Chapter Sixteen

2.8K 52 0
                                    

Paris, France

Nagho-homeschool kami ni Gladys. Si Lorenzo ay kaagad na nakapasok ng kolehiyo dito sa France habang hirap kami ng kanyang nobya dahil naninibago kami sa lengwahe. Si Patrick ay isamg buwan lang namin nakasama dahil pinauwi ito ng ina nito.

Kasama ko ngayon sa bahay si Gladys at si Rafaela, ang bunsong kapatid ni Lorenzo.

Kasalukuyan itong nagpu-pumose dahil iginuguhit ko ang mukha nito. Nang matapos ay pinaupo konsa tabi ko.

Bata pa ito ay mahilig na sa mga damit. Gustong gusto nito ang mg iginuguhit ko.

"j'aime ça, mademoiselle' sabi nito na halatang gustong gusto ang iginuhit kong damit sa kanyang katawan.

Nagsisimula na kaming matuto ni Gladys ng French at lalo kaming nahahasa dito kay Rafy.

'Je suis content que tu aimes, princesse' pagpapasalamat ko sa positibong reaksyon niya.

Malaki na ang tiyan ko. Next month ay manganganak na ako. Si Gladys ay Culinary arts ang kukuning kurso. Napagkasunduan naming pagnakapanganak na ako ay saka kami papasok sa University na pinapasukan ni Lorenzo.

Ako ay Dress Making and Designing ang kukuhaning kurso. Naging kaibigan ko na rin ang dress designer na naghire kay Miss Rafaela. Kaya hindi pa man ako nakakapag-aral ay marami na akong natututunan mula sa french designer na bakla.




Lahat ng kasama ko ay napansin ang pagbabago sa katawan ko since lumipas ang birthday ko five months ago. Eight months na ang tiyan ko at iyon ang idinadahilan ko.

Hindi ako gaanong tumaba sa kabila ng kabilugan ng aking tiyan. At kung dati ay morena ako, simula ng mapunta kami sa Paris amg nagbago kaagad ang kulay ko, naging sobrang puti ko na at halos kakulay ko na ang mga tao dito sa France. Ang sabi ng aking doctora ay sanhi iyon ng pagbubuntis ko.

Ang talagang nakapagpamangha sa akin ay tumangkad ako. Nataasan ko na nga si Lorenzo na dati ay kasing tangkad ko lang. Binibiro na nila ako kung talaga bang ako si Marianne or baka isa na akong french. Tinatawanan ko nalang.







Minsan ay naimbitahan ako sa isang fashion show ni Enrique,yung baklang fashion designer ni Rafy, kaya kahit lobong lobo ang tiyan ko ay sumama ako. Karay karay konnan si Gladys at Lorenzo.

Kasabay ng fashion show ay ang paglo-launvh ng bagong cosmetic brand na matagal na palang sinusubukang ipasa sa mercado.

Palibhasa ay kikay ang mga kasama ko at ako lang ang walang make up, before the show ay sinampolan ako ng make-up ng mga make-up artist ng mga modelo. Hindi kasama.si Rafy dahil pang grown-ups ang mga rarampa ngayon. Kasama nito ang tiyahin n si tita Marga. Ka-close ko na rin si tita dahil bet niya ang mga designs ko.

Natutuwang pinagmasdan ko ang aking sarili. Ngayon lang ako namake-upan ng ganito kaganda. Kahit noon,sa Pilipinas, sa kabila ng lahat ay hindi ko pa nasubukang magpaganda katulad ngayon. Napangiti ako ng maisip ko ang kalagayan ko ngayon.

Nawalan ako ng lalaki sa buhay pero nagkaroon ako bagong pamilya.

Habang pinapanood namin ang mga modelong mag-ayos at magbihis ay nagpaalam akong magbabanyo.

Nangangati ang mukha ko, hindi ko parin talaga kayang ihandle ang mga bagay bagay na first time ko lang mai-try.

Tinawagan ko si Gladys at pinapunta sa cr.

Naghilamos ako at pilit na kinuskos ang aking mukha. Namumula iyon at sobrang kati.

Pinapunta ko si Enrique at napabulalas ito ay ipinahinto ang pagme-make-up sa mga modelo. Mabuti na lang at wala pa palang nakakapag final make up.

Isinugod ako sa ospital. Namamantal ang aking buong mukha pero hindi iyon masakit. Talagang makati lang at kapag kinamot ko ay tiyak na magsusugat.


Ilang linggo rin nilang sinubukang iayos ang aking mukha pero wala na raw talagang magagawa sabi ng aking assigned dermatologist.

Hindi naman sa pumangit ako. Nagkaroon lang ako mg pekas sa mukha.

Kaya nga noong dumalaw sila Patrick kasama sila tita Maitha ay halos hindi nila ako makilala kung hindi dahil sa aking malaking tiyan.

Mukha na akong foreigner. Yung height,facial features, kulay ng balat at kutis ng mukha.

Tawag daw sa mga maliliit na dots sa mukha ko ay freckles. Kaya kahit ako ay halos makumbinsi na ang sarili kong isa akong FilAm,or kung among lahi pa na may bahid ng pinoy.

Sa Passport and documents ko ay Marianne Miranda ang aking pangalan.

Pero sabi ni tita Maitha ay dapat ng baguhin iyon. Since nag-iba na ang aking itsura at pananalita..

Matapos ayusin ang lahat ng aking mga papeles, bago ko pa isilang ang aking anak sa pagdating ng kabuwanan ko, ako na si Priscila Voda.


At ako, bilang isang single mom/ soon-to-be fashion designer, ay walang ibang lalaki sa buhay ko kung hindi ang anak kong si Marcus Austin Voda.

Mamumuhay kami ng masaya dito sa Paris. Kasama ang bagong pamilya ko, at bagong kinabukasan ko.

Not Your Ordinary Cinderella StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon