Chapter Thirty Two

2K 41 0
                                    

Marianne

Nakatanaw ako sa mag-aama ko sa garden. Nag-iihaw sila ng mais para sa meryenda. Napapansin kong napakasaya ng mga anak ko kasama ang ama nila.

Isang araw mula ng hapon na umalis si Donatello ay dumating ang buong pamilya ni Jesse para mamanhikan. Wala si papa kaya pabalik balik sila dito nitong mga nakaraang linggo.

Nakausap ko si papa sa telepono at ang sabi nito ay ngayong gabi ang balik nito. May ipapakilala raw itong importante sa akin. Natuwa naman ito ng malaman na nagsimula ng mamanhikan si Jesse.

"Ma! Halika, dali !!" hinila ni Marcus ang kamay ko at iginiya ako patungo sa kinaroroonan nila.

Ngumiti ako kay Jesse. May mga sandali na nakikita ko sa aking isipan ang mga ngiti ng lalaking ito. Pero iba ang kulay ng kanyang suot sa suot niya kapag magkaharap kami. Marahil ay naaalala ko ang kaunting ala-ala mula sa nakaraan.

Mayroong nakasimangot ito,or nakatitig sa akin. Minsan ay sumagi sa isip ko ang medyo nakanganga pang imahe ni Jesse na tila pagod at tulog. Tuwing naiisip ko iyon ay hindi ko mapigilang pamulahan ng mukha. Nakahubad kase ang katawan nito. Malamang ay may nangyari sa amin sa ala-alang iyon. At ngayon nga ay nararamdaman ko nanaman ang pag-iinit ng aking mukha.

"What's wrong?" napabaling ako kay Jesse. Nakatitig na pala ito sa akin. Nagtatakang hinanap ko ang mga anak ko. Napalalim pala ang pag-iisip ko.

"Nothing." nginitian ko siya.
Mukhang pawisan na ito. Pansin ko na mukhang napapagod ito sa kakaihaw.

"Gusto mo, ako na muna? Para makapagpahinga ka?" alok ko sa kanya.

Umiling lang ito at ipinagpatuloy ang pag-iihaw ng huling mais. Kasunod ay nagsalang naman ito ng pang barbecue. Iyon na ang magiging hapunan namin ngayon.

Pinapanood ko ang bawat kilos ni Jesse. Napaka-gwapo nito, masasabing matanda ito kaysa sa akin ngunit mukhang hindi nagkakalayo ang edad namin. Ilang taon na nga ba ito ngayon?

Naagaw niya ang atensyon ko ng bigla siyang nagsalita.
"Kung hindi lang magagalit sa akin si tita Maitha-" hindi nito itinuloy ang sasabihin. Mukhang ilag talaga ito kay tita.

"Sabihin mo na. Okay lang." pagkumbinsi ko.

Hindi ko maipaliwanag pero parang alam ko kung ano ang gusto niya. Sana nga ay iyon ding naiisip ko ang gusto niya.

'Sana, ayain niya ako sa labas. Para makapagsolo kami at makapag-usap ng masinsinan.' Teka? Parang mali ata ang naiisip ko?tsk.

"Pabalik na si Papa mamaya ano?" pag-iiba nito ng paksa. Nahulog ang mga balikat ko.

Ganito ito. Tila laging nag-iingat.  Alam ko naman ang lahat dahil nakausap ko na si tita Maitha. Nalaman ko na ang dahilan kung bakit ko iniwan si Jesse noon. At alam ko namang pinagsisisihan ng lalaki ang naging pasya nito noon. Heto nga at bumabawi sa amin. Halos buong araw na namin itong nakakasama.

"Oo, may kasama daw siya pauwi. Hindi ko lang alam kung sino." walang ganang sagot ko.
Mukha talagang takot ang lalaking ito kay tita Maitha. Paano? Eh miss na miss ko ito. Kahit wala akong masyadong maalala sapat na sa akin ang nararamdaman ko at yung mga flashbacks na isa-isang bumabalik sa isipan ko.

"Ah, ganun ba...." wala ring ganang sagot nito. Maya maya ay ngumiti ito at hinila ang kamay ko. Kaka flip lang niti ng mga karne. Ang isang kamay nito ay patuloy sa pamamaypay sa grilling stove na de-uling habang ang isang kamay nito ay hinapit ang aking bewang na sanhi para mapalapit ako sa kanyang katawan.

Naaamoy ko ang natural niyang amoy na nahahaluan na ng usok. Mula sa gilid ng aking mga mata ay kita ko ang pag-akyat ng makapal at mataas na usok gawa ng malakas niyang pagpaypay.

"Pa-kiss!" at bigla niya akong sinunggaban ng halik. Mainit at nakakauhaw na halik. Tila ba kahit hinahalikan niya na ako ay kulang pa. Hindi sapat ang halik na ito. Nagdimula na akong tumugon. Inilagay ko ang aking mga palad sa kanyang magkabilang balikat. Matangkad na ako ngunit hanggang balikat niya lang ang taas ko. Medyo nakayuko siya habang naghahalikan kami.

"Sunog!" agad kaming naghiwalay at bigla kaming natawa. Narinig ko ang mga yabag ng higit sa isang pares ng mga paa na papunta sa garden.

Itinigil ni Jesse ang pagpaypay sa kalan at nawala ang usok mula rito.

At ng tuluyan ng humupa ang usok, mga nanunuksong ngiti ng mga anak ko at ni papa ang bumungad sa amin. At may isa pang magandang babae na tila mas bata lang sa akin ng kaunti na nakamasid at nakangiti sa akin. Tila naiiyak ito ngunit puno ng galak ang kanyang mga mata.

"Uyy, hindi kailangang magsunog ng garden kung pareho kayong hot na hot!"

At lumitaw mula sa pinto ang nakangising si Rafaela. Nakasuot ito ng long dress na pulang pula at rubber shoes na kulay itim sa paanan nito. Kasunod nito ang kanyang mga magulang at iba pang kamag-anak.

Napuno na ng tuksuhan ang garden ng villa na ito.
Naramdaman ko ang pag-akbay ni Jesse at muling paghalik sa aking pisngi.

'Kakaiba ka nga Jesse. Siguro nga ay nabaliw ako noon dahil sayo. Pero tila pati puso ko ay baliw na baliw din sayo.'

Not Your Ordinary Cinderella StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon