Nagising ako. Narinig kong bumukas ang pinto. Napabangon ako at napatingin sa aking katawan. Hindi ako magkandaugaga sa pagtakip ng kumot sa katawan ko.
"Anong ginagawa mo?"
Nagulat ako. Sa gilid ko ay nakaupo ang tahimik na si bak- Jesse.
"Ah,kase hu-hubad ako..ano kase.."
"Tumayo ka na. Hapon na. Ang tagal mong natulog Marianne. Nakapaglinis na yung house keeper na inupahan ko,maliban lang sa kwartong ito.."
Napatingin ako sa kwarto. Nasa kwarto ko kami.
"Simula ngayon,sa kwarto ko na tayo magsasamang matulog. Dito ka lang mag-iistay kapag mag-aaral ka or may exams ka. Naiintindihan mo? If nahihirapan ka sa studies mo,sabihin mo sa akin. Tutulungan kita."
Naglakad na ito palapit sa cabinet ko. Kumuha ito ng nakatiklop kong pambahay na binili niya sa akin noon.
"Maligo ka na Marianne,or baka gusto mo itrato kitang baby at ako na ang magpaligo sayo?"
"Ah-ako na,J-jesse."
Inilapag nito ang damit sa paanan ng kama at naupo sa tabi non. Iniangat niya ang kumot ko at lumantad ang hubad kong katawan pinigilan niya ako nung tatakpan ko sana ang aking dibdib at ang aking gitna.
Pinasadahan niya ng tingin ang katawan ko. Tumigil siya sa mukha ko at ngumiti ng matamis.
"Ligo na babe. Baka matukso nanaman ako,magapang nanaman kita." Kumindat siya sakin at iniangat ang kaliwang paa ko. Hinalikan niya ako sa ibabaw ng aking paa..mainit ang kanyang mga labi.
Binawi ko iyon. Dahan dahan akong bumaba ng kama at dumiretso sa cr.
Doon ay nakita ko sa salamin ang aking katawan.
May ilang pasa sa aking balakang pero hindi masakit iyon.
Maging sa leeg at dibdib ko ay may mga namumuong dugo, kissmarks.
Hugis letrang J iyon. Kung saan ang dulo ng J ay nasa ilalim ng kanang dibdib ko.
Ano ba ang pinasok ko? Bakit bigla kaming nagbago? Magkaibigan kami,hindi ba?
Paglabas ko ay wala na siya sa aking kwarto. Hindi ko alam kung tanga ba ako o gusto ko rin kaya lumabas ako ng nakatapis lang para hanapin siya.
Doon nga sa kusina ay nagluluto si Jesse. May kausap ito sa telepono.
"Tigilan mo ako Jay. Wag mo nga akong kulitin. Sinabi ko na sayo,sinimulan mo iyan,pangatawanan mo..sinabihan ka na ni Dad. Hindi ka na papakawalan ni Mom. Kaya nga ako lumayo eh, tsk. Problema mo na yan bro. Basta ako,hindi ako uuwi. Ha? Ah oo, oo nga! Hindi ako katulad ni dad noh. Tss. Oo,alam ko. Haha. Oh siya! Sige na. Ipagluluto ko pa yung ********* ko. Oo. Magpakabait ka jan,wag kang luluko loko! Sige bro. Geh!"
Naghahalo na ito.
Iyon ang pinakaunang beses na nakita kong masaya si Jesse. Parang natural na masayahin ito. Kaya nakapagtataka na napakatahimik nito at bugnutin noong nagkakilala kami. Napagkamalan ko tuloy na bakla"Wag kang tatayo sa kitchen ko ng ganyan kung ayaw mong kainin kita ng buo Marianne."
Nagitla ako. Nakangisi siya sa akin habang minamata ang katawan ko na tapis lang na towel ang takip.
Mabilis akong tumakbo papunta sa kwarto ko at nagbihis.
Nag-iinit ang buong mukha ko.
"Do you like it?"
Napatingin ako kay Jesse. Narito kami sa mall. Pinapapili niya ako ng singsing.
"Ang ganda Jesse. Pero bakit? Hindi naman tayo pwedeng ikasal ah?"
Nagtiim bagang ito. "Kaya kitang pakasalan kahit taon taon pa Marianne. Kaya itigil mo ang pagrarason na hindi pwede." Sabi niya.
"Isa pa, bakit? May iba ka pa bang balak na makatuluyan bukod sa akin? Eh akin ka na diba?"
Nag-iinit ng mukha ko.
Tuwing binabanggit niya ang mga salitang sa kanya ako ay bumabalik sa isipan ko ang araw araw na nangyayari sa amin.
Pinili ko yung simpleng singsing. Nagustuhan din kase iyon ni Jesse.
Sabi niya ay lilipat kami sa Manila. Kung saan hindi na ako mapupuntahan ni mama Hilda.
Sinugod kase ako nito noong isang linggo sa restaurant ni Jesse. Nagsimula na akong magtrabaho roon. Kaya ganun na lang ang hiya ko ng pinahiya ako nito at pinagsigawan na malandi akong dalaga. Mabuti nalang at wala roon si Jesse. Galit na galit ang lalaki pagkabalik galing sa pakikipagkita sa kapatid nito.
"You'll meet my mom there, wag kang kabahan. Nasabi ko na ang lahat sa pamilya ko. Alam nilang baby kita." Nginitian niya ako ng pamatay. Kinikilig ako. Kahit pa sabihing hindi niya binabanggit na mahal niya ako.
Para sa akin ay sapat nang pag-aari niya ako. Kung hindi niya ako mahal, ako ang magmamahal sa kanya.
BINABASA MO ANG
Not Your Ordinary Cinderella Story
Narrativa generale[COMPLETED] warning! Medyo SPG ~ Si Marianne na inosenteng Cinderella noon, matured na ngayon.