Chapter Seventeen

2.6K 44 0
                                    

After years of pusuing my dreams, isa na akong ganap na fashion designer. Ang anak kong si Marcus ay masayang nag-aaral sa academy. Kamukhang kamukha ko ito at labis ko iyong ipinagpapasalamat sa Diyos. Siguro naman ay wala ng sisira pa sa buhay namin.

Kami nalang ang naninirahan dito sa Paris, France. Sila Lorenzo ay umuwi na ng Pinas at doon sila bumuo ng pamilya ni Glads. Si Rafaela naman ang madalas kong makasama dahil isa na ako sa mga personal fashion designer niya.

Bukod doon ay masasabi kong napakalaki ng ipinagbago ko.

Sabi ng asawa ni Patrick na si Mel ay kulang nalang na sa amerika ako manirahan dahil talagang american woman na ako. Sa edad kong twenty four ay maraming nagkakandarapa sa akin. Pero wala akong pinagtutuunan ng pansin sa sinuman sa kanila. Si Marcus ay hindi ko itinatago at alam ng lahat na anak ko siya.

Mahal na mahal ko ang anak ko.












Ipinark ko ang aking kotse sa labas ng academy ni Marcus. Ilang minuto na lang ay lalabas na ito.

Inilabas ko ang aking cellphone at doon ay tinignang muli ang aming papasyalan mamaya. Makakasama namin si Rafy dahil wala itong lakad at pasok ngayong hapon.

Narinig ko ang malakas na bell ng school at umayos na ako ng tayo.

Nakita kong lumabas si Marcus at kumaway ng makita ako. Nakangiting tumawid ako papunta sa kanya.

Ang kaso ay sinalubong niya ako ng takbo. Saktong may parating na bus kaya tumakbo ako palapit sa kanya at itinulak siya papunta sa sidewalk. Tumama ang aking katawan sa bus. Nakita ko pa ang pagpatak ng luha ng anak ko bago pa ako tuluyang bumagsak sa kalsada.

'Salamat sa Diyos at maayos ang anak ko....'
















Another six years later....

Jesse

Nagising ako sa lakas ng hangin na kumalampag sa kubo.

Base sa pagkakaalam ko ay walang bagyo at wala ring taong dapat susunod sa akin dito.

"Gago ka Jesse! Lumabas ka n jan kung ayaw mong sunugin ko iyang kubong tinitigilan mo!"

'Shit! Anong giagawa ni Krys dito!!'

"Hoy Jesse! Wag mo sabihing pinsan kita! Gago ka, lumabas ka jan at bumalik ka na sa Lumar! Nalulugi na ang mga restaurants at bar natin! Pare-pareho tayong lagot kay kuya Jojo s pinaggagagawa mong tanga ka!!"

Ah,si kuya Jojo. Paniguradong masusuntok na naman ako nun.

Dumami ng dumami ang aming restos and bars sa Lumar. Pinag-igihan ko.ang pagtatrabaho ko eh. Pero kapag nabalik ako sa  nakaraan, well, napapabayaan ko rin iyon. Tulad ngayon.

Balak ko na talagang itigil ang pagnenegosyo. Nawawalan na ako mg gana sa buhay. Kaya heto at nagtatago ako sa sikretong lupain ni dad. Kaso wala talagang maililihim sa pinsan kong si Krys. Manang mana kay tita  Krystal na mommy niya.

Nagulat ako ng unti-unting nag-apoy ang dingding at nabalot ng usok ang kubo, dali dli kong lumabas at bumungad sa akin ang upper cut ni Geraldine.

Anak ng tokwa..magbestfriend nga pala ang mga ito.

Sa likod nila ay tatawa tawa ang kambal kong tabachoy. Hinagis ko ang suot kong tsinelas dito pero ginatihan ako ng pingot sa tenga ni Geraldine.

I guess,hindi ko matatakasan ang sarili kong pamilya afterall. Tss.













"What have you done!?" Sinigawan ako ni kuya Jojo. Siya mg pinaka pangamay sa aming magpipinsan sa edad,pero si Krys ang pinaka panganay sa dugo. May mas matanda pa sa aming magpipinsan pero mga taga Maynila na.

"Kuya, I'm sorry. Parang nawawalan na ako ng gana. Please,just let me invest. Ayoko ng makiusisa sa negosyo."

Natahimik ito maging ng iba pa naming kasosyo.

Sa huli ay pinagbigyan niya na ako.

Nang makauwi ako sa mansyon ay naabutan ko ang mga magulang kong kumakain. Inirapan akon ni mommy.

"Anak! Akala ko ay nakapag-asawa ka na nung hindi ka umuuwi. Kamusta ang probinsiya?"

Malamang sa malamang ay si mom ang nagturo sa mga pinsan ko kung saan ako hahagilapin.
Galit ito sakin sa hindi maipaliwanag na paraan. Mula pa noong nawala si Marianne.

Si Marianne ko....

"Sige na anak. Magpahinga ka na. Alam kong pagod ka sa biyahe." Sabi ni dad at muli ay naglambingan ulit sila ni mom.

Pagpasok ko sa kwarto ay  nahiga kaagad ako sa kama. Tuwing naririto ako sa kwarto ko ay bumabalik sa akin ang lahat ng ala ala ng babaing nangwasak ng puso at isipan ko.



'Nasaan ka na ba mahal ko? Bakit iniwan mo akong nag-iisa? Naaalala mo pa ba ako? Miss n miss na kita. Marianne ko.' Umagos ang aking luha s magkabilang pisngi.

Twelve years,for twelve long years, walang laman ang puso ko kung hindi ang nag-iisang babaeng minahal ko at patuloy na minamahal. Saan ba ito nagpunta at tila nabura ito sa mundo na wala manlang pasabi o pahiwatig..

Masalit isipin na pumanaw ito, or worse ay nagpakamatay matapos mawala ang anak niya. Anak niya sa ibang lalaki at hindi sa akin.

Kung alam ko lang na anak ang gusto niya ay sana, sana ay ibinigay ko iyon sa kanya. Hindi sana'y magkasama pa kami hanggang ngayon katulad ng mga tao sa paligid ko.



'Marianne ko, please, bumalik ka na. Lahat ay gagawin ko,mahalin mo lang akong muli.'

Not Your Ordinary Cinderella StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon