang po.. Respeto nalang po sa ibang tao .. Salamat! :*