DANICA'S POV
Kasalukuyan kaming nagtatawanan nila kendra ng may magsalita mula sa likuran ko.
"ken" kinabahan ako bigla. Pamilyar sakin ang boses nayun.. Sobra kong namiss.. Dahan dahan akong lumingon mula sa likod.
Bumungad sakin si Cass.. Tila nakainom ito ayon na din sa ekspresyon ng muka..Malalim na malalim ang mata nito. Sobrang namumutla pa at ang buhok di na pinagkaabalahan ayusin.. Sobrang payat na din nito..
Ano bang ginagawa mo sa sarili mo cass??..
"Did I miss something ken?? HAHA.. sabagay, ano pa nga ba ang aasahan ko? Ang tagal kong nawala di ba? Hindi ko akalain na nagbalik na pala ang kaibigan mo.." Sabi nito at lumapit sakin.. Gustong gusto ko siyang yakapin.. Sobra ko siyang namiss.. Ilang bwan kong iniisip ang mukang to..ilang bwan akong nagtiis.. Pero sa twing titingin ako sakanya. Bumabalik ang sakit. :'<
Lalong nanikip ang dibdib ko ng magwala si Cass. Hindi ko alam.. Parang ang sakit sakin na nakikita siyang ganon.. Pero ganon nalang ba kadali ang lahat? Sana nga Ganon nalang kadali magpatawad.. Sana kaya kong kalimutan ang lahat..
Nang yakapin ako ni Cass napapikit ako.. Sobra kong hinintay ang pagkakataon na mayakap ulit siya.. Pero Hindi sa ganitong sitwasyon.. :< Pinipilit kong maging matapang sa harap niya.. Pinipigilan kong umiyak...
Nang makalabas na kami ni Ryu ng bahay ni Kendra.. Dun bumuhos ang luha na kanina ko pa pinipigilan .. Ang sakit sa dibdib.. Akala ko kaya ko na.. Akala ko lang pala. :"/
"PEEPPPEEEEEEEEEEEPPP!!"
Napalingon ako sa rear view mirror, bigla din napahinto si Ryu sa pagdadrive.. Nagtaka din ako bakit nakahinto ang kotse sa tapat ng bahay ni kendra.. Bumaba mula sa pinto ang driver nito at tila may tinitingnan sa harap ng kotse nito.
Mula sa gate lumabas din sila Kendra.. Tila napahiyaw ito base sa ekspresyon ng muka. Bigla akong kinabahan.. Bumilis ng bumilis ang tibok ng puso ko. Mabilis kong binuksan ang pinto ng kotse at mabilis na nagtungo sa gawi nila kendra..
Habang papalapit ako.. Parang bumigat ang hakbang ko ng makitang nakahandusay sa kalsada si Cass... Tila nanlamig naman ang ulo ko ng makitang duguan ang muka nito na parang wala ng buhay.
Napaluhod ako at nanginginig na napahawak sa muka ni Cass..
"No.. Hindi....Hindi pwede! Cass !!! Huhuhu." T.T
"Pre tulong!!!" Hiyaw ni Lucio kay Ryu. Tumalima naman ito at mabilis nilang binuhat si Cass sa sasakyan ni kendra na nakaparada.. Mabilis akong sumakay at ipinatong ang ulo ni Cass sa hita ko.
"Mahal ko wag kang bibitiw. Wag kang mawawala.. Pleaseee.. Wag mo ko iiwan.. Di ko kakayanin.. Patawarin mo ko.. :("
Napapikit ako at tahimik na nagdasal ..
Lord, please.. Wag si Cass.. Wag niyo po siyang kukunin sakin.. :( Mahal na mahal ko po siya.. Pakiusap... Kakalimutan ko na ang lahat iligtas niyo lang po siya.. Hindi ko po kakayanin... Hindi ko kayang mabuhay dahil Siya lang ang buhay ko... :"(
Walang tigil ang pag iyak ko habang hinihimas ang muka ni Cass. Hindi ko akalain aabot sa ganito.. :"(
Mabilis kaming nakarating sa hospital.. Maraming nurse ang sumalubong agad samin.
Hawak hawak ko ang kamay ni Cass habang mabilis na tinutulak ng mga nurse si Cass patungo sa ER.
"Mahal pangako mo sakin babalik ka. Gigising ka.. Kakayanin mo di ba? Hindi mo ko iiwan di ba..?" Habang walang tigil pa din ang pag iyak ko.
"Mam sorry hanggang dito nalang po kayo." Sabi ng nurse habang sinasarado ang pinto ng Emergency Room.
"She will be fine Danica.. I know." Sabi ni Lucio habang hinihimas ang likod ko..
Napaupo nalang ako at walang tigil na umiyak. :( :( :(
BINABASA MO ANG
Ms. lalakero meets Ms. babaera (Part2)
RomancePlease read the part 1 po para makarelate :) Salamat po! :) Kung di po kayo open sa gantong uri ng tao please stop reading nalang po.. Respeto nalang po sa ibang tao .. Salamat! :*