Chapter Thirty

2.2K 32 0
                                    

Jesse

Magkaharap kami ni mommy dito sa living room. Kaming dalawa lang sa mansion, pinaalis ko ang lahat. Kahit na pareho kaming may hinanakit ni mom sa isa't isa, dapat ay magkasundo kami, ako pa naman ang paborito ni mom sa aming tatlong magkakapatid.

"Ano ba ang gusto mong sabihin Jesse?" tanong ni mom.

Tinitigan ko siya, sa edad niyang nasa early sixties, mukha lamang siyang nasa late forties. Maganda ang mom ko at maalaga sa katawan. Nakuha namin ni Jace amg karamihan sa facial features ni mom,maliban sa mata na singkit. Nginitian ko siya.

"Mom, may kambal ang anak ko. Magiging apat na ang apo mo." pahayag ko kay mom. Tinaasan lang ako nito ng kilay.

"Isa lang ang anak ni Jace at Geraldine, tapos kambal ang anak mo na matagal ko ng alam, may anak ka pa ba sa ibang babae?" tanong nito na tila naiirita sa akin.

Huminga ako ng malalim. "Buntis si Melody mom. At wala akong ibang babae. Si Marianne lang ang mahal ko-teka,alam niyo ? Kilala niyo ang kambal ni Marcus?!" nagulat ako sa aking nalaman. Tumingin sa akin ng diretso si mom. Nawala ang inis sa mukha nito.

"Remember those times na nag-aabroad akong mag-isa or minsan kasama ko si Geraldine? Nagpupunta kami sa anak mo. Siya si Maxine Pascua Boas. Pinilit kong ipangalan siya sa iyo kahit na ayaw ni Maitha. Talagang kinumbinsi ko iyon para maipangalan sayo si Max. If you know your tita Leanne's cousin, that's one of Maitha's bestfriend that died because of sexual abuse. You remind her of what happened to her friend that's why she started hating you. Ang kinakagalit niya ay yung trauma na nakuha ni Marianne,she was on the edge by the time she escaped our house. And we had no clue about it." huminga ng malalim si mama.

"tulad nga ng sabi ko noon sayo, inisip ni Marianne na nalaglag ang isa niyang anak ng dahil sa paghatak mo sa kanya, galit siya sayo nung time na yun, kaya iyon ang nagtulak sa kanya na mag-isip na nawala ang anak niya. Ang kaso nga ay maski siya ay naniwalang nawala ang isa sa kambal niyang anak."

Lumapit si mom sa akin at naupo sa aking tabi. Hinawakan niya ang mga kamay ko.

"Jesse, anak. Alam kong mabait kang tao. Pasensya ka na kung masama ang trato ko sayo these past few years. Nangungulila lang ako sa pamilya mong sana ay buo. Si Maxine, ang kambal ni Marcus, ay kasama kami, ni Geraldine at ni Mr. Pascua na ama ni Marianne, na nagpagamot sa kanya."

Natitilihang napabaling ako kay mom mula sa pagkakatulala.
"Nagpagamot? Anong sakit ng anak ko mom?"

"Tulad nga ng sabi ko, hindi nga nalaglag ang bata. Pero naging mahina ang resistensiya nito matapos ipanganak ni Marianne. Inilihim namin ni Maitha kay Marianne ang tungkol kay Max dahil makakasama lalo kay Marianne kapag nalaman niyang buhay ang anak niya at naghihirap. Hindi pa siya tuluyang gumagaling sa depression niya. Mukha siyang masaya pero kapag mag-isa ay doon niya inilalabas ang sakit at paghihinagpis niya.

Si Maxine naman ay sa awa ng Diyos, gumaling at lumaking mabait. Nung time na pinaplano na naming ibigay siya kay Marianne ay napag-alaman na may Leukemina ang bata. At nataong naaksidente si Marianne sa Paris. Alam mo na iyon, hindi ba?" tumango nalang ako.

"Pero magaling naman na ang anak ko, diba mom?" nag-aalalang tanong ko.

