She falls for her next story ko.:)

6.8K 124 6
                                    

Danica's POV

Maraming araw ang lumipas mula ng makita kong gumalaw si Cass. Simula non balik na naman sa dati.. Para nga akong tanga na kumakausap sa hangin pero alam kong may nakikinig .. Alam ko,pinakikinggan ako ni cass..

Habang pinupunasan ko si Cass mula sa pagkakahiga ng pumasok mula sa pinto si Nico-- kasunod nito si Joanna.

Napatingin ako bigla kay cass at muling tumingin kay Joanna ...

"Bes." Nakangiting sabi ko dito..

Oo .. Kaya kong kalimutan lahat para kay Cass. Kailangan wala na kong galit dito sa puso ko.. Kailangan kong gawin to. Para na din sakin.. Sa ikabubuti ko.. At alam ko, ito din ang gustong mangyari ni cass ..

Lumapit ito sakin at niyakap ako.. Napayakap nalang din ako dito. Naramdaman kong umiiyak na ito mula sa likod ko..

Humingi ng tawad sakin si Joanna, buong puso ko naman siyang pinatawad.. Madami pa kaming napagkwentuhan, namiss ko yung ganito.. Yung nabubuhay na walang galit.. Ayon dito kasalukuyan daw siyang nililigawan ni Nico.. Masaya naman ako para sakanya..

Mabilis lumipas ang maghapon na puro kwentuhan lang kami ni Joanna at nico .. Ni Hindi namin napansin na gabi na pala..

"Are you sure bes na okay ka lang mag isa dito?"
"Di ako mag isa, kasama ko naman si Cass." :) nakangiting sabi ko dito.

Maya maya lang nagpaalam na ang mga to sakin..

Muli akong umupo sa tabi ni cass. Napahawak ako sa muka nito.
"Mahal ko, okay na kami ni Joanna.. Ang dami niyang kwinento sakin. Si nico pala yung bestfriend mo, nililigawan na si joanna.. Ang saya nga, finally nakahanap na ng seseryosohin si nico. Ganon din naman si bes.. Mahal ko, miss kana nila.. Sana naman gumising kana.. Dahil Miss na miss na kita....Sobra.."

Ilang oras din ako nagsasalita sa harap ni cass. Hindi ako napapagod kahit na wala akong makuhang sagot mula dito.. Hanggang sa tulad ng dati nakatulog na naman akong nakadukdok sa tabi ni Cass.. -.-

.

.

Nagising ako mula sa tunog ng phone ko.
Criiinggg criiinggg..

Kukunin ko na sana ang phone ko mula sa mini table na nasa gilid ng higaan ni Cass. Nang umagaw sa pansin ko ang higaan ni Cass. . -- NASAAN SI CASS???? O.o

Mabilis akong napatayo... Kinabahan ako. Wag naman sana... :/
Criiiinggg criiiinggg...

Kinuha ko ang phone na kanina pa tumutunog at sinagot ang tawag. Si kendra
"Hello sissy... Si Cass.." :( May tinig na lungkot sa pagkakasabi nito
"Asan si Cass?" Nanlalamig na ang ulo ko.

Nooo lord. Wag.. Wag po .. Di ko kaya..

Tutut tutut..

Naputol na ang tawag mula kay kendra.

Ms. lalakero meets Ms. babaera (Part2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon