Chapter Twenty Nine

2.1K 29 0
                                    

Marianne

Imbitado kami ni Marcus sa kasal ni Melody nung isang araw. Kaso ay hindi kami nakadalo dahil marami kaming inasikaso, kami ni tita Maitha. Next week, mababawi ko na ang pangalan ko. Pero mananatiling Priscila Voda ang career name ko dahil mahirap na iyong baguhin. Iyon na ang pangalang naitatag ko sa fashion industry.

Sa ngayon ay kakatapos ko lang magluto ng pananghalian. Mapapansin rin na sanay na sanay ako sa pagsasalita ng tagalog. Halos lahat kami sa bahay ay tagalog na ang usapan. Siguro ay dahil na rin sa pilipina talaga ako kaya kahit nasanay ako sa ibang linggwahe ay nasa kaibutiran parin ng puso ko ang aking mother tounge. Kaya siguro naiintindihan ko ang pag-uusap ni Lorenzo at ni Rafaela tuwing nagmamaktol ang huli.

Mabilis matuto si Marcus ng tagalog,sa tulong na rin nina papa at Maxine. Nakakatuwa na kasama ko ang ama ko. Maraming dalang litrato si papa, at nakilala ko na rin sa litrato ang aking ina na pumanaw ng ipanganak ako.

Wala akong naaalala sa nakaraan, ang sabi ng doktor ko ay kailangan ko lang ng patience para bumalik paunti-unti ang ala-ala ko. Sa tulong ng therapy na sisimulan ko ay umaasa kami ng mga anak ko at ni papa na babalik ang lahat ng ala-ala ko.

Kami lang ni Marcus ang nasa villa ni tita Maitha. Si Jenny, ang Australian kong secretary ay namamasyal sa bayan, kasama namin siya dito sa villa at talaga namang kuntodo porma ang binatilyo ko. Ang bata pa nito sa para sa edad ni Jenny na twenty five. Sadyang malakas ang appeal ng dalaga at baby face kaya itong si Marcus ay humaling na humaling sa kanya.

Speak of Marcus, pinagpalit ko ito ng damit dahil nadumihan nung pinaghiwa ko ng karne ng baboy. Sinigang na baboy kase ang naisip kong lutuin.

Hinihintay ko ito dahil kaming dalawa lang ang magkakasabay kumain. Nag-text si Maxine na na-delay ang annual check-up nito dahil sa traffic kaninang rush hour. Kasama naman ito ni papa kaya panatag ang loob ko.

"Marcus?! Cone here na! Ang tagal mong magbihis." tawag ko kay Marcus.

Kaya napatayo ako sa aking kinauupuan sa dining table ng dumungaw ang nakangiting mukha ni Donatello na hila hila ni Marcus sa pulso.

"Donatello, kamusta ka? Hindi mo naman pinagpalit si mommy sa ibang babae doon ano?" nakangising biro ni Marcus. Napamulagat ang mga mata ko sa kanyang tanong.

"Oh, you're good at tagalog now. I'm sorry, I only understand you saying mommy, that's all." Don said awkwaedly.

"Don't mind him. Come, eat with us." I got another plate and prepared his seat.

We are about to eat when Maxine came into view.

"Mama! mama! Nakita kami ni pap- siya ba si Donatello,kuya?" nailipat ang atensyon ni Maxine mula sa akin patungo kay Marcus. Bago pa niya titigan ang kambal niya ay nakita kong sinulyapan niya saglit si Don na nakatulala sa kanya..

"Yup, sis. Meet Donatello, best buddy ni mom. Special from New York City, New York." natawa ako sa paliwanag ni Marcus.

Bumaling muli si Maxine sa akin. "Mama, narinig ni papa ang usapan namin ni lolo, yung tungkol sa therapy mo."

Natigil ako sa pagtawa. Saktong pumasok si papa. Nag-nod lang  ito kay Donatello at nagtungo sa akin. Hinalikan ako nito sa ulo at yinapos ako.