"Oo, pitong taon na siyang magaling anak. Talentadong gumuhit ang batang iyon. Tanda mo ba yung sketch portrait namin ng dad mo sa office? Siya ang may gawa non." nahawa ako sa ngiti ni mom. Nakita ko na nga iyon. Sinabi niya pa nga na iyon ang paborito niya sa lahat ng portrait sa mansion.

"Eh mom, bakit wala man lang kayong sinasabi sa akin. Alam niyo namang halos mabaliw na ako sa kakahanap sa mag-iina ko." may bahid ng pagtatampo ang boses ko ng tanungin si mom. Tumingin ito sa akin at hinaplos ang pisngi ko.

"Kase Jesse,anak..." bigla niyang kinurot ng napakahigpit ang pisngi ko. "..kase nakikita kong baliw ka na. Walang direksyon ang buhay mo. Nakakahiyang ipakilala ka sa sarili mong anak. Akala mo ba hindi sumasama ang loob ko na ipagkait sa iyo ang mag-iina mo?! Ha!? Wag ako ang sisihin mo kase ikaw ang nagsimula ng lahat ng ito!!"

Binitiwan na ni mom ang pagkakapisil sa pisngi ko ng dumungaw ang kambal ko.

"Hi Jesse. Sabi ko sayo eh, magkakaayos kayo ni mom kapag nag-usap kayo ng masinsinan. Kailangan mo lang amuin si mom. Haha" inambaan ko ito ng suntok. Hindi ako makapaniwala na ito na ang Mayor ng Lumar. Nangangamba akong babagsak ang ekonomiya ng aming lungsod. Tsk tsk.

Tinapik ni mom ang pisngi ko at napailag ako matapos ang ikalawang tapik niya. Baka kase ang pangatlo ay sampal na.

"Anak, itigil mo yang kalokohang binubuo ninyo ng tito Ramon mo. Isa pang may toyo iyon. Bukas ng gabi ay mamamanhikan tayo. Balita ko kay Maitha ay nakakapag-adjust na si Marianne kahit wala pa ang kanyang mga ala-ala. Kung talagang mahal mo siya, win her over. Hindi yung may mga kidnap-kidnap pa kayong nalalaman ng tito mo. Ako mismo magpapakulong sa inyo, makikita niyo."

Napabaling ang tingin ko kay Jace na hinihimas ang nananaba nitong tiyan. Malaki na ang pinagbago nito. Naging tabachoy na kaya di hamak na mas gwapo na ako. Siguro ay ito rin ang nagsabi kay mom ng plano namin ni tito.

"Sige mom. Babawiin ko na po ang pamilya ko. Hindi ako papayag na mapunta siya kay kapre." pabirong hinampas ng mommy ko ang aking balikat habang tumatawa. Yun nga lang ay kahit pabiro ay masakit din talaga.

Maging si Jace ay nakikiasar na. Inasar ko nga ng tabachoy. Ang sabi ay isusumbong ako sa asawa niya. Eh pareho naman silang tabachingching. Yung anak lang nilang si Edna ang sexy sa pamilya nila eh. College na nga pala iyon sa darating na pasukan. Balak magdoktor ng dalagita.

Bago pa ako umalis patungong resto ay pinagluto pa ako ni mom ng paborito kong sinigang na hipon. Mukhang love na ulit ako ni mom. Ako na naman ang mama's boy. Ako lang naman talaga ang bine-baby ni mom kahit noong mga bata pa kami. Mas favorite niya pa nga ako kaysa kay Melody na tila may sariling mundo.

Sa edad kong 38, I mean 39 na ako next next month, ako lang ang pinagluluto ni mom ng mga paborito kong pagkain kahit na sandamakmak ang tauhan namin sa mansion. Gusto ko ring ipagluto ang mga anak ko ng mga paborito nila katulad ng ginagawang pag-aasikaso ni mom sa akin. At siyempre,gusto kong pagsilbihan ang Marianne ng buhay ko.

Not Your Ordinary Cinderella StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon