Chapter Thirty Five

2.3K 36 0
                                    

Jesse

Tinanghali ng gising si Marianne kaya nagpatawag na ako ng mga kasambahay namin sa mansion para mag-ayos ng gamit ng mag-iina ko. Lilipat na sila sa pinarenovate kong villa. Mas malaki iyon at gusto kong maging komportable ang mga anak ko maging ang soon to be father-in-law ko at ang kapatid ni Marianne. Kasundo ko naman ang mga iyon lalo na si Papa, ang ama ni Marianne.

Kasulukuyan kaming naghahakot ng mga maleta ng kambal. Napakarami kasing damit ng mga iyon. Pinag-shopping ni Mommy nung isang araw.

"Jesse!" Lumingon ako at natanaw si Marianne mula sa terrace sa itaas.

Nginitian ko ito. "Puntahan mo na, pakainin mo at kami na ang bahala dito. Hapon na at hindi pa nakain iyan." Sabi ni papa.  Tumango ako at nagpaalam.

Pagpasok ko sa kabahayan ay naabutan ko si Marcus na ini-sketch ng magtiya na si Max at Mariel. Tinanguan ko lang sila at tinakbo ang hagdan paakyat.

Pagbukas ko ng pinto ay halik ni Marianne ang bumungad sa akin. Naghalikan kami na tila ba walang bukas. Naubusan ako ng hangin kaya humiwalay muna ako. Napatingin ako sa kanya. Medyo malungkot ang mga mata niya.

"Hey, babe. What's wrong?" Inayos ko ang buhok na humarang sa kanyang mukha.

"Kinausap ko si Melody, nalaman kong wala ka palang matinong nakarelasyon mula ng nawala ako." Sabi nito habang nakatungo. Maya maya ay nag-angat ito ng tingin at sinalubong ang aking mga mata.

"Jesse, bakla ka ba?" Tanong niya na ikinalaglag ng panga ko.

'Ako!? Bakla!?"






Marianne

Natatawa ako. Nanlalaki ang singkit na mata ni Jesse. Hinaplos ko ang magkabila niyang pisngi .
"Hindi ba't bakla ang tawag ko sa iyo noon, Jessie?" Natawa na ako ng tuluyan. Hinapit ko ang kanyang bewang at sa dibdib niya tumawa ng tumawa. Nanigas ang kalamnan niya at hindi gumanti ng yakap. Tila ba nagulat sa biro ko.

"Marianne, naaalala mo na nga ang lahat. Haha. Sa tingin mo, bakla ako? Matapos ang nangyari sa atin buong magdamag?!"

Natilihan ako. Tumingala ako at nakita ang mapang-akit na mata ni Jesse.

"Nope, hindi ka bakla. Baka lang kase makaisa, alam mo na. Namiss lang kita. Hindi ba't sa mga palabas, kapag tinatawag na bakla ay pinapatunayan na hindi sila bakla?" I traced circles on his chest. "I thought, you'll prove it to me that you're not gay."

Bigla niya akong binuhat. "Sabihin mo lang kung gusto mo ng lambing, sayong sayo ako Marianne. But please, wag ako ang gawin mong bakla." Sabi nito at dinaganan ako sa kama. Heto na naman po kami, magre-wrestling sa kama.







Pero kahit na buo kami ay hindi ko magawang iungkat ang mga ala-ala ko. Nakiusap ako kay Jesse na wala munang makakaalam na nagbalik na ang lahat ng ala-ala ko. Dahil may bumabagabag sa akin. May kinalaman iyon sa aksidenteng kinasangkutan ko sa Paris.
















Busy si Jesse sa mga resto niya, fiesta kasi kaya maraming nagpapa-cater. Ang mga anak ko naman ay namamasyal sa bayan. Mukhang may bago ng kinahuhumalingan ang anak kong si Marcus. Kasabay kasing umalis ni Donatello ang secretary kong si Jenny. Nagresign na dahil ikakasal na sa nobyo nitong american.