"Anak, alam kong mahalaga sayo si Donatello. Pero sa tingin ko, kailangan mo ring bigyan ng chance si Jesse. Siya ang ama ng mga anak mo. Ama din ako anak. Mahirap mawalay sa anak,kahit sabihin pang pinagtabuyan kita noon,at kung ganoon man ang ginawa sayo ni Jesse noong nalaman mong buntis ka." hayagang payo ni papa.

"Since when did your body guard became so close to you? And, who is she? Is she Marcus' twin?" nabaling amg atensyon ko kay Don na nakatunghay sa anak kong nakayuko at tila nahihiya. Namumula ang buong mukha nito at nakatayo sa may pinto.

Nilapitan ito ni Marcus at inakbayan. "We're twins Donatello. This is my lovely sister, Maxine Pascua-Boas."

We all got silenced by Marcus' revelations. I looked at Don, he's just staring blankly at my twins.

Papa tap my back, "You need to talk to him. Let him eat, I'll take the kids out. Talk to him and work everything out."

I just nodded. Papa took my twins out and I heard Marcus teasing his sister on the way out.

"Let's eat first, then we'll talk." I told Don and that's when he started eating witgout looking back at me.











Jesse

I can't believe this! May anak akong kambal! I mean, kambal ang anak ko-mga anak pala namin ni Marianne!!

Hinagilap ko mula sa aking bulsa ang aking phone para tawagan si mommy. Matutuwa iyon sa nalaman ko. Yun nga lang ay una kong natanggap ang message ni Melody.

'Kuya!! Nakakahiya ka! Kalalaki mong tao,hinihimatay ka! Ang usapan,ako ang aalalayan mo. Pero ako pa ang humila sa corpse mo papunta sa emergency room. Patung-patong na kasalanan mo sa akin. Kapag lalaki itong magiging anak ko, ipapasuntok talaga kita!'

Iyan ang text message niya.
Inilibot ko ang paningin ko sa paligid. Iniwan na pala ako ni Melody dito sa emergency room, sa likod ng kurtina ay nakakarinig ako ng ibang mga pasyente na nag-uusap.

Nasa ospital ako kanina kasama si Melody. Nagpasama ito dahil sa pananakit ng sikmura,madalas itong magsuka,ngayon ko lang nalaman dahil ako lang ang naiwan sa bahay dahil sa napuyat ako kagabi.

Napag-alaman nga na buntis ito. Kaya naman pala ako ang isinama,dahil alam niyang wala akong sasabihin sa asawa niya, gusto raw niyang isurpresa.

Matapos kasi ang kasal ay hindi pa nakakaalis para sa honeymoon ang mag-asawa. Inaayos pa kasi nito ang pagte-turn over ng posisyon ng pagiging Mayor kay Jace. Tama kayo, si Jace na kambal ko ang bagong Mayor ng Lumar City. Impluwensya ni mommy, matapos ang mahigit isang dekada ay napilit niya na ang kambal kong pumasok sa pulitika.

Bumalik sa isip ko ang mukha ng dalaga na kasama ni Mr. Pascua, tinawag nitong lolo ang matanda. Hindi tito o kung Mr. Pascua, at mommy ang tawag nito kay Marianne, hindi ko sinadadyang mashock dahil nakakagulat talaga. At mali si Melody,hindi ako hinimatay. Nahilo lang ako sa sobramg puyat. Tsk.

Madaling araw na ako nakatulog tapos alas siyete ay nabulabog ako ng pagsusuka ni Melody. Kaya bangag na bangag ako papunta dito sa ospital.

Pero ano nga ulit ang pinag-uusapan ng anak ko at ng lolo diumano nito? Therapy? Anong therapy? Si Marianne ba ay mag-a-undergo ng therapy? Gusto niya bang maalala ang nakaraan?

Imbis na tawagan ko si mom, ang kambal ko ang tinawagan ko. Magaling itong magpayo, basta wag lang papansinin ang pang-aalaska nito.

Ilang ring lang ay sinagot na nito. "Bro, namiss mo na kaagad ako?haha"

'Patience, Jesse.' kailangan mo ang payo ng gunggong na iyan...

Not Your Ordinary Cinderella StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon