Six years old palang ako ng mag-asawang muli si Papa. Mabait si mama Hilda. Pero nung nagkaroon na sila ng anak ni papa,naging masungit na siya sa akin. Lagi niya akong sinisigawan at kinukurot kapag wala si papa.
Hanggang sa paglaki ko ay pinagsisilbihan ko si mama Hilda. High school na ako pero hindi siya tumitigil sa pagpapadala ng baon sa akin. Hindi ako nakakatikim ng pera kahit na malaki ang padala ni papa sa pagsi-seaman. Sa pagpasok nga ay nagbibisekleta lang ako maging sa uwian,wala kase akong pamasahe sa jeep.
Mabuti nalang at may naging kaibigan akong mayaman. Si bakla. Noong una ay nagkaasaran kami,pareho kasi kami ng crush.
Binato lang naman niya ako ng libro sa ulo dahil tinitilian ko yung MVP ng basketball team ng school. Hindi ko siya classmate or ka-schoolmate. Second year high school palang ako. Siya ay OJT teacher sa public shool namin. Galing pa siyang Manila.
Tinalakan niya ako ng tinalakan dahil sa pagiging malandi ko raw. Na nangunguna daw ang boses ko kesa sa mga cheerleaders. Masungit na bakla.
Iyon ang pumasok sa isip ko.Hanggang sa siya ang nai-assign sa klase ko at madalas kaming nagtatalo about sa itinuturo niyang Math.
Pero naging friends kami nung inalok ko siya ng baon ko noong nanakawan siya sa labas ng school. Inalok ko lang naman siya kase ayaw ko ng seafood. Laging seafood ang baon ko kase alam ni mama Helga na allergic ako,lalo na sa tahong at hipon. Talagang ayaw sa akin ni mama Hilda. Nikwento ko na ang buhay ko kay bakla habang nakain siya.
Simula noon ay naging friends na kami ni bakla. Lagi niya akong inililibre. Sa labas ng school ay inaaya niya akong kumain. Nakapunta na rin ako sa condo niya. Ipinamimili niya rin ako ng mga dress. Iniiwan ko lang iyon sa condo niya kase baka sunugin ni mama Hilda.
Bale,parang si bakla ang fairy godmother ko. Magaling siyang pumili ng damit. Fashionista kase. Sobrang yaman,may tatlo nga siyang kotse. Isang pulang Honda CRV, black na BMW at white na pick-up na Toyota.
Tapos mamahalin daw ang condo niya. Siguro ay may lalaki ito,masyadong malaki kase ang condo nito para sa sarili. Dalawang kwarto pa naman iyon. Yung isa ay sa kanya,at yung isa,hindi ko alam kase hindi pa ako nakakapasok doon. Lagi iyong nakakandado.
Pero ipinagpapasalamat ko kay God na may dumating na kaibigan para sa akin. Siya ang sandalan ko tuwing inaapi ako ng stepmother ko at ng maldita kong kapatid sa ama.
"Mariane,ang sabi ko,baka gusto mong pumasyal mamaya, tapos na ang exams mo." Sabi ni bakla. Tapos na ang ojt niya. Pero ayaw daw niyang magtrabaho muna. Mayaman siya at may sariling restaurant. Kaya hindi na niya kailangan magtrabaho bilang guro kung gugustuhin niya.
"Tapos na exam ko, eh ikaw? Diba may exam ka? Ano nga iyon? Board exams diba?"
"Tapos na ako dun. Last year pa. Tss."
Kapag ganitong seryoso si bakla,mukha siyang lalaki. Nagmamaneho siya at papunta kami sa resto niya.
Napangiti ako. Mabubusog na naman ako nito!
![](https://img.wattpad.com/cover/155795410-288-k385252.jpg)
BINABASA MO ANG
Not Your Ordinary Cinderella Story
Fiksi Umum[COMPLETED] warning! Medyo SPG ~ Si Marianne na inosenteng Cinderella noon, matured na ngayon.