Secret Garden

6.3K 145 4
                                    

Joanna's Pov

nakarating na kami ni Cass sa gate ng Secret Garden, sumakay kami ni Cass sa isang napakagarang sasakyan.. Kung Hindi ako nagkakamali isa itong Lamborghini Veneno Roadster. napakagara talaga ng sasakyan. tanging mayayaman na tao lang talaga ang makakabili ng uri ng ganong sasakyan.. Eto marahil yung sinabi ni Cass kanina sakin na nakabunggo sa daddy ni Danica, nalungkot naman ako bigla ng maalala ko yun.  pinaandar na ni Cass ang sasakyan, napatingin ako dito habang nagdadrive. napakasimple talagang tao nito, kung titingnan mo siya sa una hindi mo aakalain na sobrang yaman pala niya dahil sa paraan ng pananamit nito. tila naramdaman naman ni Cass ang ginagawa kong pag oobserba sakanya dahil lumingon ito saakin at ngumiti., dahil sa hiya ko napatingin nalang ako sa labas... dahil open ang kotse ni Cass, ramdam na ramdam ko ang bawat paghampas sa balat ko ng hagin, nilibot ko ang mata ko sa ganda ng tanawin, tama nga si Danica.. napakaganda nga dito :) :)

hininto ni Cass ang kotse at bumaba na ito. lumapit siya sa gawi ko at pinagbuksan ako ng pinto, napangiti naman uli ako sakanya.

Dinala ako ni Cass sa isang falls. napatingin ako sa bawat ragasa ng tubig pababa. para bang inaanyayahan akong maligo don..

"Napakaganda nga pala talaga dito no, salamat sa pagdala sakin dito Cass ha." pagpapasalamat ko kay Cass , piling ko kasi nakakawala ng stress pag nakakita ka ng ganto kagandang lugar.

sa halip na magsalita si Cass hinawakan niya ako sa kamay at hinila ako papunta sa malalaking halaman, hinawi nito yun at ng makalagpas na kami don. bumungad sakin ang matandang puno na ubod ng Taas.. isang tree house ang nabungaran ko ng itaas ko ang tingin ko sa puno. masyado akong napamangha sa ganda kaya sagad ang pagkakangiti ko.

"Do you like it?" tanong ni Cass sakin, sunod sunod naman ang naging tango ko sakanya, inaya niya na ako pataas ng puno. sa pag akyat namin , nakaalalay siya sa ibaba ko. May takot kasi  ako sa heights kaya nanginginig ako habang papaakyat. napansin ni Cass ang panginginig ko kaya nagsalita ito..

"Joanna Focus ka lang sa pag akyat. Wag kang lilingon sa baba ok??"

tumapak ako sa baitang ng dumulas ang paa ko, buti nalang nakahawak ako ng mahigpit at nasa ilalim ko si Cass na napahawak sa gawing pwitan ko.
"It's okay Joanna .. it's okay, I got you..Just relax and focus.." sabi ni Cass ..

nilakasan ko ang loob ko sa pag akyat kaya ng makarating na ako sa huling baitang kulang nalang magtatalon ako sa saya

"Nakaakyat ako Cass! Ang saya ko! nagawa ko :) ;) ;) " sabi ko pa kay Cass at wala sa loob na napayakap dito..

tila nagulat ako sa ginawa ko kaya bumitaw agad ako sa pagkakayakap sakanya.. para Hindi mahalata ang pamumula ng muka ko, tumalikod ako kay Cass at tumungo sa bintana don ko nalang ibinaling ang awkwardness na nararamdaman ko. ..

CASS'S POV

inaya ko si Joanna umakyat nakalimutan ko nakaskirt nga pala siya. hahaha syempre hindi ko siya sisilipan habang umaakyat kami nasa ibaba ang tingin ko pero nararamdaman ko panginginig niya kaya napatingin ako sakanya at nagsalita. para palakasin ang loob nito. ngunit ng tumapak sa lubid at dumulas ang paa nito, Yung totoo kinabahan ako ng muntik ng mahulog si Joanna sa pag akyat sa tree house, Hindi ko mapapatawad sarili ko kung sakaling may mangyaring masama kay Joanna , dapat pala tinanong ko muna siya, dahil baka napilitan lang siyang umakyat dahil sakin..

at dahil don sa pag akyat namin Hindi ko sinasadya hawakan ang pwitan niya, oh god! how can i help her ? San ako hahawak kundi don lang! tssh naintindihan mo naman siguro yun papa Jesus. :)

Finally, nakahinga na ako ng maluwag ng pareho na kaming nasa taas na ni Joanna. Hindi ko akalain na sobra pala siyang magiging masaya kaya nagawa niya akong yakapin. nagulat ako matapos niya akong yakapin parang nag init bigla ang sistema ng katawan ko. buti nalang tumalikod ito sakin kundi makikita pa nito kung gano naging epekto sakin ng pagkakayakap niya.

.

.

.

Hindi namin napansin ni Joanna ang pagbilis ng oras dahil sa kwentuhan namin, ikwinento niya sakin kung pano sila nagkakilala ni Danica, pati na din kung pano siya nagbago . pano siya nagrebelde sa magulang. halos lahat. ansarap niya din kausap. Hindi siya yung tipo ng tao na nauubusan ng sasabihin. nakakatuwa lang din. napakanatural niya kumilos. walang halong pagpapanggap. napakaswerte din ng magiging boyfriend nito.

mayamaya lang inaya ko na si Joanna pumunta ng bar, pinagpalit ko muna siya ng damit dahil may damit naman si Danica don at mga shorts. pagkatapos niyang magbihis bumaba na kami ng tree house, this time hindi na ko naiilang tingnan siya dahil nakashort na ito ngayon , Hindi katulad kanina.. kung hindi lang to kaibigan ng prinsesa ko baka pinagnasaan ko na din haha...

Ms. lalakero meets Ms. babaera (Part2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon