kabado. -.-

5.2K 114 0
                                    

Lumipas ang isang bwan

Danica's POV

"Okay lang ba talaga ang muka ko?. Itong damit bagay ba?"

"Hahaha..of course, you look so perfect." Nakangiti ngunit halata sa mata ni Ryu ang paghanga.

Kakauwi ko lang dito sa pilipinas kahapon. Napagkasunduan namin ni Ryu na magkita ngayon, kasalukuyang nasa Hong kong siya. Nagfile lang ito ng leave para makasama ako.. since good friend kami.. Wala na akong itinatago dito halos araw araw din kami magkachat ni Ryu, alam na din nito lahat ang tungkol samin ni Cass.. Ganon din naman ito sakin.

"Bolero!." Natatawang sabi ko dito..

"So.. Let's go?" Nakangiting sabi ni Ryu habang binukas ang bisig niya para kumapit ako sa braso niya..

Pupunta kami ngayon sa bahay ni Kendra at Lucio.. Bukas na ang kasal nila at kukunin ko palang don ang gown na susuotin ko.. Sinama ko na din si Ryu para makilala ni Kendra dahil madalas ko din itong nababanggit sakanya pag kachat ko siya.. Gusto din daw niya itong makilala.

Binuksan ni Ryu ang kotse sa harapan at pinaupo ako.

Habang umaandar ang sasakyan hindi ko maiwasan hindi kabahan.. Pano kung andon si Cass? Pano gagawin kong iwas? Hindi pa ko handang harapin siya.. Haaay.

Nakita ni Ryu ang pagbuntong hininga ko.. Tila alam na nito ang iniisip ko..Hinarap niya sakanya ang muka ko at pilit na pinangiti.

"Please Smile. Kung nandon man siya. Kailangan mong maging okay sa harap niya., alright?" Nakangiting sabi nito, tumango lng ako dito at muling hinarap niya ang sarili sa daan..

"Daan muna tayo sa flower shop ha.." Tumango lang ito sakin..

Maya maya lang inihinto na nito sa Flowershop .. Bumaba ako saglit at bumili ng white flower.. Bumalik din ako agad matapos ako makabili.

Sa dami ng kwinento ni Ryu,hind halos namin namalayan na malapit na pala kami sa bahay nila Kendra. ..

Bumalik na naman ang kaba sa dibdib ko..

Hinawakan ni Ryu ang kaliwang kamay ko at pinisil at ngumiti..

"Okay lang yan.." Napangiti naman ako dito.

Hininto na nito ang sasakyan at lumabas at pinagbuksan ako ng pinto..

Ng makababa ako kumapit ako sa bisig niya at pareho na kaming naglakad papasok..

Hindi pa kami nakakapasok ng pinto ng mapansin kami ni kendra,dali dali itong lumapit samin, nakipagbeso ito sakin at nakipagkamay kay Ryu.. Halata sa muka ni kendra ang saya ng magkita ulit kami..

"You look sooooooo gorgeous. Damn it danica, ganyan ba na'bobroken hearted?----- Joke?" Muntik na ko matawa kay kendra .. Lalo na nung nag peace sign pa siya, huli na siguro nung ma'realize niya sinabi niya. haha.

"Baliw ka talaga. Haha.. So asan si soon to be husband mo?" Tumingin ako sa likuran ni Kendra. Nakahinga ako ng maluwag ng Hindi ko makita si Cass,

"Nasa kusina, Tara na." Kayag samin ni kendra. Sumunod naman kami ni Lucio dito.

Ms. lalakero meets Ms. babaera (Part2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon