Chapter Three

4.2K 62 1
                                    

"Ganito, kapag iinom ka, huwag kang kakain ng marami. Kase kapag nagsuka ka, lahat iyon ilalabas mo. Wag ka ring masyadong iinom agad. Pakonti konti lang. Naiinitidihan mo ba Marianne?"

Panay ang paalala sa akin ni bakla. Naaaliw ako sa mga ilaw at mga taong nagsasayawan.

Marami pang habilin si bakla. Kesyo huwag daw akong makikipag-usap sa iba kung ayaw ko raw na ipamigay niya ako. Natatawang sumang-ayon na lang ako. Isa pa ay nasa taas kami ng bar. Nasa baba ang mga nagsasayawan.

Nakatingin ako sa mga taong nag-iinuman. First time kong makapasok sa bar. Mabuti na lang at isinama ako ng baklang kaibigan ko.

Ayun nga at may kasayaw itong babae. Napapaisip tuloy ako kung bakla nga siya. Ang gwapo kase, sobrang porma lang talaga kaya napaghahalataang bakla.

Uminom ako ng beer. First time kong uminom. Hindi siya masarap,sa totoo lang. Pero kaya ko naman siyang inumin ng hindi napapabuga. First time ko lang kase kaya siguro naninibago pa ako. Kaya ko ito. Uubusin ko lahat ng inorder sa akin ni bakla.




Napaparami na ang inom ko,hindi naman ako nahihilo. Malinaw pa ang paningin ko. Medyo nauga lang yung ulo ko pero okay na okay pa ako. Ganito talaga kapag first time. Masasanay din ako.

"Okay ka lang?" Heto na yung bakla, bakit ang tigas ng boses niya? Akala ko ba bakla siya?

"Hindi ako bakla, Marianne. Bakit ba ipinipilit mong bakla ako? Lahat ba ng lalaking maporma at mamahalin ang suot,bakla para sayo?" Tanong nito.

Nasabi ko bang bakla siya?

"Oo,nasabi mo nanaman na bakla ako. Hindi mo ba alam na nasasabi mo na ang iniisip mo?"

Napabungisngis ako. "Okay, haha"

"Gusto mo bang malaman kung bakla ako o hindi?" Tanong ni Bakla. Tss.

"Alam kong bakla ka. Jessie nga pangalan mo eh, diba?"tanong ko pa.

" Jesse as in J-e-s-s-e. Jes ang pagkakabigkas ng pangalan ko. Hindi Jessie." Sabi nito.

"Sige na nga, kunwari maniniwala akong hindi ka bakla. Okay na? Miss?haha"

Natatawang umiling iling ito.
"Sige,para mapatunayan kong hindi ako bakla,inumin mo ito. Dali na, makulit ka eh."

Inabot niya sa akin yung hawak niyang drinks na kulay red na green apple ang kulay sa ilalim.
Inamoy ko iyon at ang bango. Amoy watermelon.

Inisang lagok ko iyon. Matamis ng kaunti. Maya maya ay lumapit ang mukha sa akin ni Jesse. Hinalikan niya ako sa lips at ngumiti siya. Halos maubusan ako ng hininga at nakita ko nalang na magkayapos na kami at nakapaikot na ang mga braso ko sa kanyang batok.

"Tara na!" inalalayan akong tumayo ni bakla. Doon ay nahilo akong bigla. Pasalampak na umupo akong muli.

" Nahihilo na ako bakla."

"Tss. Ang dami mo kaseng ininom eh."

Binuhat ako nito. Lalo akong nahilo.

Lumabas kami ng bar at dumeretso sa parking lot. Naroon ang makintab na kotse ni bakla. Buti nalang at may kotse siya. Pwedeng doon ako matulog ngayong gabi.

Pumasok sa isip ko na ihahatid niya ako pauwi. Makukurot nanaman ako ng stepmother ko. Hindi ako tanggap nun eh. Kaya Cinderalla ang style ko sa bahay.

"Bakla. Wag mo akong iuuwi ha? Lagot ako kay mama Hilda,sa labas lang ako papatulugin nun.

"Sure,ikaw bahala."






Narito kami sa condo niya. Hinubad ko ang sapatos at dress na binili ni bakla para sa akin. Ang init init naman kase. Binuksan ko yung aircon sa kwarto niya at tumapat doon. Napakainit.

Hinawakan ko ang balat ko at doon ay naramdaman ko ang pag-iinit ng katawan ko.

Maya maya ay pumasok si bakla. Naghubad ito ng suot na itim na polo. Napatingin ako sa kanya. Baka hindi mainit ang balat niya.

Sa kabila ng pagewang gewang na paglalakad ko ay naabot ko ang topless na si bakla. At nung  magkadikit kami ay hindi lamig ang hanap ko. Kung hindi init na lalong nagpapaapoy sa aking kalamnan.

"B-bakla. H-hawakan mo nga ulit ako. P-parang gusto ko yung paghawak mo eh."

Nakatitig ito sa akin habang kagat kagat ang maliit na parte ng kanyang labi..

May pumapasok na katotohanan sa isip ko. Hindi nga yata bakla si Jesse. Wala siyang lalaki at pinagkakaguluhan siya ng mga babae sa resto. At kanina, hinalikan niya ako. Nanginig ang katawan ko.

Natawa si Jesse. "Now, do you still believe na bakla ako, Marianne?"

Nakangisi ito. Lalo itong gumagwapo sa paningin ko. Umiling iling ako kahit pa hilong hilo na ako.

"Now,then. Pinatunayan ko na sayo. Ano naman ang patutunayan mo sa akin?hmm?"

Hinimas niya ang hubad kong likuran at tumigil iyon sa aking puwitan.

"I will give you everything Marianne, just be mine. Be my baby girl and be my love. Akin ka nalang. Hindi kita sasaktan, hindi kita papabayaan." Bulong ni Jesse sa tenga ko habang hinahalik halikan ang aking tenga hanggang sa aking leeg.

Napapaungol ako. Nararamdaman ko ang kanyang kamay na dahan dahang nilalamukos ang aking puwitan.

"You're making me crazy, little girl. Answer me. Tell me, what can you promise me? Please darling. Hmm? Say something."paanas na daing nito.

"S-sige. Sa i-iyo na lahh-ng ako."
Nauutal na sagot ko.

"Say my name,Marianne. Say it." Naging matigas at buong buo ang boses niya. Hindi na iyon pabulong kaya nagdala iyon ng kilabot sa aking buto.

"J-jesse."

"Again."

"J-jesse." Napatitig ako sa nagbabagang mga mata niya.

"Jesse."

Ngumiti siya. Pero hindi katulad ng mga dating ngiti niya na tila naaaliw sa kakulitan ko. Nararamdaman kong mapanganib ang ngiting iyon. Nagtataasan ang mga balahibo ko.

"Now, we came to an agreement. Let's enjoy this night, sweet girl."

At hinalikan niya ako ng sobrang kakaiba mula sa halik kanina sa bar.

Napapamulagat ang mata ko sa paghalik niya. Feeling ko ay hindi na ako makahinga.

Not Your Ordinary Cinderella StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon