Sinabi nga sa akin ni Jesse na iuuwi niya ako sa bayan niya. Bukas na kami aalis. Nakaayos na ang lahat ng dadalhin naming mga gamit. Kaunti lang naman iyon,ibibili niya nalang daw ako doon. Babalik din naman kami dito pero hindi kami magtatagal pa ng pagtigil dito sa bayan na kinalakihan ko. Nabalitaan ko nga rin pala sa mga kapitbahay ko noon na umalis na ulit ang barko na sinasakyan ni papa.
Nalulungkot ako pero nawawala iyon tuwing naiisip ko na nasa tabi ko lagi si Jesse. Mahal ko na siya. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin. Espesyal siya sa akin kahit noong magkaibigan pa kami. Pero simula ng may nangyari sa amin ay tuluyan ng napamahal ang puso ko sa lalaki.
Pinaparamdam kase niya sa akin na mahalaga ako at espesyal ako. Hindi lang sa sex kung hindi sa pag-aalaga niya sa akin. Kahit noon pa ay ini-spoil niya na talaga ako. Mula pa noong akala ko ay bakla siya.
Pinapanuod kong matulog ang lalaki. Nakayakap ito sa akin at nakadantay ang isang hita sa bewang ko. Kapag tulog ito ay nagmumukha itong inosenteng paslit. Pinakapaborito ko sa facial features nito ay ang chinky eyes nito. Dati ay masungit ang tingin ko roon. Pero ngayon,galit man ito o naiinis, or kapag tinititigan niya ako, kinikilig ako ng sobra sobra sa mga mata nito.
"Hmm,baka matunaw ako Marianne. Tss. Maaga tayong aalis bukas. Matulog ka pa."
Hinila niya ako pahiga at yinakap. Nakangiting yumakap din ako sa kanya. Ang dami niyang muscles. Hanggang likod. Pero hindi siya mukhang goon. Mukha siya greek god na singkit.
Naramdaman kong hinalikan niya ang ulo ko.
"Tulog na,***** ko."
Ano daw?
Natatakot ako. First time kong lumayo sa lugar namin. At nobyo ko pa ang kasama ko. Hinawakan ni Jesse ang kamay ko at iniangat iyon patungo sa kanyang labi.
"Para kang sira, nanginginig ka oh. Wag ka ngang ganyan. Mababait ang magulang ko. Hindi sila matapobre." Nakangiti ito at tila naaaliw sa itsura ko.
Nung makarating kami ay iniwan niya ako para iakyat ang dalawang maliit na maleta namin. Napakalaki ng bahay nila. Nakakita ako ng napakalaking portrait na halos naokupa na ang buong wall ng living room.
Maraming tao roon. Hindi ko makita si Jesse.
Mga thirty minutes na ay wala pa ang lalaki. Nakita kong bukas ang sliding door sa kaliwang bahagi ng sala. Lumapit ako roon at nakita ang napakagandang garden na puno ng rosas. Natutuwang lumabas ako. Nag-ikot ikot ako sa garden.
Naisip kong magpapicture dito kasama si Jesse,kaso nakakahiya. Baka sabihin niya,isip bata parin ako.
Nakarinig ako ng tunog ng camera. Napalingon ako doon at may nakita akong likod ng tao na tumakbo papuntang dulo ng garden. Sinundan ko iyon.
Kaso,kaasunod ko ay nahihilo ako,hindi ko alam kung saan ako babalik. Napakalawak pala ng garden na ito. Pinapaypayan ko ang sarili ko gamit ang aking kamay nung may narinig akong tumahol. Nung lumingon ako ay bumungad sa akin ang pinakamalaking aso,o baka lobo na ata iyon na kulay puti, sa tanang ng buhay ko. Ang lakas ng tahol nito. Pakiramdam ko ay naguumalpas ang puso ko sa pagkabog nito.
Tumakbo ako habang naiyak. Natatakot ako. Sobramg takot ako sa mga malalaking hayop.
Napapagod na akong tumakbo. Ilang beses na akong umikot pero hindi ako nilulubayan ng malaking aso.Sa kakatakbo ko ay nakita ko si Jesse na may hawak na grasscutter at nakabilad sa araw,pakanta kanta pa ito at nakangiti.
Naiiyak na tinakbo ko ito. Nakita ko ang gulat sa mukha nito ng yakapin ko ito. Nang mayakap ko ito ay nagdilim ang buong paligid. Nakahinga ako ng maluwag.
![](https://img.wattpad.com/cover/155795410-288-k385252.jpg)
BINABASA MO ANG
Not Your Ordinary Cinderella Story
Fiction générale[COMPLETED] warning! Medyo SPG ~ Si Marianne na inosenteng Cinderella noon, matured na ngayon.