Mabuti na rin iyon. Bata pa ang anak ko para sa kanya, magfo-fourteen years old palang ang kambal. Thirty-two na ako at si Jesse naman ay kakatuntong lang ng thirty nine noong simula ng taon. Matanda na ang Jesse ko.

Bumangon ako ng kama. Sore ang buong katawan ko. Halos walang palya ang bawian namin ni Jesse. Sabik kami sa isa't isa. Nakakapanghinayang na maraming taon ang nawala sa amin. Kasal na nga pala kami. Hindi na engrande dahil nagpumilit akong sa huwes na lang. Saka na ang engrandeng wedding, kapag pareho na kaming hindi busy.

Mayroon kasi akong mga tinanggap na client mula sa Manila. Nakaka-apat na akong kliyente at may bago na akong team sa Manila. Kontento na ako sa buhay ko. Kasama ko si Jesse, ang mga anak ko ay malulusog at malalaki na, maging ang ama at kapatid ko ay kasama ko.

Si Mariel, ang kapatid ko....
Alam kong problemado ito. Kahit na busy ito sa pagtuturo sa pinakamagandang aralan dito sa Lumar, ang Hope International School, ay napapansin kong nagdaramdam  pa rin ito sa nakaraan.

Bumaba ako ng bahay. Sabado kaya paniguradong nasa bahay lang si Mariel. Tangan ko ang sobre na natanggap ko mula pa noong bagong dating palang ako ng Maynila. Yung sulat na galing kay A.M.A,-Angelina Miranda Andrade. Si tita Maitha.

Kumatok ako sa kwarto ni Mariel. Binuksan ko na nung marinig kong naiyak ito. Nabungaran ko si papa na nakahalukipkip at nakasandal sa upuan ng study table habang nasa kama ang kapatid kong naiyak.

"A-ate, b-bakit? May kailangan ka po ba?"tanong nito na pilit ngumingiti. Si papa naman ay tinapik sa balikat ang kapatid ko at nagpaalam sa amin na susundan sa bayan ang namamasyal na kambal.

"Mariel, sino sino ang nakakaalam? Alam ba ni tita Maitha? Nasaan na siya? Si mama Hilda?"seryosong tanong ko ng tinabihan ko siya sa pagkakaupo sa kama..

Nanlalaki ang mga mata nito na napatitig sa akin. "Naaalala mo na ate?!" gulat na gulat ito.

"Yes, Mariel. And thank you. Thank you dahil all this years, mahal mo ako bilang kapatid mo." yinakap ko ito at hinalikan sa ulo.

Ah, ang kapatid ko. Bakit ba nagkaroon kami ng ina na malupit.




Natatandaan ko na ang lahat, pati na ang pagdating sa Paris ng dalagitang si Mariel.





Ang pagbabanta ng kapatid ko sa kabaliwan ng kanyang ina. Hindi ko inintindi dahil imposibleng sundan ako ni mama Hilda para saktan ng dahil sa paghihiwalay nila ng papa namin...

Pero nagawa niya, siya ang sumagasa sa akin, na dapat ay ang anak ko. At ang pagdulog sa akin ng dalagita kong kapatid. Siya ang humingi ng tulong at umalalay kay Marcus nung araw ng aksidenteng iyon. Nakita ko siyang umiiyak sa nanlalabong paningin ko, tumatangis habang yakap ang duguan kong katawan.

"Ate! Paano ang gagawin ko kay mama!? Baliw na siya, pati ikaw sinaktan na niya!!" lingid sa kaalaman ko ay sinasaktan rin pala ni mama Hilda ang sarili niyang anak dahil nagseselos ito sa atensyon ni papa. At iyon ang dahilan, nahuli ito ni papa na ginugulpi si Mariel, kaya sila naghiwalay. Hindi naman pala sila kasal.

Sa huling segundo ay hinawakan ko ang pisngi ni Mariel. "Si Marcus, ang pamangkin mo. P-pakibantayan M-ariel k-ko." tumango ang dalagita at pinalapit ang anak kong iyak ng iyak. Nakita ko ang batang Marcus na nakatanghod sa duguan kong ulo. Pilit akong ngumiti bago nawalan ng malay.

Not Your Ordinary Cinderella StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon