Epilogue

2.9K 28 1
                                    

The twenty years old Jesse...

Nakakainis. Bakit ba kase lagi nalang akong iniiwasan ng mga babae, pati si Mitchie, yung girlfriend ko, iniiwasan ako. Nakakainis naman kasi si Jace. Masyadong paepal. Bakit ba palangiti ang kambal ko? Sira siguro tuktok nun.

Napatulala ako sa rumaragasang alon ng dagat. Nasa cruise ship kami ng buong pamilya ko. Nanalo si Dad sa eleksyon at regalo itong trip na ito ng lolo ko sa amin.

Magkaibang-magkaiba kami ng kambal kong si Jace. Napakahabulin ng babae nito, ngayon nga ay patay na patay na ang girlfriend ko dito. Actually, ex ko na nga pala ngayon si Mitchie. Kakabreak nga lang pala namin kaninang umaga. Nahuli ko kase itong naglalaway sa babaero kong kapatid.

Ewan ko ba sa lalaking iyon, ikakasal na nga at lahat pinapasakitan pa ang nobya niya. Tss.

Nakabusangot lagi ang mukha ko. Hindi ko mailabas ang lahat ng frustrations ko kaya sa mukha ko nakikita. Naiinis ako sa mga pinakamaliliit na bagay na hindi sumasang-ayon sa plano ko.
Ayaw kong masangkot sa pulitika,pumayag na nga si lolo sa desisyon ko pero mapilit si mommy. Wala namang magawa si dad dahil under iyon kay mom.

Nagsisimula ng humamog kaya naisipan kong pumasok na ulit. Malamig na rin ang hangin at ayoko namang magkasakit.

Naglalakad ako sa pasilyo habang naninigarilyo ng mapadaan ako sa quarters ng mga tauhan ng barko. Nakakatuwa na mga pilipino pala ang karamihan sa kanila.

"Napakaganda ng anak ko. Mabait pa. Kapag nakauwi tayo ng pinas, ipapakilala ko siya sa anak mo pare. Basta ba'y gwapo at mabait din ang anak mo ha?"

Nagkatawanan ang mga iyon. Naaliw ako sa pagbibida ng maskuladong seaman ng tungkol sa kabaitan at kagandahan ng anak niya. Hindi ko makita ang mukha nito dahil nakatalikod sa aking kinaroroonan pero base sa pangangatawan at tindig nito ay mukhang may ilalaban naman sa kakisigan.

"Oo pare,namatay ang asawa ko sa panganganak. Pero may asawa na ako ngayon. May isa pa akong anak. Baby pa iyon. Alam ko namang hindi tanggap ni Hilda ang panganay ko. Ang pakiusap ko nga ay pilitin niyang mahalin si Marianne, mabait naman ang anak ko. Kamukha kasi ng firstlove ko kaya naiinis si Hilda. Pero nangako siyang aalagaan niya si Marianne. May tiwala akong magkakasundo rin sila." Sabi ng lalaki pero halata sa boses nito ang pag-aalinlangan.

"Pare,patingin nga ang picture ng anak mo. Tignan natin kung kamukha nga ni Alice." Naglapitan ang mga ito sa matangkad na lalaki. Nangangalay na ako sa pagkakatayo kaya naisip kong tuluyan ng bumalik sa kwarto ko.

Pero nakakailang hakbang palang ako ay may lumipad na litrato sa aking paanan. Pinulot ko iyon.

"Pare,nasan na? Sayang naman, ang ganda ng kuha ng anak mo doon, haapin natin."

"Pare,baka nasa ilalim ng sofa, tumayo kayo at buhatin natin."

"Ako na ang bahalang maghanap mamaya, tapos na ang duty ko. Kayo ay magsisimula pa lang. Isa pa ay marami akong litrato ni Marianne,eto oh." Nagkatawanan ang mga iyon.

Naisip kong ibalik ang litrato. Nakakadalawang hakbang palang ako ng baliktarin ko ang litrato at nakita ng maayos ang dalagang mala-anghel ang mukha.

Mukha itong anghel na masayahin. Wavy ang mahabang buhok nito at mamula mula ang balat. Sa ngiti nito ay tila sumabay ang pagngiti ng kanyang mga bilugang mata.

