CHAPTER 1

12.3K 181 1
                                    

Danica's POV

*Criinnggggg criiinnnnnggggg* inabot ni Danica ang phone sa ibabaw ng table sa office niya.

"Hello" walang ganang bati ni Danica mula sa telepono. nitong nakaraan araw super napapagod na siya sa trabaho. Simula ng magpakasal sila ni Cass at ng makagraduate siya... mismong kumpanya na din nila Cass  ang pinagsilbihan niya..

"Prinsesa ko!" mula sa kabilang linya na napalakas ang tono

"Ahh.. I'm sorry Cass pagod lang ako, ano na nga ulit ang sinasabi mo?"

"Pwede kana man kasing magpahinga prinsesa ko. wag kang masyadong magpagod dyan."

"Kailangan Cass , ayokong madissapoint si daddy." na ang tinutukoy ni Danica ay ang father ni Cass.natutunan na din niya itong tawagin daddy dahil sa magandang pakikitungo nito sakanya.

"Puro kanalang kasi trabaho.namimiss na kita. pero sige ingat ka nalang prinsesa ko. kakain ka on time.. I love you.." yun lang ang sinabi ni Cass sa kabilang linya at pinatay na nito ang tawag..

napabuntong hininga siya. napakadami niya pang babasahin na reports at Madami pa siyang pipirmahan.. sa sobrang lawak ng negosyo nila Cass halos di na niya makaya lahat. may mga oras na umuuwi siya madaling araw na at hindi na nagagawang magpalit ng damit dahil paghiga niya tulog na agad siya.. di naman niya maasahan si Cass sa negosyong pinamana ng daddy nito sakanya.. Since asawa niya na si Cass siya na umako ng responsibilidad nito sa kumpanya...

*crriiiiinnnngggg crinnngggggg* napatingin ulit siya sa phone niya at wala sa loob na inabot ito at sinagot.. hindi na siya nag abalang tingnan kung sino ang tumatawag dahil si Cass lang naman ang madalas tumawag sa phone niya.

"Cass pwede ba sa bahay na tayo mag usap." iritableng sabi niya mula sa telepono.

"Hey Bessy? This is Joanna! Gosh.. I miss you Bessy. " sabi ng babae mula sa kabilang linya...

"Joanna???" napaupo siya ng deretcho at nagliwanag ang mata habang kinokumpirma ang pangalan ng kausap

"Oo, ako nga to, bruha ka, bat ang sungit mo? at sinong Cass yan? Grabe.. Madami kang ikwekwento sakin! namimiss na kita best, By next month uuwi na ko!" masiglang sabi ni Joanna mula sa kabilang linya..

"waaahhh ..  I can't wait to see you best .. it's been 4 years since the last time I saw you.." excited na sabi ni Danica dito.

Ms. lalakero meets Ms. babaera (Part2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon