Cass's POV
Pagbaba palang namin ng kotse ni Joanna ng tumunog yung phone ko, sinagot ko ang tawag nito...si Danica pala.
"Mahal.. Kumusta kayo ni Joanna ?" sabi ni Danica mula sa kabilang linya
"Okay naman kami prinsesa ko, eto nga kadadating lang namin sa bar." nakangiting sabi ko..
"That's great. hmmm mahal, sa makalawa na nga pala flight ko papuntang Hong Kong .. Grand opening ng bagong business natin don.. sorry mahal nawala na kasi sa isip ko dahil sa sobrang trabaho."
biglang bumagsak ang muka ko matapos marinig lahat ng sinabi ni Danica
"Ilang araw ka don?" malamig na sabi ko kay Danica
"One week lang mahal.. kasi lilibutin na din namin lahat ng branches natin don."
"Anong point ng pagpapaalam mo? may magagawa pa ba ako?" iritang sabi ko
"Syempre asawa kita cass.. im sorry talaga kung ngayon ko lang nasabi.tutal naman andyan si Joanna. Libangin mo na din siya."
pagkatapos marinig ang sinabi ni Danica.. nagbalik sa tanaw ko ang unang pagkikita namin ni Joanna .. aminin ko man o Hindi. pag napapalapit ako kay Joanna may nararamdaman akong init sa katawan.. Lalo na kanina nung nasa secret garden kami... ayokong lokohin si Danica. hanggat maari kailangan kong iwasan na si Joanna ngayon.. Ayokong magkasala, mahina lang ako.
nakakainis kasi si danica. napaka insensitive..
"sorry? bakit ka nagsosorry? haha.. bakit di kapa ba sanay na halos Hindi na tayo nag uusap ? kung aalis ka. ayus lang , ano bang bago don?parang ganon din naman.."
"don't be so sarcastic Cassandra, alam mo kung gano kahirap magtrabaho sa kumpanya niyo.."
"Masyado mo kasing minamahal ang trabaho mo na halos kalimutan mo na ko, edi sana hindi kana nagpakasal sakin. sana dyan kanalang nagpakasal sa trabaho mo!" sa sobrang inis ko napatay ko na ang tawag at wala sa loob naglakad papasok ng bar.
nakakailang minuto palang ako sa loob ng private room ng pumasok sa loob si nico.
"Dude hinahanap ka ni Joanna, Magtapat ka nga sakin.. kayo ba?"
"Nonsense,". maigsing tugon ko kay nico saka ulit ako tumungga ng alak.
"Mabuti kung ganon.. Pero kilala kita Cass e. pag may problema ka. humahanap ka ng paraan para ibaling sa iba atensyon mo. nakikiusap ako.. wag si Joanna, tandaan mo-- magkaibigan sila.." mahabang pahayag ni Nico sakin,napatigil ako sa paglalaro ng bote sa kamay ko,.. napaisip ako bigla sa sinabi niya .. tama nga siya.. kanina kase nung magkausap kami ni danica biglang pumasok sa isipan ko si Joanna. shit. talagang iiwasan ko na si Joanna bago pa man ako magkasala.. haaay.. -.-
"Thanks for warning me nico. you can leave now." sabi ko dito ng Hindi tumitingin kay nico..
nakinig naman si nico sakin at tumalikod na at lumabas na ng kwarto.. alam kasi nito na gusto ko mapag isa sa mga oras nato.
di pa man lumalagpas ang limang minuto. bumukas na naman ang
pinto at kahit hindi pa ako lumingon sa gawi nayun.. kitang kita ko sa gilid ng mata ko na si Joanna ang niluwa ng pintong yun.
binalik ko ang atensyon ko sa pag inom ng alak. ayokong magpaapekto sa sistemang init na nararamdaman ng katawan ko twing katabi ko si Joanna, Yung totoo kasi, active ako sa sex lalo na kung nakakainom.. Magiging mahina ako lalo na kung puro kabutihan ang ipinapakita sakin ni Joanna.. kailangan ko na siyang Iwasan. yun ang namumuo sa isipan ko..
"Cass" mahinang banggit ni Joanna sakin, tila nanghina ako bigla matapos marinig ang pagtawag niya sakin. kailangan ko siyang sungitan para hindi na siya lumapit sakin. Kailangan kong iligtas sarili ko sakanya.. kailangan ko siyang itaboy.. kahit na--- maging masama pa ako sa paningin niya.. -.-'
"I don't hate you, I just... I.... Yeah, Nevermind I hate you.. so leave me alone" yun ang huli kong sinabi kay Joanna. ramdam ko ang pagkagulat niya dahil napatigil ito mga ilang segundo din... ng talikuran na niya ko palabas ng kwarto. nakahinga na ako ng maluwag ng wala na ito sa paningin ko.. muntik muntikan na kong umamin kay Joanna na may nararamdaman ako. Hindi love.. kundi Lust.. -.-'
lumipas ang maraming oras ng sobrang lasing na nararamdaman ko. Hindi ko na magawang igalaw ang sarili ko dahil sa pamamanhid ng katawan ko. kung ano ano na nga pumapasok sa isipan ko na wala sa lugar. wala na akong kontrol kaya mas pinili ko nalang na sa private room ng bar magpalipas ng lasing. sa isang sofa lang ako humiga. nakatingin lang ako sa kisame. para akong dinuduyan sa kahiluhan..Hanggang sa mamaya. unti unti ng nilalamon ng kadiliman ang paningin ko..
BINABASA MO ANG
Ms. lalakero meets Ms. babaera (Part2)
RomancePlease read the part 1 po para makarelate :) Salamat po! :) Kung di po kayo open sa gantong uri ng tao please stop reading nalang po.. Respeto nalang po sa ibang tao .. Salamat! :*