Lumipas ang tatlong Buwan
"Danica. Kami na muna dito. Magpahinga kana muna." Si Kendra
"Okay lang ako dito." Maikling sabi ko dito habang nakatingin pa din kay Cass..
Tatlong buwan na ang lumipas matapos maaksidente si Cass.. Hanggang ngayon nandito pa din kami sa Hospital.. Ayon sa Doctor under comatose si Cass dahil sa pagkakabagok ng ulo nito matapos masagasaan.. Ni hindi alam kung kelan gigising. Kung gigising pa nga ba.. Pero hindi ako nawawalan ng pag asa. Handa akong maghintay sa pagbabalik ni Cass.. Sa muli niyang pagdilat..
Madami ako naging kasalanan kay Cass. Bakit kailangan pa mangyari to para lang maintindihan kong may pagkukulang din ako?. :<
"Are you sure.? Hindi mo kailangan gawin to Danica.. Wag mo sisihin ang sarili mo. Naku, kung gising lang si Cass kanina pa ko kinatukan niyan dahil hinahayaan kitang ganito."
Napalingon ako dito at nagsalita.. "I'm sorry kendra."
"Sorry For what?" nagtatakang tanong nito
Dahil kasi sa nangyari pansamantalang hindi natuloy ang kasal nila kendra.. Dahil din sakin kaya hanggang ngayon nakahilata pa din dito si Cass sa hospital.. Kasalanan ko kasi lahat yon.. :<
"Sa lahat.."
Umupo si kendra sa harap ko at ngumiti.
"Sabi ko di ba, Wag mo sisisihin ang sarili mo sa lahat ng nangyayari satin ngayon. Wala kang kasalanan Danica.. Alam ko Hindi mo din to ginusto.. Sige na, umuwi kana muna at magpahinga." Pilit akong ngumiti dito..
Binalik ko ang tingin ko kay Cass..hinawakan ko ang kanang kamay nito at pinisil
Mahal gumising kana.. Namimiss na kita.. Namimis kana namin.. Mahinang bulong ko dito.
Hinalikan ko sa nuo si cass ng biglang kumibot ang kamay nito.
"Ken.. Nakita mo yun?? Gumalaw si Cass!" Sobrang galak na sabi ko dito..
"Lucio tawagin mo si doc bilis." Sabi ni kendra.
Hindi muna ko umalis sa tabi ni Cass. Gusto ko sa pagmulat niya, ako ang una niyang makikita.. Tulad ng hiling niya non sa twing gigising siya..
"That's the good sign. Nakakarecover na siya, later on. Gigising na din siya.. We just have to wait." Sabi ni doc matapos tingnan si Cass.. Pareho kaming napatango ni kendra dito..
Akala ko sa pag galaw niyang yun. Kasunod na ang pagmulat ng mata niya.. Hindi pala.. Hindi pa din ako susuko sa paghihintay sayo mahal ko tulad ng hindi mo pagsuko sa pagbalik ko.. :/
"Kendra, dito muna ako. Ayokong umalis sa tabi niya.." Sabi ko kay kendra. Tila naunawaan naman nito ang gusto ko kaya hinayaan nalang din niya ko.
Lumipas ang maghapon. Maghapon lang din ako nakatingin kay cass. Parang ayaw kong sumulyap ni isang segundo dahil hinihintay ko ang muli niyang pag galaw.. Umaasa akong mauulit yun..
Hanggang sa nakatulog ako sa tabi nito habang nadukdok.. -_-
.
.
.
.
Unti unti kong dinilat ang mata ko matapos maramdaman ang haplos ng kamay mula sa ulo ko.
"Prinsesa ko." Mahinang banggit nito sabay ngiti sakin.
"Mahal ko!". Sa sobrang galak ko napayakap ako dito..habang nakadukdok ako sa katawan nito nagsalita ulit ako.
"Mahal ko.. Namiss kita..Tinakot moko. Wag mo ko iiwan ha.. Di ko kakayanin.."
"Prinsesa ko.. Kahit kailan Hindi kita iniwan."
Napaiyak ako sa sinabi niyang yun.. Tama, ako lang naman ang nang-iiwan.
"Patawarin mo ako.." Habang walang tigil na pagtulo ng luha ko.
"DANICA!!" Nabigla ako,Napamulat ako..
"Umiiyak ka habang natutulog. Okay ka lang ba??" Si kendra
Napatingin ako sa gawi ni Cass..Nakahiga pa din ito at walang Malay.. Panaginip lang pala.. :"(
BINABASA MO ANG
Ms. lalakero meets Ms. babaera (Part2)
RomancePlease read the part 1 po para makarelate :) Salamat po! :) Kung di po kayo open sa gantong uri ng tao please stop reading nalang po.. Respeto nalang po sa ibang tao .. Salamat! :*