Kumabog ang dibdib ko sa unang pagkakataon. Hindi pamilyar sa akin ang nararamdaman ko.
Hindi ko namalayang nagsisimula na akong maglakad,hindi patungo sa mga lalaking crew ng barko, kung hindi pabalik ng kwarto ko.

Pagkapasok ko ay hinanap ko kaagad ang pangalang nakasulat sa likod ng litrato ng babae na nagpapakabog ng puso ko.

'Marianne Pascua'

Wala itong social media account. Pero may isa itong litrato na nakamention ang pangalan sa isang post ng kaklase nito.

' #FeelingcrazyforBplayers #CampusHeartthrobs!! -with my school mates Marianne Pascua, Nikki Lorana, and 15 more.'

Napangiti ako. Sa wakas ay magagamit ko na ang propesyon ko.

At ang dalagang ito, hindi lilipas ang kagwapuhan ko ng hindi ko ito pagmamay-ari. Akin lang siya. Ako ang magiging prinsipe ng buhay niya. Ang Cinderella ni Jesse Boas.





Marianne

Malaki ang ipinagbago ng buhay ko mula ng makilala ko si Jesse. Akala ko talaga noong una ay bakla siya dahil lalaki ang una naming pinagtalunan. Dagdag pa na kuntodo porma pa siya noon na aakalain mong modelo at hindi isang guro.

Nung time na pinalayas ako sa amin, siya ang nasandalan ko. Pero inabuso niya ako noon, or abuso nga ba? Eh ginusto ko rin naman.

Aaminin ko na kahit bakla ang turing ko sa kanya noon ay malaki ang paghanga ko sa kanya. Ang gwapo kase at mabango. Matulungin pa kahit na ubod ng sungit.

Sa kabila ng lahat ng paghihirap na dinadaanan ko, napamahal ako sa kanya. Siya ang first love ko kahit hindi siya ang first crush ko. Siya rin ang kumuha ng pagkababae ko.

Nung nawala ang mga ala-ala ko, nabura ang katauhan ni Jesse sa sistema ko. Pinilit kong magmahal ng iba,at si Donatello iyon. Naging matalik kaming magkaibigan. Napamahal na siya sa akin pero hindi ko masabing nakuha niya ang buong puso ko.

Hanggang sa bumalik ako sa Pilipinas at muling nagkrus ang landas namin ni Jesse. At doon nga ay napatunayan kong siya pala talaga ang laman ng puso ko. Kaya sa huli ay kami pa rin talaga ang nagkatuluyan.

Sa ngayon ay narito kami sa bayang kinalakihan ko para magbakasyon. Birthday  din kase ni mama Hilda. Magaling na siya at nagkabalikan na sila ni papa. Masaya at buo na ang pamilya namin. Tuwang tuwa si mama Hilda sa kambal ko. Si Mariel naman ay mayroon ng kasintahan at mukhang masaya na ito ngayon.

Masasabi kong noon ay isa nga akong Cinderella na nakakilala ng prinsipe sa katauhan ni Jesse. At ang fairy godmother ko na si tita Maitha ang tumulong sa akin na alamin ang tunay kong kalooban patungkol kay Jesse.

Hindi ko masasabing evil stepmom si mama Hilda dahil sa kabila ng lahat ng nagawa niya ay alam ko sa puso ko na minsan niya akong minahal bilang anak niya. At sa ngayon nga ay tunay na anak na ang turing niya sa akin. Maging ang kapatid kong si Mariel ay mabuti sa akin at pareho kaming nagbibigayan.

At ang kumumpleto ng buhay ko ay ang mag-aama ko. Sa ngayon nga ay malapit ng lumabas ang bunso naminng baby boy. Sana ay maging kamukha naman siya ng asawa kong si Jesse. Para naman may makapagsabi na siya naman ang nasarapan sa pagluluto ng Diyos sa anak namin.

Kung si Cinderella ay sinabihan ng ina niya ng, "Have courage and be kind.", ako naman, maipapangaral ko sa mga anak ko na huwag silang matakot magmahal. Lahat ng problema ay malulutas ng tamang pagpapasya,lalo na kung puso ang paiiralin at hindi ang galit o hinanakit.

Naniniwala akong Diyos ang gagabay sa atin sa pamamagitan ng pagmamahal niyang walang hanggan.

Not Your Ordinary Cinderella StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon