Danica's POV
kinaumagahan
Napahiga ako sa kama matapos ayusin ang gamit namin ni cass, ngayon kasi kami babalik ng manila. Bukas may pasok na naman ako.. wala na akong panahon para pumunta sa Uni hotel kundi ngayon.
"Bes, Tara na, kanina kapa nila hinihintay sa labas." si Joanna , napalingon ako sa gawing pinto kung saan naron siya, may kasama itong lalaki na nakasando
"Kuya pakibuhat nalang yung mga gamit namin, salamat." Baling ni Joanna sa lalaking kasama nito.. Tumalima naman ang lalaki sa gawi ng mga bag at sinimulan magbuhat .. Lumapit naman sa gawi ko si Joanna at tiningnan ako.
"Bes okay ka lang?" Pag aalalang tanong ni Joanna sakin. Tumango lang ako dito at tipid na ngumiti.. Dumako ang tingin ko sa kamay niya.. Hindi niya suot ang bracelet..
"Ah Joan-
"Mam ito lang po ba ang bubuhatin ko?" Tanong ng lalaking nakasando , tumango lang dito si Joanna at saka muling bumaling sakin.
"Ano na nga yun bes?" Sabi ni Joanna
"Ah wala, Tara na.
Paglabas namin sa hotel nakita ko agad si kendra at Lucio na nagseselfie. Tila naramdaman naman ni kendra ang presensya ko kaya tumigil ito at lumapit sakin.
"Okay na ba lahat sis,? So Tara na?" Tumango lang ako dito.. Nagsimula na kaming sumakay sa van na inarkila namin.
Habang katabi ko si Cass Hindi ito kumikibo pero nahuhuli ko sa gilid ng mata ko ang pagtitig niya sakin at ang mga iilang buntong hininga na pinakawalan niya.. Simula kasi kagabi hindi na kami nag usap.. Nakakahiya pa kay kendra dahil nahuli niya ang pagtatalo namin ni Cass kagabi.
"Ano bang problema Danica??? Kausapin mo nga ko!" Sabi ni Cass habang hawak ang braso ko aktong lalabas na kasi ako ng kwarto.. Pumihit ako paharap kay Cass at ngumiti ng may pangungutya.
"Hindi maayos to kung Hindi tayo mag uusap! Ano?!! Oh baka naman nagkakagusto ka na kay Ryu nayun ha.???" Bulyaw sakin ni cass
"Bakit naman nasali si Ryu sa issue nato???"
"See? Pinagtatanggol mo pa!! Bigla kanalang gumanyan Simula ng makasama mo yung ryu nayun!"
BINABASA MO ANG
Ms. lalakero meets Ms. babaera (Part2)
RomancePlease read the part 1 po para makarelate :) Salamat po! :) Kung di po kayo open sa gantong uri ng tao please stop reading nalang po.. Respeto nalang po sa ibang tao .. Salamat! :*